I Met A Ghost by MayGoddess “Nayumi Anderson. You’re beautiful, rich and popular. Maraming nagmamahal sayo. Nag-aaral aaral ka pa lang pero may career ka na rin. Isa na lang ang kulang sayo… LOVE LIFE.” Yan ang madalas sabihin sakin ng mga friends ko. Well totoo naman… Marami ang nagsasabi na maganda daw ako. Kaya nga ako nagmodel eh… para i-share share ang beauty ko sa mundo. Hahaha Hahaha… just kidding. Pero model talaga ko, I’m the he image model of Elise which is the top brand of apparel in our country. Also,, nasali li ako sa mga modeling competitions international kaya naman medyo popular na rin ako. Mayaman? Haha… depende. Lolo ko talaga ang mayaman, kaya naman sunod ang luho ko sa kanya. Pero love life… ewan ko ba. Siguro I’m still waiting for that special guy. Pero nakikipag-date naman ako but hanggang date lang. Wala kasi akong ma-feel ma na something sa mga nakaka-date date ko eh. And speaking of date, lately nakipag nakipag-date ako kay Chace Padilla… … isa lang naman siyang hearthrob star. Nakasama ko siya sa isang photoshoot and then we had dinner together. And dahil sikat siya, may mga paparaz paparazzii na nakakita samin and pinakalat ang balita na “we’re we’re dating dating”. Ngayon mas lalo pa kong naging popular popular. May paparazzo na rin na sumusunod sakin. Maganda yun para sa career ko pero it iis also tiring. At isa lang ang sagot dito… … I need a VACATION. Chapter 1 – First Meeting [ Nayumi’s POV ] Minsan kahit gaano mo kagusto ang trabaho mo o kaya ang course na tinetake mo, hindi mo pa rin maiiwasan na mapagod. Kaya naman since katatapos lang ng one semester ko sa college, nagbreak din muna ko sa work. Kailangan kong magrelax. Hindi naman ako naghahanap ng vacation sa malalayong lugar, gusto ko lang muna na wala akong iniintindi, para walang stress. So nagdecide ako na magpunta dito sa Laguna. Magstay muna ko sa isang hotel dito na malapit kina Tricia, tapos bahala na kung anong maisipan kong gawin. First day. Room 308. Ayos na ang mga gamit ko. Maglilibot na lang muna ko dito… Binuksan ko yung pinto. May lalaki na nakatayo sa tapat ng door ko, at hindi lang basta sa tapat… nakaharang siya sa daanan ko. Hindi siya umaalis kaya nagsalita na ko.. “Excuse me…” “Ako ba kinakausap mo?” Nagulat naman ako sa response niya. “Ah… oo eh. Dadaan kasi ako, so excuse lang…” “You mean… nakikita mo ko?” Ano daw? Ang weird naman ng pinagsasasabi niya. “Oo. Kaya excuse na ha… di kasi ako makalampas.” Umalis naman siya sa daanan ko at lumabas na rin ako. Wala pang one hour bumalik na rin ako. Nandoon pa rin siya… at nakatayo pa rin sa TAPAT ng room ko. Hindi ko na lang siya pinansin at pumasok na ko sa loob. Lunch na. Lalabas na ulit ako para kumain… At hindi ko alam kung magugulat ba ko o ano… dahil paglabas ko ay nandoon pa rin siya… So nilapitan ko siya at tinanong… “Pwede bang magtanong… may kailangan ka ba sakin?” “Ha?” “Eh kasi… kanina ka pa nakatayo sa tapat ng room ko eh… sa tapat ng door ko to be exact. Do you need anything?” Hindi siya sumagot… at mukhang wala naman siyang balak sumagot… “Oh sige mauna na ko ha…” …kaya umalis na rin ako. Pagbalik ko… This time ewan ko na talaga… Dapat na ba kong kabahan? Eh kasi nandoon pa rin siya sa pwestong iyon. Hindi naman siya mukhang guard. At ang alam ko, wala namang guard ang hotel na to na nagbabantay sa mga rooms. And if ever meron nga… BAKIT SA TAPAT NG ROOM KO? Pumasok na ako sa loob… at isinara ko na ang pinto ng… “Arrgg!” may narinig akong sigaw. Binuksan ko ulit ito at nakita kong nakahawak sa ulo niya yung lalaki. Kinabahan ako, baka kung ano ng nangyayari sa kanya. Nilapitan ko siya… “Anong nangyayari sayo? May masakit ba sayo? Do you want me to call a doctor? Ano?” “Hinde…” tumingin siya sakin “hinde… okay lang ako…” “Sure ka ba?” “Oo. Okay lang ako.” Mukha namang okay nga siya… “Nagulat naman ako sayo. Ano ba kasing nagyari, nahulog ka ba? Nadulas? Nauntog? Ano?” Tumingin siya sakin ng malalim. Parang nagdadalawang isip siya kung sasabihin niya sakin o hinde. “I…” magsasalita na sana ako ng may sabihin siya “… I have… amnesia.” “What?” nagulat naman ako dun “Hindi nga?” Medyo natawa pa ko. Pero serious pa rin siya, kaya napatigil naman ako sa pagngiti. “Okay. Hindi ka nagjo-joke. Kung ganoon anong ginagawa mo dito sa labas ng room ko?” “Gusto mong malaman?” parang naghahamon yung tono niya. Ba’t ganun siya? Nakakatakot bigla yung aura niya. “Kung pwede lang naman…” napaurong ako bigla “baka lang kasi matulungan kita pero kung…” pahina ng pahina yung voice ko “… kung ayaw mo namang sabihin, okay lang hindi naman kita pipilit-” “Talaga?!” nabuhayan siya bigla at hindi na ko pinatapos sa sasabihin ko. Nawala na rin yung nakakatakot niyang aura. “Ha?” Anong talaga? Ano ba yung sinabi ko? “Tutulungan mo ko?…” parang biglang nagbago yung taong kaharap ko… yung kaninang seryoso, biglang nagmukhang makulit. “Saan?” teka alam ko na yung sinasabi niya “Teka… wala akong pina-promise sayo na tutulu-” “Ang totoo kasi wala akong maalala kahit ano sa pagkatao ko. Ang tagal ko na nga dito eh, hindi ko alam kung saan ako uuwi. At dahil SINABI MO…” pinagdiinan niya talaga yung words na ‘sinabi mo’ “Tulungan mo ko na alamin kung sino ako.” “What?” Teka ano ba tong napasukan ko… “Gaano ka na ba katagal dito… exactly?” “Uhhhmmm. Di ko na malala eh. Siguro… several months na rin.” “SEVERAL MONTHS? You’re kidding me! Ganun ka na katagal dito?” Medyo napataas yung boses ko. “Mukha ba kong nagLOLOKO?!” Medyo mainitin yata ang ulo niya ah… nagtaas rin siya ng boses. “So-sorry. Calm ka lang. So anong gusto mong gawin ko, how will I help you?” “Alamin mo kung sino ako.” Nice… Request ba yun or command? Buti na lang sanay na ako sa mga ganitong ugali. “Teka, paano? Na-try mo na ba mag-ask ng help sa police? Or sa hospital na pinanggalingan mo?” “Wala akong naaalala na nahospital ako. At nasubukan ko na rin magpunta sa police station… di naman nila ko pinansin doon eh… mga wala silang kwenta. Ang sarap pagbubugbugin eh.” “What?” Pagbubugbugin? Nagiimbento lang ba siya? Mahirap kaya yun… there’s no hospital records and walang nagawa ang police, ano pa ko? “Basta nasabi mo na, kaya sa ayaw mo at sa gusto… tutulungan mo ko.” “Wait. Mahirap naman yata yang pinapagawa mo… Umm… sorry but, I can’t help you.” Pumasok agad ako sa loob ng room ko para wala siyang masabi. Sigh. Hindi naman sa ayaw ko siyang tulungan pero… ano bang magagawa ko for him? At saka parang hindi reliable yung sinasabi niya, di ko alam kung paniniwalaan ko ba… Kung tumawag kaya ako ng guard at ireport ko siya? Wag na, paano kung totoong may amnesia siya… baka kung saan lang siya itaboy, kawawa naman siya… Bahala na nga lang siya… maiinip rin naman siguro siya at aalis. Gabi na, nag-peek ako sa labas at nakatayo pa rin siya dun. No choice, magpadeliver na lang ako ng food. *DING DONG Nandiyan na yung delivery boy. Binuksan ko yung door pero slight lang. “Ms. Nayumi Anderson?” Yung delivery boy. “Yes?” “Eto po yung pina-deliver ninyong food.” Kinuha ko yung food. Then inabot ko yung bayad. Aalis na sana yung delivery boy… “Wait! May nakita ka bang guy na nakatayo dyan sa labas?” Tumingin yung boy sa hallway sa labas ng room. “Wala po ma’am.” “Ah. Okay. Thanks.” “Sige po ma’am. Thank you po.” Umalis na nga siya. Sumilip ako sa labas para i-check nga kung wala na yung lalaki… MALI yung delivery boy. Nakatayo pa rin doon yung guy, nakangiti at kumaway pa sakin. Nagulat ako kaya isinara ko agad yung pinto. Chapter 2 – Amnesia Guy Magkikita kami ng bestfriend kong si Tricia. Pareho kami ng pinapasukan sa Manila, may classes pa nga lang siya kaya nandun pa rin siya. Pero uuwi siya ngayon dito sa Laguna para dalawin ang family niya. At syempre ako… yay!! Yun nga lang, pagbukas ko ng pinto…. “Kamusta?” “Nandito ka pa rin?” ang tinutukoy ko lang naman ay si amnesia guy kahapon. “Di ba sabi ko nga sayo… di ko alam kung saan ako uuwi. Wala akong maalala. Ilang beses ko bang dapat ulitin.” So, ako pa ngayon ang makulit? Sigh. “Bahala ka nga diyan.” Naglakad na ko papaalis. Pero sinundan niya ko. “Teka saan ka pupunta? Yung sinabi mo… di ba dapat tutulungan mo ko.” Ayaw niya talagang tumigil. Ang kulit… “Di ba sinabi ko rin sayo… di kita kayang tulungan.” Ilang beses ko rin bang dapat sabihin sa kanya?.. Naglakad ako ng mabilis… Binilisan din niya… “Di ba sabi ko rin sayo, sa ayaw mo’t sa gusto… tutulungan mo ko. Ikaw lang ang makakatulong sakin.” Hindi ko na siya sinagot. Mabilis pa rin ang lakad ko. Paglabas ay sumakay agad ako sa car na nag-aantay sakin. (Nagpapunta kasi ako ng personal driver ko dito.) “HOY! Teka lang!” sigaw niya ng naiwan ko siya. Sa wakas… natakasan ko rin. Sa mall… Nag-sigh ako. “Napaaga tuloy ako sa meeting time namin ni Tricia. Kainis kasi eh…” kung hindi kasi ako hinabol nung amnesia guy na yun, eh di sana mayamaya pa ko… “Ano kayang magawa?” “Eh kung tulungan mo kaya ako.” Napatingin ako sa nagsalita na nasa likod ko lang. Na-shocked ako. “Ikaw na naman!? Teka… kalian… paanong… Sandali nga lang, sinusundan mo ba ko?” Paano niya ko naabutan ng ganoong kabilis? “Asa ka! Hinde noh!” Hindi daw? Tinanggi pa, eh halata naman. “Eh bakit nandito ka rin?” tanong ko sa kanya. “Bakit ikaw lang ba ang pwedeng magpunta sa mall?” “Hinde, pero…” Kainis siya ha… may point siya pero… basta!! “Hmmpp.” Inirapan ko nga siya. Naglakad ako papalayo sa kanya pero sumunod siya. Ano bang balak niya at pati dito eh kukulitin niya ko. Lumingon ako, tumingin lang siya sakin na parang sinasabi niya na ‘IKAW LANG BA ANG PWEDENG MAG-STROLL SA MALL?’. Sumakay ako sa escalator. Sumunod na naman siya. Lumingon ulit ako sa kanya. Itatanong ko sana ulit kung bakit niya ko sinusundan. “Sinu-” “Pupunta kong second floor eh… bakit?” inunahan niya agad ako ng sagot. “Psshh.” Tumalikod na ko, wala na kong masabi. Pagdating ng second floor, tumingin ulit ako sa lalaki at inantay ko siyang makarating ng second floor. “Oh second floor na to…” “Oo nga.” Confident na sagot niya. Tapos ay sumakay ulit ako sa escalator papunta naman ng 3rd floor. Sumunod ulit siya sakin. Nakukulitan na talaga ko sa kanya… “Oh, sabi mo sa second floor ka?” “Oo nga. Sa second floor para makasakay ng escalator papuntang third floor.” “Palusot pa…” sabi ko sa sarili ko. Halata naman na sinusundan talaga niya ko… Pagdating ko sa third floor mabilis akong naglakad. Tumingin ako sa likod at sinusundan pa rin niya ko. Hindi ba talaga niya ko titigilan? Nag-turn left ako, tapos right, then turn left, then left ulit. Then turn... ay ewan, I can’t memorize it all. Tapos nakakita ako ng maraming tao… pumasok ako sa may arcade. Tapos sumisilip ako… Mukhang wala na ang humahabol sakin... “Haay… buti wala na siya.” Tumalikod ako. Pero pagikot ko, nagulat ko dahil nasa likod ko lang pala ang tinataguan ko. “Sinong sinisilip mo diyan?” sabi niya na hatala namang alam niyang siya. “What are you doing here?” “Obvious ba? Eh di maglalaro. Eh ikaw, ANO ang ginagawa mo sa ganitong lugar?” Malamang tinataguan ka. Yun ang gusto kong isagot sa kanya, pero syempre itatanggi na naman niya na hinahabol niya ko… Wait, arcade to diba? “Maglalaro din.” Alibi ko. “Talaga? Ano naman ang nilalaro mo?” Napatingin ako sa paligid. Streetfighter, Motorrace, Residentevil, F1speedracer, Dancerevolution, Ghostsquad, Drummania, Dancemania, at kung anu-ano pa. “Eto.” Sabay turo ko sa Guitarmania (guitarfreak). “Talaga lang ha?” parang di siya makapaniwala. Tapos naghamon siya at tinanggap ko naman. Na-una siyang maglaro. A ang grade na nakuha niya. “Sige pantayan mo yang nakuha ko.” “Ang yabang…” After niya, ako naman ang naglaro. Grade A din ang nakuha ko. “Ang dali lang naman pala eh.” Kita ko na di niya expected na mapapantayan ko siya. “Eh mas mayabang ka pa pala sakin eh.” “Hindi ah…” “Uy guys diba si Nayumi Anderson yun?” Napatingin kaming dalawa sa nagsalita. Galing sa isang barkada ng mukhang mga college students. “Si Nayumi nga.” Sagot nung isa. Nag-smile naman ako sa kanila. “Hi Nayumi.” Lumapit sila samin. “Hello.” Bati ko, hindi naman ako snob eh. “Ang ganda niya…” sabi nung isa. “Mas maganda ka pa sa personal miss Nayumi.” “Ah… Thank you.” Nakaka-flatter naman sila. “Pwedeng magpa-picture?” sabi nung isang girl. “Of course naman.” “Ako na ang magpipicture.” Yung isa niyang barkada. Nagsmile na kaming lahat sa nagpipicture. “One more.” Sabi nung nagpipicture. “Teka yung kasama ni Nayumi isama rin natin.” Si Amnesia-guy yung tinutukoy nila. Natatawa nga ako, napagkamalan pa tuloy na close kami… Do we look like friends? “Kuya sama ka na rin.” Aya nung lalaki “Ako?” mukhang nagtataka si amnesia-guy sa nangyayari, di niya ba talaga ko kilala? O kahit maging familiar man lang yung face or name ko sa kanya… “Oo.” Pilit ng magkakabarkada. Wala naman siyang nagawa at nagpapicture na nga kami. “Thank you po.” “Sige. Thank you din.” Then nagpapalam na sila. “Uy patingin nga ng picture natin.” Naguusap sila habang papalayo samin. “Ang ganda talaga ni Nayumi.” “Teka, bakit wala dito yung kasama niyang guy?” “Baka hindi siya nahagip… pero ang weird, tanda ko kasama siya nung kinuhanan ko kayo eh.” Hindi pa sila nakakalayo kaya medyo dinig pa namin yung usapan nila. “Sikat ka ba?” Napatingin ako kay amnesia guy. Naiisip niya rin pala yon? “Maybe.” Hindi na siya nagtanong pa. Siguro naisip niya na hindi ko rin naman siya sasagutin ng maayos. Nagpatuloy na lang siya sa paglalaro. Sinamantala ko naman ito para tumakas… ..tiptoe… tiptoe… tiptoe… Nagpunta ako sa may damitan, sa ladies wear. Doon sa may maraming tao. Tapos sumilip ako… …napansin niya yata na nawala ako, hinahanap niya kasi ako eh. Oops! Papalapit siya dito!! I have to move… Yumuko ako at lumipat ng pwesto. Kaso napadaan ako sa Elise Apparel. “Good morning Miss Nayumi Anderson.” Bati sakin ng isang sales lady ng Elise. Napatayo naman ako ng tuwid bigla. “Ah, good morning.” Ano ba yan! Nakakahiya naman yung posture ko kanina. Kung hindi ba naman kasi ako hinahabol ng amnesia guy na ito, eh di sana… Napatingin ako sa likod ko at nakita kong NAKATINGIN NA SIYA SAKIN. Waaahh! Nakita na pala niya ko!! Nagmadali akong maglakad. Pumasok ako sa ladies underwear. “Hindi naman siguro siya maglalakas loob na sumunod dito.” Nakayuko pa akong nagtatago habang sinisilip kung nilubayan na ba niya ko. Hmmm… hindi ko na siya makita. Siguro nakalayo na siya? Lumipat ako sa kabilang side, pagsilip ako… bumulaga sa harap ko ang face niya… “Hindi mo ko matatakasan.” Sabi niya na mala-kontrabida ang style. “Hanggang dito ba naman?” I can’t believe this guy! As in! Paano niya kinayang pumasok dito? Hindi ba siya nahihiya? Ladies underwear ang nandito and HE’S A GUY! Lumabas ako sa ladies under garments. Ako kasi ang nahihiya for him. Sumunod na naman siya. “Stop chasing me… Please.” “Wag mo na kasi akong takbuhan.” “Tigilan mo na ako. Stalker ka ba? Ano ba kasi ang gusto mo?” “Isa lang naman kasi, tulungan mo kong alamin ang pagkatao ko, yun lang. Uulitin ko na naman ba?” Tumigil ako sa paglalakad. “Ang kulit mo naman eh. Hindi ko nga kaya… I can’t, okay? And bakit ba ako lang ang kinukulit mo? Ang dami naman diyang iba na willing tumulong sayo… bakit ako?” “Eh kasi…” parang nahihirapan siyang sabihin sakin ang dahilan “…ikaw lang ang nakausap sakin? Hindi naman nila ko pinapansin eh.” Ha? Ano daw? Karapatdapat bang tanggapin yung reason niya. “Sige, eto tingnan mo ha…” Lumapit siya sa isang girl na napadaan sa tabi namin. “Miss pwedeng magtanong?” Nilampasan lang siya nung girl na parang hangin. “Oh kita mo? Hindi man lang niya ako tinignan.” Oo nga noh. Di man lang siya tiningnan. Pero what if snob lang talaga yung girl? “Ang hirap naman kasi ng gusto mo eh. And… hindi naman sa pinagiisipan kita ng masama ha, pero hindi naman kita kilala eh. You’re a STRANGER.” “Puwes ako din, di ko rin kilala ang sarili ko. So, FAIR lang tayo.” “Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Anong fair doon?” “Ganyan ka ba talaga? Ganyan ba kahirap para sayo ang tumulong?” Wha-? Wait… Nangkokonsensya ba siya? Pero he has a point naman eh. Ano ba naman yung tulungan ko siya… Di ko na talaga alam!! I need help… Napabuntong hininga ako at nag dial sa phone ko. “Hello? Tricia, where are you? Bilisan mo na please...” Sa restaurant… “So, ikaw pala yung sinasabi ni Nayumi na guy na may amnesia na nagstalk sa kanya.” “Ako ba ang kinakausap mo?” Nagkatinginan kami ni Tricia. Nag-shrug lang ako ng shoulders. Si Tricia lang naman kasi ang nagpilit sakin na gusto daw niya ma-meet tong guy na to eh. “By the way, I’m Tricia Mendez… Nayumi’s bestfriend. Wait, nagpakilala ka na ba sa kanya Nayumi?” “Hinde, walang chance eh, pero mukha namang alam na niya name ko eh.” “Talaga?” tumingin siya kay amnesia guy at tinitigan siya ng ilang seconds. “Alam mo Nayumi, mukhang naman siyang harmless…” “Harmless?! Tricia, hinahabol niya ko… sinusundan, hindi niya ko tinitigilan. Ang freaky kaya…” bulong ko sa kanya. Nag-isip sandali si Tricia “Let’s see.” Humarap siya sa guy.“Mr. stalker, pwede ko bang mahiram yung hand mo?” Inabot nung guy yung hand niya. Hinawakan naman ito ni Tricia ng parehong kamay. “Manghuhula ka ba?” ask ni amnesia guy kay Tricia. “Hinde noh. Alam mo kasi, may kakaiba akong talent. Kaya kong pakiramdaman kung good or bad ba ang isang tao. Actually, hindi lang tao eh… nakakaramdam din kasi ako ng mga spirits, mga ghost-” “Nakakakita ka ng multo?” interesadong tanong niya “Nakakaramdam ako, pero twice pa lang ako nakakita.” Binitawan na niya yung kamay ng guy. “Alam mo Nayumi, may kakaiba sa kanya, pero hindi sa bad side ha... Uhmm… Mukha nga siyang mabait eh. And cute siya ha…” “Tricia, you believe in him?” “Wala namang masama kung tutulungan mo siya diba. And tingin ko, hindi naman siya mukhang fan. Hindi ka nga yata niya kilala eh…” Napaisip naman ako. I trust Tricia. And since hindi ako makapag-decide sa sarili ko, susundin ko nalang yung payo niya. “Okay.” “Payag ka na?” tanong agad ng guy. “I’ll try… pero hindi ako nangangako sayo na may magagawa ako. Kung ano lang ang kaya kong maitulong, yun lang…” “Don’t worry pag wala akong naka-shedule na summer class, I’ll help din.” “Salamat Tricia…” yung guy. “Okay lang. Kind and helpful naman talaga yang si Nayumi eh. Let’s say… medyo shy lang siya.” “What about me? Wala man lang thank you dahil pumayag ako…” “Saka ka na… wala ka pa ngang nagagawa eh.” Ang bossy talaga nitong guy na to… Humarap ako kay Tricia. “Hindi ko talaga maintindihan ang guys… is it me, or them?” Alam ni Tricia kung sino ang ‘them’ na tinutukoy ko. “It’s you. Talo ka kasi sa asaran eh…” What?! Pati ba ang bestfriend ko? “Pati ba naman ikaw?” Tinawanan niya lang ako. “Kumain na nga tayo, para mamaya makapagshopping na tayo.” Tumingin siya sa lalaki. “Pwedeng bukas ka na namin tulungan? Sumama ka na lang muna samin ngayon.” “Okay lang.” Bakit kay Tricia ang bait niya? Unfair itong lalaking to… Gabi na… Balik sa hotel… Umuwi na si Tricia sa kanila, so ang kasama ko nalang ay si amnesia guy. Papasok na ko sa loob ng room ko… “Teka, saan ka pala natutulog?” “Dito.” “Dito? Saan dito?” “Sa tapat ng kwarto mo.” “Ah okay.” Maybe sa room na katapat ng room ko siya tumutuloy. Paano kaya niya nababayaran ang bill niya? Hmmm. Never mind, it’s his problem naman eh… not mine. “Paano, bukas na lang.” Paalam ko sa kanya. “Gumising ka ng maaga ha.” “Pwede na ba ang 7:00 am?” “Mas maaga pa dapat… mga…” Nagisip siya ng oras. “Demanding ka ha…” “Basta, ako na ang gigising sayo…” “Ha? Paano?” “Wag ng maraming tanong, matulog ka na. Mukha ka ng anemic oh, ang putla mo na.” “Psshhh. Ang yabang! You’re dark lang kasi…” “Okay lang yun, hindi naman panget.” “Ako ba ang sinasabi mong panget?” “May iba pa ba kong kausap?” Sinimangutan ko siya. “Hmmpp! Goodnight na nga!” sabay sarado na pinto. Ewan ko kung imagination ko lang o totoo… pero before ko maisara yung door, nakita ko na napangiti siya at bumulong ng… “Goodnight din.” Chapter 3 – He is a ghost! Poke. Poke. Poke. Ano ba yon? Inaantok pa ko eh. “5 more minutes…” May naramdaman ako na dumikit sa forehead ko. Slowly I open my eyes, and napabangon ako sa gulat… “What are you doing here!?” medyo napasigaw pa ko… …paano ba naman, ilang inches lang ang pagitan ng faces namin sa isa’t isa. “Ginigising ka.” “And paano ka nakapasok?” “Dumaan ako sa pinto.” Sa pinto, hindi ko ba nai-lock yun gabi? “And bakit mo ko pinapanood habang natutulog?” “Paano mo naman nasabing pinapanood kitang matulog eh nakapikit ka?” “Obviously, dahil pagmulat ko… mukha mo agad ang nakaharap sa akin. And ano ang ginagawa mo at nakaupo ka sa floor sa tabi ng bed ko at nakaharap ka pa sakin?” Nag-smile lang siya at nagkibit balikat. “Kasi pinapanood mo ko habang natutulog.” Wag niya na kasing itanggi. “Kung ikasasaya mo na paniwalaang pinapanood kitang matulog, eh di sige.” Ano naman ang ikasasaya ko dun? “Hmmp.” Sabay bato ko ng pillow. Naiwasan naman niya ito at tumawa pa. “Pwede dun ka na muna sa labas ng bedroom ko… manood ka ng tv o kumain ka, bahala ka.” “Bakit?” tanong niya. “Basta.” “Bakit nga?” “Alam mo, you can do whatever you want. Lumabas ka na please…” “Dito ba hindi pwede?” “Hinde, sorry.” “Bakit?” “Ang kulit! Kasi maliligo ako.” “Sus, yun lang pala eh, pinahaba mo pa ang usapan.” “Ikaw lang naman kasi nagpapahaba ng usapan.” Tumayo siya at ginulo ang hair ko. “Oo nga, maligo ka na nga, para bumango ka naman.” Ang yabang... “Dun ka na nga!” pinigilan ko ang paggulo niya sa hair ko. Lumabas na siya. “Bilisan mo ha.” Pahabol pa niya. “Opo.” Sarcastic kong sagot. Later… Lumabas ako ng kwarto, napalingon siya sakin at tinitigan ako. “Wag mo nga akong titigan. It’s rude you know..” “Hindi ikaw ang tinititigan ko, yung damit mo.” Tapos ay ibinalik na niya ang attention sa tv. Nilapitan ko siya, bigla siyang nagsalita… “Yung mga magazine mo puro about sa fashion, wala ka bang magazine for boys? O kahit anime… yung manga?” “Teka binasa mo yung mga magazine dito?” “Hinde, tiningnan ko lang.” “Ah.” Akala ko nakita niya na yung pics ko sa magazine kaya siya nagtanong… Medyo nakakapagtaka lang… nanonood naman siya ng tv, pero hindi man lang ba naging familiar kahit konti sa kanya yung face ko… o kahit yung name lang? Biglang nag-commercial, advertisement ng Elise Apparel… … After ng commercial… “Kamukha mo yung model dun sa commercial.” “Talaga?” patay malisya lang ko, I don’t know if sasabihin ko ba o hinde. “Hindi lang diyan sa Elise… pati yung sa commercial ng isang telecom company at dun sa isang food.” Napapansin naman pala niya eh… “Eh sino ang mas maganda?” biro ko. “Wala.” Deretsong sagot niya. “Kamukha mo yung model. So pareho kayong panget.” “Ang sama mo.” Nag-pout ako. “Double kill ano?” [Double kill – term sa DOTA] “Ha?” anong double kill? “Dalawang beses ka tinamaan di ba?” Ano daw? “Kaya pala kilala ka ng iba… model ka pala?” Alam na niya? “Teka, sabi mo hindi mo binasa yung mga mag?” “Hindi ko nga binasa, pero tinignan ko naman yung pictures.” Napa-buntong hininga ako. Na-upo ako sa tabi niya sa sofa. “Siguro dapat i-introduce ko muna yung self ko ng maayos.” Huminga ako ng malalim, bago nagsimula. “Tulad nga ng sinabi mo, isa nga akong commercial model and image model ng Elise Apparel… so mas madalas mo kong makikita sa mga fashion magazines, or sa mag mismo ng Elise. And my full name is Nayumi Anderson.” “And hindi lang siya basta model, she’s a supermodel.” Napatingin kami pareho kay Tricia, na nasa may pinto. “Tricia!” greet ko sa kanya. “Hi bestfriend! Hi amnesia-guy!” “Hello.” Bati niya. Naupo naman si Tricia sa single couch sa tabi ng sofa na inuupuan namin. “Ano ba naman Nayumi… sabi mo i-introduce mo yung sarili mo, bakit kulang yung details?” “Dapat ba niyang malaman lahat? Basic lang naman dapat diba?” Hindi ako sinagot ni Tricia. “Teka, Anderson?” sabi sakin ni amnesia guy. “Oo… Anderson nga. Apo si Nayumi ng may-ari ng sikat ng school na Anderson High School.” Si Tricia talaga oh. Tumango lang siya. “Oo nga pala, nagpakilala na si Tricia sayo diba. Like what she said, bestfriend ko siya. Pareho kaming nagta-take ng fashion designing pero ahead siya sakin kasi nagmodeling pa ako.” “Akala ko ba ayaw mo ng detailed?” biro sakin ni Tricia. “Syempre para hindi na magtanong pa si…” natigilan ako at napatingin kay mr. amnesia guy. “Teka, alam mo dapat may name ka eh…” “Oo nga, kahit temporary lang…” suggest ni Tricia “Jirou. Pwede nyo kong tawaging Jirou.” Sagot niya “Jirou?” sabay pa kami ni Tricia. “Oo. Nabasa ko yan sa picture na nasa wallet ko.” “Patingin nga.” Ini-abot ni Jirou ang picture na galing sa loob ng wallet niya. May tatlong tao sa picture. May guy sa left, tapos isang girl sa middle and isang guy ulit sa right. May names na nakatapat sa bawat tao – Ace, Tifa, Jirou. Kamukhang kamukha ni amnesia guy yung lalaki na may name na Jirou. Then, we assume na siya nga si Jirou. “Itong picture na ito ang answer sa pagkatao mo amnes-, I mean Jirou.” Sabi ni Tricia. “Kung mahahanap natin yung dalawang tao na kasama mo dito sa pic, baka sila ang susi sa past mo and gagaling na yang amnesia mo.” “I agree. Magtanong kaya tayo sa mga nagwo-work dito… baka kakilala nila yung nasa picture.” “Nasubukan ko na yan, walang nagyari. Hindi nila ko pinansin.” sabi ni Jirou. “I know na! May kakilala ako na nagwowork dito…” Sabi ni Tricia. “Yung anak na lalaki ng driver ni mama… mabait yun.” Tapos ay pinuntahan na nga namin yung tinutukoy ni Tricia na kakilala niya. “Ah, kamusta na po ma’am Tricia?…” bati sa kanya. “…Sa inyo din po.” ako naman ang binati niya. Hahaha… si Jirou, hindi niya binati. “Ok naman… ah JM, pwede ba kong mag-ask ng help?” “Sige po…” “Familiar ka ba sa mga nasa picture na to…” pinakita ni Tricia sa kanya yung pic ni Jirou. “Hmmm…para ngang pamilyar sila… teka…” nag-isip siya, parang naaalala na niya. Sana talaga maisip niya, para matapos na ang problem ko with this Jirou-guy. “…alam ko na po ma’am.” “Really?!” “Talaga?” “What is it?” “Yun pong babae, hindi po masyadong pamilyar. Pero po yung dalawang lalaki, minsan po silang nag-stay sa hotel na to.” “Can we get their names? Address? Or cell numbers?” “Sorry po ma’am pero bawal po kaming maglabas ng ganung information eh.” “JM please…” paki-usap ni Tricia “…kailangang kailangan kasi namin eh, para matulungan yung friend namin.” “Po? Uhmm…Susubukan ko pong magtanong sa mga kasamahan ko… sandali lang po.” Pumasok siya sa loob ng office nila. “I’m so lucky you’re my bestfriend Tricia… hindi ko talaga alam ang gagawin ko pag wala ka.” “Nayumi talaga… wala pa nga tayong nagagawa eh.” “Basta, thank you talaga.” “Sige na nga, your welcome dear.” Totoo naman eh, hindi ko talaga alam ang gagawin pag wala si Tricia. Hindi lang siya basta bestfreind, she’s more like a sister to me. Kung pwede nga lang twin sister eh… kaso, older siya sakin. Teka may napansin lang ako… “Bakit ang tahimik mo yata?” Napatingin kami pareho kay Jirou… Kanina pa kasi siya walang imik eh…Parang may malalim siyang iniisip. “Wala lang. Wag ako ang intindihin mo, ang isipin mo ay kung paano ako matutulungan.” “Alam mo, sa lahat naman ng humihingi ng tulong… ikaw lang ang bossy.” “Bakit kailangan ba laging nagpapa-awa para lang tulungan?” “Hindi naman. Ang sakin lang eh, hindi mo naman ako sinuswelduhan… pero kung maka-command ka eh parang utusan mo ko.” “Hindi kaya. Ikaw lang ang nag-iisip niyan. Diba Tricia?” “Anong ako lang, kahit si Tricia napapansin yan… right Tricia?” Napatawa lang si Tricia “Alam ninyo guys, tama na yan. Baka kung saan pa kayo dalhin ng usapan na yan.” Mayamaya lumabas na si JM. “Ma’am Tricia ito na po.” Inabot niya kay Tricia yung paper. “Jirou Corrales and Ace Corrales?...” “Opo. Nagtanong tanong din po ako at sabi nila ay magpinsan daw ang dalawa at magkasama po silang nagstay dito, sa room 308 po sila dati. Pero after nung accident na nangyari last year, umalis na rin po sila dito.” “Wait. Accident ba ang sabi mo?” Baka yung accident na tinutukoy niya ang dahilan kung bakit nagka-amnesia si Jirou. “Opo. Na-aksidente po kasi yung Jirou Corrales sa isang motor accident. Nabalitaan ko nga yun eh, ang narinig ko nga isinugod siya sa hospital pero dead-on-arrival siya.” “What!?” nagulat kami pareho ni Tricia. “Pero that’s impossible.” Paanong magiging patay na siya eh nandito siya? Teka nga pala, kanina pa namin kasama si Jirou pero bakit parang hindi siya napapansin ni JM. Don’t tell me na… “Yun po kasi ang sinabi samin. Kaya rin po umalis yung Ace Corrales dito, eh ang balita po kasi, sinisisi niya ang sarili niya sa nagyari sa pinsan niya.” “Teka JM, I think maling info ang nabalitaan ninyo.” Si Tricia “Kasi eto si Jirou Corrales…” itinuro niya si Jirou na nakatayo sa likod namin. “Po?” parang hindi nainintindihan ni JM ang sinasabi namin. “Eto siya oh…” itinuro ko na rin si Jirou. “Hindi ba siya familiar sayo? Siya yung nasa picture na pinakita namin sayo.” “Sorry po ma’am ano po ba ang itinuturo ninyo?” Niloloko ba kami nitong si JM? Napatingin sakin si Tricia “Nayumi, hindi kaya nagsasabi siya ng totoo.” “That’s impossible Tricia. Kasama natin siya diba?” I don’t believe na“-Hindi niya ko nakikita.” biglang nagsalita si Jirou. Ano ba talaga ang nangyayari? Magkasabwat ba si Jirou at si JM sa prank nato? Cause it’s not funny. “Ah ma’am Tricia, ma’am Nayumi. Mauuna na po ako, baka po kasi hinahanap na ko eh. Kung may kailangan kayo, tawagin nyo nalang po ako.” tapos ay naglakad siya paalis. At nakita ko ang hindi kapanipaniwalang pangyayari… Naglakad si JM deretso kay Jirou at nalampasan lang ni JM si Jirou. TUMAGOS SI JIROU KAY JM NA PARANG HANGIN. “No.” yun lang ang nasabi ko habang umiiling “No.” Tapos ay tumakbo ako papunta sa room ko. “Sandali Nayumi.” Tinawag niya ko, narinig ko siya. Narinig ko si Jirou. “Nayumi!” sinundan naman ako ni Tricia. Pagpasok ko sa room ko, napasandal ako sa pader… “Oh my god! What’s happening? Totoo ba yun? Lord please tulungan nyo po ako. Ilayo nyo po ako sa kanila. Bakit po ba ko nakakakita ng ganun? Please, takot po ako sa multo. Lord please, help me. Let them rest in peace Lord, please… ” Ano ba kasi yan, multo ba talaga siya? Ibig sabihin, dead na nga siya. Pero bakit ko siya nakikita? Hindi ko naman hiniling na makakaita ng ghosts eh, Lord please help me… please… “Please … Please… Please…” “Nayumi?” sumunod si Tricia sa room ko “Tricia nakikita mo rin siya diba?” “Oo.” Cool na sagot niya “Pero bakit pati ako? Wala naman akong 6th sense gaya mo. Bakit pati ako?” “Nayumi wala namang problem dun eh…” “Pero ayokong makakita ng ganun!” “Ano naman kung makakita ka ng ganun? Hindi ka naman niya sinasaktan?” “Tricia, HE IS A GHOST!” “So?” Hindi ako maiintindihan ni Tricia, hindi naman kasi ito ang first time niya na makakita o makaramdam ng ghost. Pero ako… OO, ngayon pa lang! “So?!” ulit ko sa sagot niya “Kaya pala walang ibang kumakausap sa kanya. Kaya pala hindi siya nakikita ng iba. Kaya pala hindi siya nag-appear dun sa picture. Kaya pala! Cause he is a GHOST! Lord please po…” “Friendly ghost naman siya eh…” pagtatama sakin ni Tricia. “Ghost, spirit, phantom, o kahit si Casper pa siya, pare-pareho lang yun. My point is......... that guy is already DEAD.” Hindi ko alam kung paano nagagawa ni Tricia na maging cool samantalang takot na takot na ko… “Oo, kaya nga kailangan natin siyang intindihin.” “Nayumi,” biglang pumasok si Jirou “hayaan mo muna kong mag-explain.” “STOP! Wag kang lalapit... Wag kang lalapit!... Oh my god! Tricia nandito siya!” Paglumapit siya sakin, sisigaw talaga ako. I swear! “Sandali nga, mag-relax ka muna.” Nilapitan ako ni Tricia at pina-upo. After few minutes, hindi ko alam kung paano, pero medyo nabawasan na yung kaba ko. Naka-upo ako sa couch, nakasandal naman si Jirou sa pader malapit sa door at si Tricia ay nakatayo sa pagitan namin. “Okay ganito, bago ang lahat I want to clear something.” Umpisa ni Tricia “Jirou, umm… well I mean, nakita na naman namin ang proof, pero gusto ko pa rin i-clear ang things… You are a ghost.” “Oo.” Sagot ni Jirou. Naririnig ko lang siya kasi ayaw ko siyang tingnan o kausapin. “Anong purpose mo? Bakit nandito ka? ” “Gusto ko lang humingi ng tulong. Hindi ko gustong manakot o manakit.” “Ok. Narinig mo naman diba Nayumi?” hindi ako sumagot “Ilang days na rin natin siyang kasama, hindi naman niya tayo sinasaktan… so wala kang dapat ikatakot.” “Pero bakit hindi niya sinabi ang totoo?” “Kasi alam kong matatakot ka.” Sagot ni Jirou hindi ko pa rin siya tinitignan. “Pero bakit kailangan pa niyang gumawa ng kwento at magsinungaling na may amesia siya?” “Hindi ako nagsinungaling. Hindi ko sinabing multo ako, pero totoo lahat ng sinabi ko sayo. Wala talaga akong maalalang kahit ano.” “Teka paano ba nagsimula ang lahat?” tanong ni Tricia. “Basta na lang isang araw nagising ako na nakatayo sa harap ng kwarto na to, pagkatapos wala akong maalala. Sinubukan kong magtanong-tanong pero walang pumapansin sakin. Nagulat rin ako noong unang beses na tumagos ako sa mga bagay pati sa mga tao. Ayoko ring maniwala pero, sa huli natanggap ko na. Patay na nga ako. Walang nakakakita sakin, kung meron man… mayamaya lang at nakakalimutan na nila agad ako. Nakakapagod rin, patay na ko pero hindi pa rin ako makapagpahinga. Hanggang sa nakita nga ako ni Nayumi…” Kaya pala ganon ang unang tinanong niya sakin… flashback: “Ako ba kinakausap mo?” “You mean… nakikita mo ko?” “…tapos napansin ko na hindi niya ko nalilimutan. Kaya naman sa kanya ko humingi ng tulong. Pagkatapos ikaw din, tulad ni Nayumi nakikita mo rin ako Tricia. Lalo akong nagkapag-asa na matutulungan nyo ko.” “So, naisip mo na kung malalaman mo ang pagkatao mo… baka makatawid ka na sa kabilang buhay?” tanong ni Tricia. “Ganun naman diba, kaya hindi maka-alis ang isang kaluluwa dito sa mundo kasi may kulang sa kanya. Pwedeng kailangan niya ng hustisya, o kaya may hindi pa siya natatapos na mission, o kaya tulad ko na nakalimot sa pagkatao. Pero hindi ko yun magagawa ng ako lang. Kailangan ko ng kasama, ng makakatulong…” “I understand.” Sang-ayon ni Tricia “I think kailangan talaga niya ng help mo, Nayumi.” “Hmmp! Baka naman kaya hindi siya makapunta ng heaven eh kasi he is a bad guy.” Sabay nag-pout ako. “Nayumi naman.” Saway sakin ni Tricia. “Malalaman natin yan kung tutulungan mo ko.” Sagot naman ni Jirou. “Nayumi kaya tayo ang nakakakita sa kanya kasi may reason. Siguro kasi tayo lang ang makakatulong sa kanya.” Kumbinsi sakin ni Tricia. Tumingin ako kay Tricia. “Pero hindi ko kaya. Simula pa lang sinabi ko na diba, lalo na ngayon na nalaman kong-…” napatungo ako “Hindi ko kaya.” “Hindi mo kaya? O ayaw mo lang talaga?” sagot ni Jirou na parang nang-iinsult. Tsss. Oo ayaw ko talaga! Sa behavior at attitude niyang iyan? And the way he treats me… “And Tricia, paano ko ba siya pagtitiwalaan? Nakakaya niyang pumasok sa kwarto ko kahit kalian niya gusto?” “Nayumi patay na ko, hindi ako para magnakaw pa ng gamit mo.” Sagot niya. “Eh what if may gawin siya sakin while I’m sleeping?” “Ano ba yang pinagsasasabi mo?” tanong niya, hindi ko pa rin siya tinitingnan. At hindi ko rin siya kinakausap ng direct. “And siya na nga ang nagpapatulong, siya pa ang galit.” “Ayusin mo nga ang pakikipag-usap sakin.” Humarap ako sa kanya. “At lagi pa niya kong pinagtataasan ng boses at napaka-bossy pa.” Natigilan kami pareho ni Jirou. “Now tell me, paano kita tutulungan?” Parang bigla siyang natigilan sa sinabi ko. “Ok. Sorry. Sa mga ginawa ko sayo na hindi mo nagustuhan, sorry. Nangangako rin ako na hindi ko na yun uulitin. Hindi na ko maguutos, hindi na rin ako magtataas ng boses.” “Nayumi nag-apologize na sayo si Jirou.” Hindi ako makasagot… “Pinapangako ko rin na pagkatapos nyo ko matulungan, hindi ko na kayo guguluhin.” Hindi ko talaga alam ang dapat isagot. He’s dead. Ghost na siya, ang creepy kaya. Naguguluhan na rin ako. “Nayumi… please...” Bakit parang biglang nagpapakababa siya ngayon? Tumungo ako. “I don’t know.” “Huh?” “I don’t know… I can’t… I’m sorry.” Biglang tumayo si Jirou mula sa pagkakasandal sa pader. “Mukhang hindi na talaga magbabago ang desiyon mo… Don’t worry, naiintindihan ko.” Tapos ay lumabas na siya ng pinto. “I don’t believe na ayaw mo siyang tulungan Nayumi. Masyado ka lang nabigla sa nalaman mo.” Naglakad si Tricia papunta sa pinto… “Mas better siguro if iwan muna kita para makapag-isip ka.” Mali ba talaga ko? Bakit parang pati si Tricia nadisappoint sakin? Tama naman ang ginawa ko diba? Kahit naman siguro sinong normal na tao eh ganun ang gagawin. Pero saan naman kaya nagpunta yung Jirou na yun? Baka naman naghahanap siya ng ibang tutulong sa kanya… Or baka nga nakakita na siya ng iba eh……… Pero what if wala? Matagal bago sya nakakilala ng nakakakita sa kanya, pero pinagdamutan ko syang tulungan… Waaahhh!!! Ano ba yan?! Nakokonsensya ako… Tumakbo ako papalabas para habulin si Jirou. Nakita rin ako ni Tricia. Paglabas ko ng hotel, walang tao… puro sasakyan lang na naka-park. Ang bilis naman niyang makalayo… “Sinong hinahanap mo?” Teka parang familiar yung voice na yun ah… Umikot ako at nakita ko si Jirou na naka-upo sa bench sa may gilid ng hotel. Nakatalikod kasi ako kaya di ko siya napansin kanina… “Bakit parang nagmamadali ka? May hinahabol ka ba?” tanong niya. Asar ha… alam nyo ba yung feeling na may hinahanap ka tapos yung hinahanap mo, kanina ka pa pala nakikita pero hindi man lang nagsasalita… hmmpp! Buti na lang may iba akong sadya sa kanya… Huminga ko ng malalim. “Sorry.” “Ano?” “I’m sorry. Sorry sa mga nasabi ko sayo… Eh kasi nabigla lang ako, pero I don’t mean it. Sorry talaga…” Parang nagulat siya sa pagso-sorry ko. “And tinatanggap ko na rin yung apology mo.” Ngumiti siya “Ok. Tinatanggap ko rin yung sayo.” “And one more thing.” Para di na ko mag-isip ng kung ano-ano pa, sasabihin ko na. “Pumapayag na ako. Tutulungan na kita para malaman yung identity mo. Para makatawid ka na, and para matapos na rin to. Pero sana wag kang masyadong maging-” “Teka. Teka. Teka. Tama ba yung narinig ko? Pumapayag ka na?” paglilinaw niya. “Oo. If you’ll keep your promise…” “Syempre naman.” Napa-smile siya bigla “Yes!” with matching ‘pagtingala pa’. Ganoon ba talaga dapat ang reaction niya sa pag-payag ko? Parang“Parang sinagot ka lang ng nililigawan mo ah…” si Tricia. At sinabi niya lang kung ano ang saktong iniisip ko. “Sabi ko sayo Jirou eh. Kind and helpful talaga si Nayumi. Kailangan lang talaga niyang makapagisip.” “Wait a second. Sinadya mo talaga na konsensyahin ako noh???” alam ni Tricia kung paano ako konsensyahin, madalas niya yung ginagawa sakin. “Tricia talaga, your so bad.” “Hindi naman. I’m older than you kasi, kaya mas matalino lang talaga ko.” Tukso niya. “Hay nako. Kung hindi lang talaga kita bestfriend, nakuu… Tara na nga, bumalik na tayo sa taas.” Tumingin ako kay Jirou. “For the mean time siguro, dun ka muna sa living room. Ok lang ba?” “Syempre, sabi mo eh.” Chapter 4 – Getting to know each other “I’ll play detective today.” Excited na sabi Tricia. “Parang detective Conan?” “Detective conan? Ang baduy mo naman. Si L na lang.” sabi Jirou. “Sinong L?” tanong ni Tricia. Wala siyang idea, di kasi siya mahilig sa anime eh. “Si L ng Death Note.” Sagot naman agad ni Jirou. “Yuck, ang pangit kaya ni L.” Ang itim kaya ng eyebags niya. And kahit genius siya, ang weird ng look niya. “Eh ang corny naman ni Conan.” Sagot naman niya sakin. “Gwapo kaya siya pag si Shinichi siya.” “Pero mas matalino si L.” Ayaw talaga niyang magpatalo. “Teka nga guys, ano ba ang pinagsasasabi nyo?” Awat sa amin ni Tricia. “Sinong L at Conan at Shinichi ba yon? Ang sinasabi ko ay si Sherlock Holmes.” Si Sherlock Homes pala, the greatest detective of all time. “Wait Tricia… what are we doing here ba?” Ang tinutukoy ko lang naman eh ang kinatatayuan namin. Paano ba naman, bigla siyang dumating tapos pinilit kami, I mean ako na magbihis (ewan ko lang si Jirou). At ngayon nga ay nandito kami sa… ewan ko ba kung saan to. Basta maraming trees tapos wala kang makikitang lupa, puro green grass ang matatapakan mo. Yung setting niya ay pang picnic. Siguro kaya rin kami may dalang foods. “Picnic. Isn’t it obvious?” sagot niya. “Ayan ka na naman eh… pinipilosopo mo na rin ako.” “Basta, trust me. Di ba gusto mo magrelax? Kaya eto… Nagpromise din ako na tutulong ako sa pagsolve sa lost memory ni Jirou kaya naman I’ll make a move na. So guys… buh-bye na, mauna na ko.” “Wait, hindi ka namin kasama sa picnic na to?” “Para sa inyo yan. Para magkapalagayan kayo ng loob… magka-ayos kayo.” “Pero-” “Sige bye na…” At sumakay na nga si Tricia sa kotse niya at umalis na. Na-upo kami ni Jirou sa picnic mat. Nakatingala lang si Jirou sa langit. “Ba’t hindi ka kumakain?” tanong ko sa kanya. “Di naman ako gutom eh.” “Kailan ka pa ba huling kumain?” “Hmmm… Siguro bago ako mamatay.” Nagta-try ba siyang mag-joke? Silence… Ano ba yan… Bakit parang ang tahimik naman niya ngayon? Parang ang lalim ng iniisip niya… Napansin ko lang, tama nga si Tricia... gwapo nga si Jirou. Mukha rin siyang matalino. Siguro siya yung type na campus crush slash genius slash boss, parang si Nash. Yun ang tingin ko sa kanya… Sayang nga lang, he’s dead na. Tanong ko lang… “Anong feeling?” “Ng?” “Anong feeling na… multo ka na?” “Ewan.” Humarap siya sakin. “Anong ewan?” “Hindi ko alam eh. May mga bagay na nahahawakan ko, meron din na hindi. Kaya kong tumagos sa pader, sa pinto o sa tao. Konti lang ang nakakita sakin. Kayo lang ni Tricia ang kumakausap sakin. Ano pa ba?” “Nakakaramdam ka ba?” Tanong ko ulit. “Paanong nakakaramdam?” “Tulad ng hangin, nararamdaman mo ba ang hangin? Ang lupa? Ang mga damo? Ang ulan?” “Hindi ako nakakaramdam ng lamig o init. Hindi ako nasasaktan o nasusugatan. Hindi rin ako nababasa-” “Yuck! Hindi ka naliligo?” comment ko agad. “Eh ano? Di naman ako bumabaho.” Sus. Defensive din naman siya eh. “Saka… wala man akong sense of touch, marunong pa rin naman akong matuwa, magalit o malungkot.” Talagang idinugtong niya pa yun? “Ma-drama ka pala? Siguro emo ka.” Sige, let’s add it dun sa sinabi ko… campus crush slash genius slash bossy slash emo… “Ewan.” Ewan na naman. Ganoon ba talaga pag na-lost yung memory… Hindi mo talaga kilala yung sarili mo? Silence. Natahimik na naman kami. Bakit ba siya ganito ngayon? Ang serious niya, ang tahimik pa. Magtanong kaya ulit ako, kanina ko pa kasi to iniisip eh… “I’m just curious… nakakakita ka ba ng ibang ghost?” “Wala pa naman akong nakikitang ibang multo.” “Ah.” “Bakit?” “Baka lang kasi nakikita mo younger brother ko… Iniwan niya kasi kami six years ago.” Namatay kasi ang kapatid ko noong 10 years old pa lang siya. Six years na rin ang nakalipas mula noon. “Baka mabait ang kapatid mo kaya nasa langit na siya. Di ba sabi mo, masama ako kaya hindi ako makapunta sa langit.” “Hindi naman.” Nahiya naman ako bigla sa sinabi niya. “Masyado mo naman sineryoso yung sinabi ko.” “Hahaha… mahiyain ka pala.” “Hindi noh. And kalimutan mo na rin yung sinabi ko sayo dati.” “Sige ba, sabi mo eh.” “Alam mo mabait ka naman pala eh, wag ka lang magtataas ng boses.” “Ganoon? Mabait ka din naman eh.” Nagkwentuhan pa kami. Kung ano-ano na rin ang tinanong ko sa kanya. Malay mo, biglang may maalala siya. Pagkatapos naming kumain (I mean ako lang pala, di nga pala kumakain si Jirou), nagpasundo na ko at bumalik na kami sa hotel. Sa hotel… “Bakit kaya hindi pa rin nagtetext or tumatawag si Tricia?” “Baka naman busy.” Sagot ni Jirou. “O kaya baka pauwi na siya.” Pumasok ako sa bedroom ko. Sumunod naman sakin si Jirou. “Alam mo ang weird ng stuff toys mo.” Sabi niya. Napatignin naman ako sa stuff toys ko sa bed. Ang tinutukoy niya ay yung anime stuff toys ko. “What’s weird? Ang cu-cute kaya nila.” Sagot ko. “Teka huhulaan ko.” Kinuha niya yung isang toy. “Ito kuneho. Yun eh usa… Yun naman teddy bear. Tapos-” “Wag mo nga yang likutin.” Inagaw ko sa kanya yung kinuha niya. “Saan ka ba nakatira, sa ilalim ng bato? Di mo ba sila kilala? Eto kaya si-” “Mokona.” Inunahan niya ko sa sasabihin ko. Teka, alam niya? “Iyon naman si Chopper ng One Piece. Ito namang teddy bear eh si Kon ng Bleach. Tapos yung iba characters din sa anime.” “Paano mo nalaman?” “Ewan. Basta na lang alam kong kilala ko ang mga characters na yan.” “Does it mean bumabalik na ang memory mo?” Nag-shrug lang siya ng shoulders. “Normal ba sa babae ang mahilig sa anime?” “Wala namang masama dun diba? Saka mga regalo sakin to ni Nash…” “Nash?” “Oo, mahilig kasi yun magbasa ng stories lalo na yung mga classics. Hanggang napunta sa Manga tapos sa Anime. Minsan nakikinood ako sa kanya, enjoy naman eh…” “Mukhang magkakasundo tayo sa bagay na yan.” “Akalain mo, may similarity pala tayo.” “That’s good news!” napatingin kami ni Jirou sa nagsalita. “Tricia?” sabay pa kami. “Masaya ko na nagkakasundo kayo.” Sabi niya samin. “Teka kanina ka pa dyan?” “Hindi naman. Pero may isa pa kong good news sa inyo.” “Ano?” “Alam ko na kung saan nakatira ngayon si Ace Corrales.” “Talaga?” sabi ni Jirou. Mukhang na-excite din siya. “Oo. Nag-stay siya sa Li Cheong Hotel.” “Kung ganoon puntahan na natin siya ngayon.” Suggest ni Jirou. “Hindi pwede, kaaalis lang niya, pumapasok kasi siya eh. Siguro tomorrow na lang, wala kasi siyang classes tomorrow.” Sagot ni Tricia. “Teka nga Tricia, parang kina-carrer mo ang pagiging detective ah… paano mo nakuha yang mga information na yan?” Hanga na talaga ako sa best friend ko. “Ako pa? Nakaka-enjoy pala ang pagiging detective, o more on pagiging spy.” Sagot niya. “Teka, nag-stalk ka kay Ace Corrales?” Ngumiti lang si Tricia sa akin. “Alam mo pinapahanga mo ko Tricia.” Papuri ni Jirou sa kanya “Ang dami mong talent.” “Thank you Jirou. Buti ka pa na-appreciate mo. Oh paano, may pasok na ako bukas… hindi ako makakasama sa inyo. Paano Nayumi…” “Wag kang mag-alala Tricia, tutulungan ko si Jirou.” “Hindi naman ako kay Jirou nagwo-worry eh, sayo. Jirou ikaw na bahala sa best friend ko ha?” Ganoon? Ipagbilin ba ako sa multo? “Hahaha…” si Jirou “Sige ako ang bahala kay panget. Kapag may nagtangka sa kanya, mumultohin ko sila.” “Aasahan ko yan.” Chapter 5 – The Stylish Stalker Tumingin ako sa reflection ko… Ready na ko. Lumabas ako ng room ko at nakasmile akong humarap kay Jirou na nag-aantay sakin. “Ang panget.” Nawala agad yung smile ko. Hay nako, nakakasira ng araw. Ang ganda-ganda ng harap ko sa kanya tapos sinabihan agad ako ng panget. Napatingin ulit ako sa dress ko. “Pangit ba?” Kaya ko to binili kasi nagandahan ako eh. “Yung damit maganda, yung may suot yung problema.” “Tss. Ang yabang. Akala mo kung sinong gwapo.” Hindi ko tuloy alam kung nang-aasar lang ba siya o serious siya sa pag-pula niya sakin. “Eh bakit ba ganyan ang suot mo? Magiimbestiga tayo, hindi magde-date.” “Ano namang problema dito?” well, naka dress ako and naka-heels… “And eto oh... may dala akong shades para hindi ako makilala.” Sinuot ko yung shades ko at nagpose. “Ganyan ba talaga ang mga model? Kailangan laging nakaporma.” “Hindi naman. Teka nga, inaaway mo na naman ba ako?” Akala ko ba nagpromise na siya? “Hinde noh… Tara na nga.” Lumabas na kami, nandyan na rin yung sundo namin. “Good morning miss Nayumi.” Bati ng personal driver ko. “Good morning din po manong Fred.” Napatingin siya kay Jirou, teka nakikita rin niya si Jirou?? “Si Jirou nga po pala… friend ko.” “Kaibigan lang ba talaga?” pabirong tanong ni mang Fred. “Manong Fred naman eh… Kaibigan lang po namin siya ni Tricia.” “Binibiro lang naman kita eh. Saan nga po pala tayo?” “Sa Li Cheong Hotel po.” Li Cheong Hotel Reception area… “Excuse me miss.” “Yes ma’am?” sagot nung receptionist. “Hinahanap ko si Ace Corrales.” “Ine-expect niya po ba kayo?” “Uhmm…” “Nayumi ayun na siya.” Napatingin naman ako sa tinuturo ni Jirou. Wait. He looks like the other guy dun sa picture ni Jirou. Siya nga si Ace Corrales at papalabas na siya ng hotel. “Nayumi lumabas na siya.” Sabi ni Jirou. “Tara na, habulin natin siya.” At tumakbo na nga si Jirou. “Sandali lang Jirou!” tumakbo na rin ako. Paglabas ng hotel, medyo malayo na si Jirou. “Jirou wait.” “Nayumi bilisan mo, baka makalayo siya.” “Eto na nga eh nagmamadali na.” Tumakbo ako para maabutan si Jirou pero ang bilis talaga niya. Ngayon nagsisisi ako at nag-heels ako…. ANG HIRAP TUMAKBO! Teka medyo dumadami ang mga tao ah… Nasaan na ba sila? Pagtingin ko sa kabilang side ng daan, nadoon na si Ace. Nakatawid na agad siya, ang bilis. Si Jirou naman ay nag-aantay na mag-red ang stop light sa tawiran. Bakit kaya hindi na lang siya tumawid? Ghost na naman siya kaya hindi na siya mabubunggo ng car. Siguro iniisip niya na baka may ibang tao na nakakakita sa kanya… kaya hindi siya tumatawid. “Jirou nasa kabilang side na ng street si Ace!” sigaw ko sa kanya. “Oo nga eh. Bilisan mo para-” biglang nag-RED yung stoplight. “Nayumi bilis!” sumabay na si Jirou sa mga taong tumatawid. Nagulat naman ako dahil medyo malayo pa ako sa tawiran. Napatakbo na naman ako. “Wait lang.” Nagmamadali si Jirou kaya parang hindi niya ako narinig. “Dapat kasi hindi na ko nag-heels eh.” Nang maka-tawid na ako, tumigil muna ako sandali. I’m catching my breath pa kasi. Pero pag tingin ko sa paligid ko… hindi ko na makita si Jirou. Nasaan na siya? Iniwan niya ko? Hindi man lang ba niya naisip na may kasama siya? Kasama niya kaya ako. Bakit ba niya kasi ako iniwan? Paano kung hindi na siya makabalik? Bigla akong kinabahan. Oo nga. What if hindi siya makabalik? Sabi niya, hindi niya kaya ng siya lang… kailangan niya ng kasama. What if walang ibang nakakakita sa kanya? Walang ibang tutulong sa kanya… What if… hindi ko na siya makita ulit?? Kinakabahan ako… paano nga kung mangyari yun… Kahit naman makulit yun concern pa rin naman ako sa kanya. “Jirou?!” tumingin ako sa kaliwa’t kanan ko… Nasaan na ba kasi siya? Kinakabahan na ko. “Nasaan ka?!!” Ang daming tao, paano ko siya mahahanap? Tawag lang ako ng tawag sa name niya. “Jirou!... Jirou!!!” Pag ikot ko, may dalawang braso na humila sa akin at niyakap ako. Hindi ko na tiningnan kung sino siya… nararamdaman ko… si Jirou siya. Medyo nagulat pa ako sa ginawa niya pero, ewan ko ba. Parang tumigil yung mundo… parang bumagal ang lahat ng nasa paligid namin. Tapos nawala lahat ng kaba ko, yung feeling na… Everything will be okay pag nasa tabi ko siya. “Nag-alala ka ba?” Ano ba namang tanong yan… “Syempre naman.” “Sorry. Hindi ko na uulitin yun…” bumilis bigla yung heart beat ko. “Hindi dapat kita iniwan. Nagpromise ako kay Tricia na aalagaan kita. Sorry.” Kay Jirou ba talaga nanggaling ang mga words na iyon? Bakit bigla siyang naging sweet? And what is this I’m feeling right now? Ang bilis ng heart beat ko… WAIT. No. Humiwalay ako sa hug niya. “Ano nangyari kay Ace?” Pinilit kong mag-change ng topic. “Nawala siya sa paningin ko eh.” “Ah. Si-siguro bukas na ulit tayo maghanap. Umuwi muna tayo.” Tapos ay tumalikod agad ako sa kanya at tumawag ako kay mang Fred. Ano ba to??? Hindi pa rin tumitigil sa pagtibok ng mabilis ang puso ko. Pagdating sa hotel, pumasok agad ako sa bedroom ko. Parang hindi ko feel na humarap kay Jirou. Knock. Knock. Knock. “Bakit?” alam kong si Jirou ang kumakatok. Knock. Knock. Knock. “Jirou bakit ba?” “Pwede ba akong pumasok?” “Pwede bang sabihin mo na lang? Magbibihis kasi ako eh.” Knock. Knock. Knock. Napatingin ako sa pinto. “Jirou naman eh…” Biglang tumagos si Jirou sa pinto. At syempre nagulat ako. “Woah! Jirou?” No use ang doors and locks sa kanya. “Ayaw mo kasing buksan eh.” Dahilan niya. “Eh di ba sabi ko magbibihis ako.” “Eh hindi ka naman nagbibihis eh.” “Eh what if nagbibihis nga ako?” “Eh di… Hahaha.” Tinawanan lang ako. Kahit multo na siya, lalaki pa rin. “Bakit ba kasi?” “Galit ka ba?” Nagulat naman ako sa tanong niya. “Saan? Saka bakit?” “Baka kasi nagalit ka kasi iniwan kita…” ayan na naman siya. Bigla siyang nagiging sincere. Bigla siya nagiging sweet. Bigla na namang bumibilis ang heart beat ko. “Hindi noh. Ahahaha…. Napagod lang ako sa pagtakbo kanina. Naka-heels kasi ako eh.” “Ah ganoon ba. Buti naman hindi ka galit. Oh sige, lalabas na ko para makapagbihis ka na.” Lumabas na nga siya… syempre kung paano siya pumasok, ganon din siya lumabas. Tumagos lang ulit siya sa door ko. Nagising ako bigla. 11pm na. Teka ano ba yung napanaginipan ko? Hindi ko maintindihan. Everything was white, tapos parang nakita ko si Jirou na nagwave sakin. Then tumalikod siya at naglakad palayo. Tinatawag ko siya pero wala akong voice. Hanggang sa nagising na nga ako. Ano kaya ibig sabihin nun? Ikukwento ko na lang kay Tricia yung dream ko, baka alam niya ang meaning nun. Tumayo ako para uminom ng tubig. Nadaanan ko si Jirou na natutulog sa may sofa. “Natutulog din pala ang mga multo?” Nilapitan ko siya at na-upo ako sa tabi niya. Sa unang tingin hindi mo aakalain na multo siya. Hinawakan ko yung hair niya… malambot ito… Nahawakan ko rin yung face niya… parang normal lang yung pakiramdam pero hindi siya mainit, hindi rin malamig. Biglang gumalaw si Jirou at hinawakan yung kamay ko na nakahawak sa face niya. “Sabi ko na nga ba eh… may gusto ka sakin noh?” Bigla akong nag-blush. I don’t know if dahil ba ito sa sinabi niya o dahil nahuli niya ako. “Hinde noh.” Tumayo ako agad at medyo lumayo sa kanya. “Eh bakit mo ko pinapanood matulog. Hinahawakan mo pa ko.” “Pinanood mo rin naman ako dati habang natutulog ah. Does it mean, may gusto ka rin sakin?” balik kong tanong sa kanya. “Pwede rin.” Nagulat ako sa sagot niya. Anong pwede rin? May gusto siya sakin? No, Nayumi. Maybe he’s just teasing me… Nakakainis naman siya! “Goodnight na nga lang.” tapos ay tumalikod agad ako at bumalik ng kwarto. “Goodnight din.” Pahabol niya. Chapter 6 – Ace Corrales Ok. Simpleng blouse… check. Jeans… check. And flat shoes… check. “Ok, I’m ready na.” “Oh, bakit hindi ka yata nag-dress ngayon? Saka yung mataas mong sandals nasaan na?” pangaasar ni Jirou. “Ahahaha…” At talagang tinawanan pa ko…“Go on. Tawanan mo pa ko. Hindi na ko sasama sayo.” “Hindi ka na mabiro eh… Alam mo buti na lang dumating ako sa buhay mo.” Ano daw? “Bakit naman?” “Kung hindi mo ko nakilala, eh di ang boring ng buhay mo.” “Kung hindi kita nakilala, eh di sana normal yung life ko.” “Ang sakit mo naman magsalita Nayumi. Diba sabi ko sayo, nasasaktan din ako kahit multo na ko.” “Hay nako, ayan ka na naman sa kadramahan mo. Bilisan na nga natin.” Lumabas na ako ng room ko. “Teka ba’t ka ba nagmamadali?” humabol siya sakin. “Syempre, what if hindi na naman natin siya maabutan? Maghahabulan na naman tayo.” “Yun ba ang pinoproblema mo?” napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sakin ng diretso. “Wag kang mag-alala.” Sabay pat niya sa head ko, tapos hinawakan niya ko sa shoulder. “Hindi na ulit kita iiwanan. Pangako ko yun.” Bigla na namang bumilis yung heartbeat ko. And nafi-feel ko rin na unti-unti akong nagba-blush. Ano ba yan! Nakakahiya!!! Baka mapansin niya! Kailangan kong magsalita… “Wag mo nga akong i-pat. I’m not a dog.” Tapos nag-pout ako para mapagtakpan yung pagba-blush ko. Sana hindi niya mahalata… Sana hindi niya mahalata… “Wag ka ngang mag-pout. Hindi ka cute.” Ang yabang!!! Hindi naman ako nagpapa-cute eh. PERO… Nakahinga ako ng maluwag. Buti hindi niya napansin. Hayyy… “Good morning miss Nayumi.” Si Mang Fred. “Manong Fred sa Li Cheong Hotel po ulit tayo.” Napansin ko na naman nakatingin siya kay Jirou. Di ba napakilala ko na siya kahapon? “Ipakilala mo kaya ulit ako…” bulong ni Jirou “… siguradong hindi na ulit niya ako kilala.” Ay oo nga pala! Nakakalimutan agad si Jirou ng mga tao. Okay, I’ll introduce him ulit. “Kaibigan ko nga po pala, si Jirou.” Nag-nod si Jirou kay mang Fred. “Kaibigan lang ba talaga?” nakakalokong tanong ni mang Fred. Narinig ko na yun ah… “Nagbibiro na naman po kayo eh.” “Ahaha… biro nga lang miss Nayumi.” Li Cheong Hotel… Pagbaba pa lang namin ni Jirou ng kotse, nakita agad namin si Ace Corrales na lumabas ng hotel. Sinundan naman namin siya… Lakad lang siya ng lakad, siguro malapit lang ang pupuntahan niya… Medyo malayo na rin to ah… And sa tulad ko na hindi mahilig sa mga walkathon, NAKAKAPAGOD ito. Mayamaya pumasok siya sa isang cemetery. Sumunod naman kami. Napalunok ako bigla. “Teka cemetery to diba? Kamusta naman, wala ka bang nakikitang ibang ghost?” “Ha?” napatingin sakin si Jirou. “Teka wag mong sabihing natatakot ka? Ang aga-aga oh… Walang lumalabas na multo sa umaga.” “Eh bakit ikaw? Umaga pero lumalabas ka.” May point naman ako diba? “Iba naman ako. Saka…” tumingin siya sa paligid “…wala naman akong nakikitang ibang multo dito eh.” “That’s relieving.” Buti na yung sure diba… teka… “Bakit naman kaya siya pumunta dito?” “Baka dito ako nakalibing. Baka dadalawin niya ko.” Mukhang serious na ulit si Jirou, talagang desidido siya. Lumapit kami kay Ace Corrales. May pinuntahan siyang puntod, tapos ay na-upo siya sa tabi nun. “Nayumi lapitan mo kaya siya.” Napatingin ako bigla kay Jirou. “Serious ka? Ikaw na lang kaya…” bulong ko sa kanya. “Ano ka ba, hindi niya ako nakikita. Kaya ko nga hiningi ang tulong mo diba???” “Ha? Eh anong itatanong ko sa kanya?” Nakakabigla naman itong si Jirou. Hindi man lang sinabi sakin ang plano niya. “Magtanong ka ng tungkol sakin. Kahit ano…” “Hindi yun ganoon kadali...” Bulong ko sa kanya. Unfair nga eh… ako bumubulong tapos siya normal na salita lang, hindi naman kasi siya naririnig ni Ace eh. “Hindi naman kami magkakilala eh. Ano ko, feeling close?” Nag-isip siya. “Eh kung umarte ka kaya. Kunwari- Teka papalapit na siya dito!” “Ha??” teka… anong gagawin ko? Sa sobrang gulat, napilitan tuloy akong ma-upo at yumuko sa puntod sa harap ko. Dumaan siya sa tabi ko. Napansin ko rin na napatingin siya sakin. Baka nahalata niyang nag-stalk ako sa kanya. Nakalampas na siya, pero hindi ko alam kung malayo na siya. “Jirou…” bulong ko “Jirou naka-alis na ba siya? Jirou?” “Shhhh.” Sagot ni Jirou “Nandyan pa rin siya, nakatayo sa likod mo. Ewan kung bakit, pero nakatingin siya sayo.” “What?!” medyo napalakas yata yung sabi ko. “Miss are you okay?” nilapitan ako ni Ace Corrales. Napatingin naman ako sa kanya. “Ah… oo. Okay lang ako, ano lang… I just…” ano ba? I just ano? “…I miss my friend-” Name, I need a name. Teka kanino bang puntod itong nasa harap ko? “-CAS-SHEY.” Ano bang name yun? “Cashey?” ulit ni Ace. “Sino si Cashey?” pati si Jirou nagtanong. Hayy JIROU. This is all your fault. Nagsisinungaling na tuloy ako ngayon. “Yeah, my friend Cashey.” “Ang cute naman ng name ng friend mo. Ano ba siya?” Anong ano ba siya? Gender ba ang ina-ask niya? Ang dami naman niyang tanong! Natataranta tuloy ako. Teka, Cashey? Is that a name of a girl? Or a boy? Or maybe… “He’s a gay.” “Gay? Ahaha…” medyo natawa si Ace, pero hindi yung nakakabastos “…siguro close talaga kayo ng pet mo noh, para malaman mong bakla siya.” “Pet?” nanlaki pa ang mata ko sa gulat. Tama ba ang narinig ko… PET? As in alaga, like a cat or a dog? Napatingin ako sa puntod sa harap ko… Ibig sabihin this cemetery is for animals?? OMG! Mali yung nasabi ko kanina. NAKAKAHIYA! “So ibig sabihin, male pala yung pet mo. Pero ang ibig kong sabihin sa tanong ko eh… anong hayop ba siya?” “Ah… eh…” ayoko nang magsalita!!! Baka kung ano pang masabi ko… Nakakapahiya kasi eh… Jirou this is all your fault!!! I look at Jirou pero nag-shrug lang siya. Tinignan ni Ace yung puntod sa harapan ko. “Si Cashey mo pala ay pusa and last year lang siya namatay?” Napa-nod na lang ako. Niyaya ako ni Ace na ma-upo sa may bench. Sumama naman ako. “Oh Nayumi chance mo na to.” Sabi ni Jirou. Hindi ko naman siya masagot kasi katabi ko lang si Ace. Kung alam lang ni Jirou kanina ko pa siya gustong sisihin. “Alam mo ba na madalang na may makasabay akong dumalaw dito.” Sabi ni Ace. “Yung dinadalaw mo dito… sino siya? I mean, ano siya?” “Si Spade? Tulad ng alaga mo, isa rin siyang pusa…” “Ah.” “…Pero hindi ko lang alam kung bakla siya.” Natawa siya sa sinabi niya. Hay, magpinsan nga sila ni Jirou, di ko masakyan yung mga joke nila. Nakitawa rin ako sa kanya, pero syempre hindi pure yung tawa ko. “Matagal ng patay si Spade. Seven years na…” kwento ni Ace. “Seven years?” Ang tagal na pala… pero ang sipag niyang dumalaw. “Oo. Elementary kami ng makita ng pinsan ko si Spade na hindi makababa sa puno.” “Pinsan?” teka, baka ang tinutukoy niyang pinsan ay si Jirou. “Oo, pinsan ko…” Napatingin ako kay Jirou, nakikinig siya sa sinasabi ni Ace. “Inakyat niya ang puno at kinuha si Spade kaso, nahulog siya at nasugatan. Pero naging okay rin naman siya. Tapos nagpatulong siya sakin na alagaan si Spade. Magkasundo naman kami nun eh kaya pumayag ako.” “Yung pinsan mo…” napatingin sakin si Ace. Teka paano ko ba itatanong sa kanya? Itatanong ko ba ang pangalan nung pinsan niya? “…ah wala lang. Sige ituloy mo na…” “Kaso pagka-graduate namin ng elementary, habang nagtatry mag-aral magdrive ang pinsan ko… naaksidente siya. Nasagasaan niya si Spade.” Nakikita kong malungkot si Ace. Hindi ko alam kung dahil sa pag-alala sa nangyari sa alaga niya o… dahil sa naaalala niya yung pinsan niya. Possible nga kaya na si Jirou ang tinutukoy niya? Nagpatuloy si Ace. “Namatay si Spade. At mula noon hindi na siya nagpatuloy pang mag-aral mag-drive ng kotse. Kaya naman sa motor siya nahilig… Sa motorsiklo...” Tumigil si Ace sa pagsasalita. “Pasensya na, medyo mahaba yata yung kinuwento ko.” Nakangiti niyang sinabi sakin. “No it’s okay.” Kung pwede nga lang ikwento mo na lahat eh. Para maalala na ni Jirou ang lahat. “Teka… alam mo, you look familiar.” Nagulat naman ako bigla. Baka nakita niya ko kahapon na sinusundan siya. Oh my God, sana hindi. “Kamukha mo yung model ng Elise. Si… Ano nga ba yung name niya? Na… Nagi? Nami? Natsumi? Basta unique yung name niya eh?” Natsumi?! Magimbento daw ba ng name… “Nayumi.” Itinama ko siya. “Oo tama. Kamukhang kamukha mo nga siya.” Nginitian ko siya. “Teka, wag mong sabihing…” mag-iintroduce na nga ako. “I’m Nayumi Anderson.” “Sabi ko na nga ba eh… Kaya kanina pa kita tinitignan, malakas ang kutob kong ikaw nga iyon.” Ah kaya pala hindi pa siya umaalis kanina. “Ako nga pala si Ace Corrales.” Nakipag-shake hands siya. “Paano, I have to go. Nice meeting you Nayumi Anderson.” “Sayo din, Ace.” Nagwave na ako sa kanya. Ng maka-alis siya, umalis na rin kami. Ayoko ngang magtagal pa dun. Kahit mga hayop ang nakalibing dun, cemetery pa rin yun. Tumigil muna kami sa may park at na-upo sa may bench doon. “Ano may naalala ka na ba kahit konti?” tanong ko kay Jirou. “I have a strong feeling na ikaw yung pinsan na tinutukoy niya eh…” “Ang totoo may naalala ako. Habang nagkukwento siya biglang may nagfaflash sakin na memories. Pero puro childhood memories lang. Wala pa rin akong naaalala sa nangyari sakin bago ako naaksidente at namatay.” “At least may naaalala ka na diba?” “Oo nga. Kung makikipagkaibigan ka sa kanya, sigurado marami pa siyang maikukwento sayo.” “Teka! Ibig sabihin mag-iistalk ulit ako bukas?” No way! Ayoko na!!! “Alam mo bang muntik na akong magkamali kanina??” “Sino bang nagsabing mag-iistalk ka ulit sa kanya? Eh diba friends na kayo… eh di yayain mo siyang lumabas bukas.” “Like a date? No way! Kagagaling ko lang sa isyung ganyan. And I don’t have any contacts, I don’t have his number.” “Anong isyu? Saka alam naman natin kung saan siya nakatira eh… Kaya pupuntahan natin siya bukas.” “Bukas ulit?” Nakakapagod naman ito.Wala bang break? “Saka kung bukas agad, baka naman isipin niya interested ako sa kanya…” Nakakahiya kaya yun. “Sige na… Para sa akin naman eh.” Aba’t nagdrama pa. “So?” “Please…” talagang nagpa-awa effect pa… Hindi ko siya sinagot. At mukhang nag-give up na rin siya. “Oo nga pala, may ipapakita ako sayo…” ipinakita niya sakin yung left arm niya. “What’s that?” may napasin akong scar malapit sa elbow niya. “Diba sinabi ni Ace na nahulog ako sa puno?” nag-nod ako “Naalala ko kasi, ito yung nakuha kong sugat doon.” “Ah…” Malaki yung scar niya pero hindi mo ito mapapansin kung hindi mo tititigan. “Alam mo ba na nine stitches ang inabot ko diyan…” Talaga? Nine? “…pero hindi ako nasaktan, parang wala nga lang eh. Parang kagat lang ng langgam.” “Ah. Okay.” Napalayo naman ako bigla sa kanya. “Hindi ka rin naman mayabang ano? Siguro bata pa lang, mayabang ka na.” bulong ko. “Narinig ko ang sinabi mo.” Oopps. Narinig pala… “Teka bukod kay Ace, may iba ka pa bang naaalala? Like yung parents mo…” nagpause ako sandali “…or yung girl na si Tifa?” “Teka… bakit interesado ka kay Tifa?” bigla siyang nag-grin “Nagseselos ka noh?!” “Hoy hinde ah!” mabilis pa lightning ang sagot ko. “Bakit naman?” “Syempre.” Ang tindi ng confidence niya “Sabi ko na nga ba eh, tama talaga ako… MAY GUSTO KA TALAGA SAKIN.” “Ang kapal ah! Bakit naman ako magkakagusto sayo? Di ka naman gwapo. Di ka rin mabait. And dead ka na! Ghost na…” “Ang-” humawak siya sa dibdib niya “-ang sakit mong magsalita Nayumi.” Bigla naman akong nakonsensya. “Sorry. Ikaw naman kasi ang nauna eh. Sorry na…” “Sorry lang?” mukhang nasaktan talaga siya sa sinabi ko, lalo tuloy akong nakonsensya… “Sa tingin mo ganun lang yun kadali?... Wala man lang bang kasamang HUG?” Sinabi ko bang nakokonsensya ako? Then, BINABAWI ko na! “Tigilan mo nga ako, tara umuwi na nga tayo.” Tapos tumayo na ako na nagsimula ng maglakad. Sumunod naman agad si Jirou sakin. Chapter 7 – Mr. Savior, Ms. Awkward and Mr. Bitter Haayy… Ano pa nga ba ang magagawa ko… Kahit anong tanggi ko, hindi ako tinatantanan ni Jirou. Kaya naman eto na naman kami… pupuntahan na naman namin si Ace Corrales. Madali lang naman sana eh… kung may PLANO kaming ginawa. Kaso WALA EH!! Ang sabi pa niya, ako na daw ang bahala… Naiisip ko tuloy… kaya ako nagpunta dito sa Laguna eh ang akala ko makakapag-relax ako, yun pala lalo lang akong maiis-stress. “Good morning po manong Fred.” At dahil hindi na ulit tanda ni manong si Jirou, ipakikilala ko ulit siya. “Si Jirou nga po pala.” “…” nanotice ko na maysasabihin si manong kaya inunahan ko na siya “Friend ko po.” “…” at bago pa ulit niya ko biruin… “And friends lang po talaga kami.” “Miss Nayumi para pong nababasa ninyo yung iniisip ko ah.” Sabi ni mang Fred. “Nagkataon lang po manong Fred.” Pagdating namin sa Li Cheong Hotel, naglalakad pa lang kami ni Jirou papasok sa loob ng makasalubong namin ang cousin niyang si Ace. “Si Ace!” sabi ni Jirou. Napatalikod naman ako bigla at naglakad papunta sa kabilang direction. “Oh bakit ka tumalikod? Saan ka pupunta?” tanong sakin ni Jirou. “Ano ka ba? Anong sasabihin ko pag nagkasalubong kami? I’ll tell him na pupuntahan ko talaga siya? Na alam ko kung saan siya nakatira?” “NAYUMI!” napalingon kami pareho ni Jirou sa tumawag, si Ace. Lumapit siya samin, I mean sa akin lang pala. Di nga pala niya nakikita si Jirou. “Sabi ko na nga ba, ikaw yan.” Sabi ni Ace. “Ha- hi!” Bati ko sa kanya sabay tanggal ko ng shades. Umarte na lang ako na kunwari nagulat akong makita siya. “Saan ka papunta?” “Ahaha…” dinaan ko na lang sa tawa habang nagiisip ako ng isasagot sa kanya “…wala naman, napadaan lang ako. Ikaw?” “Kalalabas ko lang. Dyan ako tumutuloy.” Tinuro niya yung Li Cheong Hotel. Okay. Kunwari hindi ko yun alam… “Ah… Ganun ba?” Napaka-liar ko na talaga. Sorry po Lord. Sorry din Ace. Pinilit lang po ako ni Jirou. “Di ko ineexpect na magkikita ulit tayo.” sabi ni Ace. “Taga Sta. Rosa ka ba?” “No, nagva-vacation lang ako dito.” “Pareho pala tayo.” May narinig kaming nagsalita… “Uy tingnan mo hon, kamukha ng idol mo.” Napatingin kami sa dalawang passer-by na mukhang mag-bfgf na nakatingin samin. “Sino si Nayumi Anderson? Nasaan?” tanong nung girl. Napatingin siya sakin. “Teka, si Nayumi talaga yan!” Napalakas yata yung sabi nung girl, napatingin din kasi samin yung iba pang mga dumadaan. “Uy oo nga… si Nayumi nga, yung model ng Elise.” “Si Nayumi ba talaga, impossible… bakit nandito siya sa Sta. Rosa?” Ang dami kong narinig na usapan at mga tanungan tungkol sakin. “Sino kaya yung kasama niyang guy? Siguro boyfriend niya.” “Akala ko ba nagde-date sila ni Chace?” “Wow… ang cute naman nila!! Bagay sila!!!” Naku… napagkamalan pang boyfriend ko si Ace. Nakakahiya naman sa kanya. “Tsss. Tumigil nga kayo!” sigaw ni Jirou sa kanila. Nye! Akala mo naman naririnig siya ng mga tao. “Ang hihilig ninyong gumawa ng chismis. Dun na nga kayo!” Bakit over naman maka-react itong si Jirou? Akala mo siya ang pinagchi-chismisan, eh ako naman. “Honey picturan mo sila dali… para may souvenir ako kay Nayumi kasama yung bf niya.” Oh my! Hindi ako pwedeng makuhanan ng pic. Pag nakalabas ito at may kumalat na chismis about me and Ace, pagagalitan ako ng manager ko. Napansin siguro ni Ace na nagpanic ako dahil sa mga naririnig namin kaya naman… to my surprise, HE GRAB MY HAND at hinila niya ako papalayo sa mga tao, pero yung hila niya is not in a harsh way. Kahit si Jirou, nagulat din sa ginawa ni Ace at napasunod na lang sa amin. Mabilis kaming tumakbo at ng makakita siya ng taxi ay pinara niya ito agad at sumakay kami. Wait. Wait. Wait. Wait. Sumakay kami ng TAXI?! Taxi? Never pa akong sumakay ng taxi… Mula pa kasi noong bata ako up to now, eh may personal driver ako. Papunta or pauwi ng school, pati pag pupunta ako sa work, at kahit ngayong nagbabakasyon ako… si manong Fred lang ang nagda-drive para sakin. Hay… baka mamaya mapahamak na ako sa pinaggagagawa ko. Magkatabi kami ni Ace sa likod, sa tabi naman ng driver na-upo si Jirou. Siguro hindi rin siya nakikita ng driver ng taxi kasi, tumagos lang siya para makapasok eh… “Sorry kung hinila kita basta dito ha… baka kasi ma-chismis ka pa ng dahil sakin eh.” sabi ni Ace. “No… no… Wag kang mag-sorry. Dapat nga mag-thank you pa ako sa ginawa mo eh… sinave mo kaya ako.” “Sinave mo kaya ako.” imitate ni Jirou sa sinabi ko. “Tsss. Tama ba yung ginawa niya sayo kanina? Basta ka na lang niya hinila… tapos magta-thank you ka pa?!” Habang nasa taxi kami, ewan ko ba kung bakit tinotopak si Jirou. Noong una, ang sama ng tignin niya samin ni Ace. Tapos bigla na lang siya nagsalita ng nagsalita… at dahil ako lang ang nakakakita at nakakarinig sa kanya, ako lang ang napeperwisyo. Pagkatapos niya akong sermunan, si Ace naman ang pinagalitan niya. “Yung pagtakbo ninyo kanina, holding hands pa kayo… eh mas lalong iisipin ng mga tao na may tinatago kayong relasyon eh. Tapos kailangan ba talagang magkatabi kayo dyan sa likod? Diba dapat ako ang katabi mo Nayumi? Sa akin ka ipinagbilin ni Tricia, dapat tayo ang magkatabi. Alam mo Ace, pinsan kita eh, pero- Teka nga, bakit masyado kayong close? Maginaw ba? Hindi naman ah, saka may space pa oh… umusod-usod ka naman Nayumi…” Ano bang pinagsasasabi ni Jirou? Eh ni hindi nga kami nagkakadikit ni Ace eh… Hay nako, bahala nga siyang magsalita dyan ng magsalita… At last, bababa na kami dito sa mall. And at last tumigil din sa karereklamo si Jirou. “Pasensya na ha. Wala kasi akong maisip na mapupuntahan, kaya dito na lang sa mall.” sabi sakin ni Ace. “Sus! Kunwari niligtas ka niya kanina, tapos dinala ka naman sa mas maraming tao ang makakakita sa inyo. Pasimple pa eh.” Sabi ni Jirou. Ano ba talaga ang problema nitong si Jirou… kanina pa siya eh… “Hinde okay lang.” sagot ko kay Ace. “At gusto mo rin naman.” Parinig ni Jirou sakin. “Ano ka ba?” bulong ko kay Jirou “Eh di ba ikaw naman ang may gusto nito? Ang makipag-friends ako sa kanya.” “…” Sa wakas, natigil din siya sa kakaparinig. Hindi na kami pumasok sa loob, na-upo na lang kami malapit sa may fountain sa gilid ng mall. Hindi naman mainit sa pwesto na yun at hindi rin masyadong marami ang tao unlike sa dun loob. “Alam mo nagugulat na ako eh, marami rin pala ang nakakakilala sakin dito?” Hindi ako nagyayabang ha… nagtataka lang talaga ako. “I mean, I just a fashion model. Hindi naman ako artista eh.” “Hindi naman yun nakakapagtaka eh.” Sagot ni Ace. “Isa ka na kasing supermodel. Diba may international award ka? Saka madalas rin ang guestings mo sa tv.” “Paano naman ako magiging supermodel, eh hindi mo nga alam ang name ko eh…” biro ko sa kanya.” “Alam ko noh… hindi ko lang tanda. Saka kahit ganun, kilala ko naman yung face mo.” Nakakatuwa siya… defensive din pala itong si Ace, magpinsan nga sila ni Jirou. “At saka may kakilala nga ako, yung name and face ko… parehong hindi familiar sa kanya…” tiningnan ko si Jirou. This time, ako naman ang nagpaparinig sa kanya. “Eh?” di makapaniwala si Ace. “Pero nakilala naman kita bago ka magpakilala sakin ah.” Sagot naman ni Jirou. Oh diba sabi ko na eh, defensive din si Jirou. Hahaha… magpinsan talaga sila. ^_^ “Wala naman yun sa dami ng nakakakilala sayo eh, nasa pagkilala yun sayo ng mga tao.” “Nakakaflatter naman yung sinabi mo Ace.” “Ang totoo, hinahangaan din kita. Kahit kasi sikat at mayaman ka, mabait ka pa rin.” Napa-smile na lang ako sa sinabi niya, hindi ko kasi alam ang isasagot eh. “Halika, may pupuntahan tayo.” Hinawakan ulit ako ni Ace sa kamay at pinatayo ako. At syempre nag-react na naman si Jirou. “Teka, holding hands na naman yan ah! Ang kulit nyo talaga. Pag may nakakita na naman sa inyo, bahala kayo. Hoy, Nayumi! Nakikinig ka ba?!” Oo naririnig ko naman siya eh, kaso hindi naman ako ang nakahawak eh… Si Ace ang nakahawak sa hand ko, anong magagawa ko? Hindi ko nga alam kung saan kami pupunta eh. Sinuot ko agad yung shades ko at sumusunod lang ako kay Ace. Tumigil si Ace sa paglalakad. Tumigil din ako. At syempre tumigil din si Jirou, at nanahimik na ulit siya. Nasa loob kami ng pet shop. Binitawan na ni Ace ang hand ko, tapos kinausap niya yung shopkeeper. Mayamaya bumalik na siya at may inabot sakin na pet. “Wow, ang cute naman niya!” Isang cat. Color white siya tapos ang fluffy niya tingnan… grabe ang cute!!! Teka yung tingin ng pusa na to eh parang familiar… teka kamukha niyang tumingin si Jirou. Oo nga, si Jirou! “Nyaa!” nag-meow yung pusa. Tapos bigla siyang nagsumiksik sakin at pumorma na parang matutulog. “Ang cute!!” “Nagustuhan mo ba siya?” tanong ni Ace. “Oo naman, ang cute-cute niya.” “Mabuti naman, para sayo talaga siya eh.” “Sakin?” nagulat naman ako sa sinabi niya. Bibilhin niya to for me? “Nakakahiya naman.” “Wag ka ng mahiya, para sayo talaga yan. Para di ka na malungkot pag nami-miss mo si Cashey.” Si Cashey? Ah oo nga pala! Si Cashey, yung instant pet ko. Talagang napaniwala ko siya dun. Sorry Ace… sorry. Binayaran na ni Ace yung cat at kinuha yung mga accessories nito. Tapos bumalik kami dun sa tabi ng fountain. “Eh paano ka, paano pag nami-miss mo si Spade? Siguro dapat magkaroon ka na rin ng bagong pet.” “Di naman kasi ako mahilig sa hayop eh…” “Eh?” Bakit parang close na close siya kay Spade the cat. “Pumayag lang akong alagaan si Spade kasi napilit ako ng pinsan ko.” “Ganoon?” kahit bata palang may pagka-bossy na si Jirou. “Pinilit daw? Samantalang mas malapit ka pa nga kay Spade kesa sakin.” Nag-react na naman si Jirou. Bakit kaya parang ang init ng dugo ni Jirou kay Ace ngayon? Kahapon naman hinde eh… “Teka anong name ang ibibigay mo sa kanya?” tanong ni Ace. “Name? Ano nga ba?” Uhmm… let’s see… dahil kamukha niya si Jirou, I’ll name this cat after him na lang. “Jirou ang ipapangalan ko sa kanya.” “Kapangalan ko?!” hahaha… sabi ko na nga ba magrereact talaga si Jirou. Way ko ito para makaganti man lang ako sa pag-tease mo sakin. Beh! :P “Jirou?” nagulat din si Ace sa sinabi ko. Shocks! I almost forgot! Masyado akong nadala sa cuteness ng cat na to, nadulas tuloy ako. “Jirou ba ang sabi mo?” ulit ni Ace. Ooopps. “Did I say something wrong? Sorry. Kung ayaw mo okay lang. Pwede namang pali-” “Ah hinde… hinde sa ganun. Hindi naman sa ayaw ko, may naalala lang ako.” Okay. Since si Ace na ang nag-open, I’ll grab the chance. Maglalakas loob na kong mag-ask. “S-sino?” “Yung pinsan kong kinuwento sayo kahapon… Jirou ang name niya.” “Uhmm.” “Alam mo ba na pasaway akong estudyante… hanggang ngayon nga eh. Lagi akong nagcucutting classes at si Jirou ang kasama ko sa mga kalokohang iyon. Madalas kaming nangpa-prank mapa-estudyante o kahit teachers. Parang tambayan na nga namin ang guidance office. Buti nga at kaibigan namin si Tifa… kasi napipigilan niya kami sa paggawa ng kalokohan minsan, yun nga lang madalas wala pa rin siyang magawa. Problema talaga kami ng school eh.” Natawa pa si Ace sa kinukwento niya, samantalang si Jirou ay tahimik lang. “Pero kahit hindi ko sineseryoso ang pagpasok, pinagsisikapan ko pa rin na maipasa ang mga tests and exams ko.Takot pa rin naman ako sa tatay ko eh. Pero si Jirou sinasadya pa talaga niyang i-fail ang lahat ng exam niya. Ginagalit kasi niya ang dad niya, parang way niya to ng paglaban kay tito.” Bigla nawala yung saya niya kanina sa pagkukwento, bigla naging malungkot ang tono niya. “Pero naiintindihan ko naman si Jirou eh… masyado kasing controlling si tito sa kanya. Yun nga lang may time na parang sumosobra na si Jirou. Dahil sa ginagawa niya lalo lang nyang pinapatindi ang away nila ni tito, kaya naman pinigilan ko siya sa balak niya. Kaso iba ang naging dating nun sa kanya. Ang akala niya pinagkakaisahan namin siya… akala niya kinakalaban ko na rin siya. Pakiramdam ko tuloy tinalikuran ko siya. Ako ang may kasalanan kung bakit nangyari iyon kay Jirou. Kung di ko yun ginawa eh di sana…” Gusto ko pa sanang malaman ang lahat pero I feel bad for Ace na eh… kaya enough na muna siguro. “Ace are you okay?” “Ah, sorry.” Napailing siya “Malaki kasi ang kasalanan ko kay Jirou eh… sa nangyari sa kanya.” “Tama na yan.” Napatingin ako kay Jirou... “Sapat na ang nalaman ko ngayon.” …and serious siya. Nakakatakot na naman yung aura niya ngayon. “Ganun ba…” I didn’t know na may ganoong story na nangyari between Ace and Jirou. “…ah! I know na, Naru na lang ang ina-name ko sa kanya.” “Naru? Kung sabagay maganda rin na name yun…” ngumiti na ulit si Ace. “Tayo na Nayumi.” Serious pa rin na sabi ni Jirou, tapos ay naglakad na siya palayo. Hindi ko naman siya matawag kaya I have no choice kundi ang magpaalam na rin kay Ace. And nakakahiya man pero kailangan ko eh kaya… kakapalan ko na ang face ko… “Ace, can you save your number to my phone.” Inabot ko sa kanya yung phone ko… “Bakit?” sabi niya habang itina-type yung number niya. Tapos ay binalik na niya sakin yung phone ko. “So if ever na kailangan kitang i-contact, I have your number na.” Tumayo ako tapos nagmamadali kong kinuha ko yung mga gamit ni Naru. “Naalala ko kasi, I have a very VERY important meeting pala today, kaya I have to go na.” Aalis na sana ako ng may maalala ako. “Thank you pala dito sa pagbigay mo sakin kay Naru.” Then nag-bow ako ng mabilis. “Thank you ulit!” Tapos ay nagmadali na ako para mahabol ko si Jirou. At mabuti na lang, inaantay niya pala ko, nag-promise kaya siya na di na niya ko iiwan. Pagbalik namin sa hotel, itinext ko si Ace. Ibinigay ko rin yung number ko sa kanya, para fair diba… Text, text, text… OKAY, send---“Bakit bigla ka na lang pala umalis?” tanong ko kay Jirou. “Ka-bad trip eh!” Feel na feel niya pa ang pagsagot, pero yung itsura ngayon parang okay na naman siya… naka-smile pa nga eh. “Oo nga, simula pa lang nahalata ko ng wala ka sa mood.” “Napansin mo?” “Syempre… ang weird mo kaya kanina.” “Talaga?” Psshh! Patay-malisya ah… samantalang kung ano-ano ang pinagsasasabi niya kanina. Hmmf… bahala nga siya. “Ang cute cute talaga ni Naru!” sabay hug ko pa sa cat ko. “Teka teka… naalala ko, bakit mo yan pinangalanan na Jirou? Talagang kapangalan ko pa!” “Kamukha mo kasi si Naru eh.” “Tss. Ang layo kaya! Sa gwapo kong ito, iko-compare mo sa isang pusa?!” “Kaya nga pinalitan ko na diba? Naru na ang name niya… NARU.” Sabay hug ko ulit kay Naru. “And mabait si Naru noh, parang si Ace! Unlike you…” Hmmpp. “Mabait?! Anong mabait kay Ace? Diba sa kanya na mismo nanggaling… tinalikuran niya ko.” Galit na naman si Jirou. “Ganoon ba talaga katindi ang galit mo kay Ace?” Hindi ko pa alam ang lahat ng nangyari pero… nafe-feel kong nagsosorry na si Ace sa kanya. “Ang totoo hindi ko rin alam kung bakit, pero noong masabi niya ang lahat… nakaramdam ako ng matinding galit sa kanya.” Base dun sa mga kwento ni Ace at sa konting naaalala ni Jirou, malapit sila sa isa’t isa. Magkasundo sila kahit sa mga kalokohan. Ano kaya ang pinag-awayan nila na ikinagalit ni Jirou? At bakit sinisisi ni Ace ang sarili niya sa pagkamatay ni Jirou? Silence… “Nyaa!” nag-meow bigla si Naru. “Ahaha… ang cute niya talagang mag-meow.” I love this cat na talaga! “Tsss. Kaasar yang pusang yan.” Aagawin sana ni Jirou sakin si Naru pero pinigilan ko siya. “Bakit ba?” “Pag kasi nakikita ko yan naalala ko ang Ace na yun!” Pinipilit niya talagang kuhanin si Naru sakin… kaya tinakbuhan ko siya kasama si Naru. “Nayumi, ibigay mo sakin yang pusang yan!” “No! I won’t even let you lay a finger on Naru.” “Bilis na! Para magantihan ko naman si Ace kahit konti.” “Jirou stop!” “Akin na kasi siya!” “No!” Chapter 8 – The Gossip “Ahahaha… nakakatuwa naman pala yung nangyari sa inyo eh.” Si Tricia. Wala na ulit siyang pasok kaya nagpunta ulit siya dito. Kaya kinuwento ko ang lahat ng nangyari samin ni Jirou at Ace kahapon at isinumbong ko rin sa kanya ang mga pang-aaway sakin ni Jirou. “Pero Nayumi, ang cute ng cat na mo ha... what’s the name again?” “Naru.” Nasa lap ko si Naru. Oo, naisave ko siya kahapon mula kay Jirou. Itinabi ko pa siya sa pagtulog ko para safe. “Ang generous naman nung Ace Corrales na yun para bigyan ka ng cat. Yung ibang suitors mo, flowers and chocolate ang ibinibigay sayo… pero si Ace, cat ang binigay. Kakaiba diba…” “Ang sabihin mo pasikat!” nagsalita na naman si Jirou. Sinagot ko nga siya “Hindi naman hinihingi ang opinion mo.” Tingnan ba naman ako ng nakakaloko… “May mga manliligaw ka pala?” Sabi niya na parang ang tono eh… ‘nakakapagtaka naman yun’. Kainis ha! Wag ko ngang patulan ang sinasabi niya. Beh :P Pareho kaming nakaharap sa laptop ni Tricia. Tigisa kami ng ginagamit, pero magkatabi lang kami. “Look Nayumi oh… may four kang account sa facebook, puro mga posers.” Tiningnan ko yung laptop ni Tricia… Oo nga may four users na Nayumi Anderson ang name. Binalik ko sa laptop ko yung tingin ko. “Ok, nakagawa na ako ng account…” Ngayon lang talaga ako naggawa ng account sa facebook, di ko naman kasi kailangan eh. Pero I have a twitter account and I have my official blog naman. Itinype ko… TRICIA MENDEZ. Pangthird siya na lumabas sa search results. “Okay, nakita ko na.” Inadd as friend ko siya tapos inaccept niya rin. Pero ang real reason kung bakit ako gumawa ng FB account kasi dun ko ise-search si Tifa. Hindi ko naman kasi siya pwedeng itanong kay Ace eh. At dahil di ko alam ang full name ni Tifa, umaasa akong friends sila ni Ace sa FB. So search- ACE CORRALES. Nakaprivate si Ace, kaya para makita ko ang friends niya… inadd ko pa siya. “Paano yan, aantayin ko pa na i-accept ako ni Ace.” “Malay mo mag-open siya today.” Sabi ni Tricia. “Gusto mo mag-add ka na lang ulit ng friends habang naghihintay… Oo nga pala! Yung official fanpage mo sa FB i-like mo, ako ang admin nun.” Pinuntahan ko naman yung fanpage na sinasabi niya. “Wow! 103,476 likes.” Ang dami rin ah. Nakitingin din si Jirou. “Yung totoo, ilang account ang ginawa mo para maglike sa page na yan?” Nang-aasar na naman. “Kita mo ng first time kong gumawa ng account sa FB oh…” “Teka ikaw Jirou, may account ka kaya?” tanong ni Tricia. “Aba ewan.” “May facebook ka na siguro dati bago ka na-dead. Tingnan natin.” Tiningnan namin yung ginagawa ni Tricia. “Meron nga, at nagiisa ka lang na Jirou Corrales.” Binuksan ni Tricia yung profile ni Jirou, hindi man lang naka-private ang settings niya. “Hahaha… 79 lang ang friends mo?” nakakatuwa naman… kay Tricia more than 500 tapos kanya 79 lang? “Ang yabang mo eh ikaw nga iisa pa lang ang friend mo.” Sagot niya sakin. “Eh kasi kasisimula ko pa lang.” sagot ko naman sa kanya. “Sayang kahit i-add kita, di mo na maa-accept.” Sabi ni Tricia kay Jirou. “Teka, diba magkakaibigan kayo nila Ace at Tifa? Eh di baka friend mo din si Tifa.” Walang lumabas na Tifa sa friends ni Jirou pero may isang lumabas na Tiffany Espia, and kamukha niya yung nasa pic ni Jirou. Tinignan namin yung profile niya, may nakuha naman kaming ilang information about her. Her full name is Tiffany Espia, birthday is March 22, attending St. Fatima University taking B.S. Accountancy. “St. Fatima University? Sa Manila yun diba?” tanong ni Tricia. “Oo. Pati naman yata sina Ace at Jirou, sa manila din napasok. Sabi kasi ni Ace nagva-vacation lang siya dito. Punta tayo bukas.” “Naku hindi ako pwede may research pa kami, but since babalik na rin ako sa Manila bukas, sabay na tayo…” Biglang tumunog yung phone ko… “Excuse lang ha… may incoming call ako eh…” iniwan ko muna sila Tricia at Jirou, pumasok muna ako sa bedroom ko para sagutin yun tawag. . . . Pagbalik ko… “Sino nga palang tumawag sayo Nayumi?” tanong ni Tricia. “Manager ko, nasa news daw ako eh.” Binuhay ni Tricia yung tv. News anchor: “CHACE PADILLA AT ANG MODEL NA SI NAYUMI ANDERSON, HIWALAY NA. Di pa man sila umaamin sa kanilang relasyon, gaano katotoo ang balita na hiwalay na daw ang dalawa? Ilang buwan na rin ang nakalipas ng makitang nagde-date ang dalawa, ngunit wala sa kanila ang nagbigay ng pahayag tungkol dito. Ngunit sa isang interview ni Chace kahapon, nagsalita siya tungkol sa pagiging broken-hearted niya. At isa namang picture ng modelong si Nayumi ang kumakalat ngayon sa internet, kung saan magkasama sila ng isang lalaki at holding-hands na naglalakad sa isang lugar sa Laguna. Ito kaya ang dahilan ng kanilang paghihiwalay?” “WHAT?!” nadagdagan na naman ang issue?? “Unfair naman sila… bakit naglabas agad sila ng ganyang news eh hindi pa naman talaga clear yung naunang issue sa inyo?” galit na sabi ni Tricia “Yun na nga eh, di kasi namin nilinaw sa simula palang kaya lalong lumala…” “Sino ba yang Chace na yan?” tanong ni Jirou Napatingin kami ni Tricia sa kanya… Okay we get it… may amnesia nga pala siya. Inabutan siya ni Tricia ng magazine na magkasama kaming dalawa. “Bat naman kasi nagsalita ng ganun si Chace… wala siyang iniisip kundi ang sarili niyang career. Ginamit ka pa talaga…” galit pa rin si Tricia “No Trish… I think totoo yung sinabi ni Chace but he’s not reffering to me, it’s someone else.” Tumunog bigla yung phone ko… Nash calling… “Hello? Nash?” “Ano bang pinaggagawa mo dyan?!!” –Nash on phone Naku pagagalitan sigurado ako ni Nash. “Nash, misinterpretation lang yun.” “Alam mo ba na ang dami mong haters ngayon sa internet!” –Nash on phone “Hindi naman yun maiiwasan eh, lumalabas kasi na ako pa yung may thirdparty at sinaktan ko si Chace.” “Alam mo naman pala eh!” –Nash on phone Ang sakit sa tenga ng sigaw ni Nash. “Okay ka lang ba?” biglang bumaba yung tono ni Nash. “Oo. Nagset na ng interview sakin yung manager ko para sagutin yang issue.” “Buti naman… Mag-ingat ka lagi… bye.” –Nash on phone “Bye.” “Sino yun?” tanong ni Jirou “Si Nash..” “So kelan ka magpapainterview?” si Tricia “Sa isang araw… tuloy pa rin kami ni Jirou kay Tifa bukas.” “Kasalanan kasi yan Ace eh… Lalo ka pa tuloy napahamak dahil sa ginawa niya kahapon.” Sabi naman ni Jirou “Oh my…” bigla kong naalala “…nakakahiya kay Ace! Pati siya nadamay…” “Eh ano naman? Blurred naman yung mukha niya sa tv ah..” dagdag ni Jirou “Kahit na…” As in nakakahiya talaga… siya na nga ang tumulong sakin kaso na misinterpret pa yung ginawa niya. “Alam mo dapat talaga sa akin ka lang sumasama eh, hindi sa kung sinong lalaki lang na ilang araw mo pa lang naman nakikila.” Obviously si Ace ang tinutukoy niya. Hindi ko talaga alam kung bakit bigla na lang uminit ang dugo ni Jirou kay Ace. “Bakit? Ilang araw pa lang rin naman tayong magkakilala ah… so dapat iwasan na rin kita.” “Magkaiba yun noh. Pag ako kasama mo, okay lang. Hindi kasi ako nagaappear sa pictures.” “Oo nga, kasama ka ni Nayumi at Ace diba Jirou… pero wala ka dun sa pic.” si Tricia “Kahit dati din sa mall diba? Noong may nagpapicture sa atin na magbabarkada, sabi nila wala ka dun sa picture.” dagdag ko naman So kahit picturan siya, hindi pa rin siya makikita sa photos? Eeeh… freaky. Ghost nga talaga siya. “Meaning, safe si Nayumi sa chismis pag ikaw ang kasama…” sabi ni Tricia “Tama… kaya okay lang na lumabas tayo magkasama.” “Wait lang, bakit ba pinipilit mo na sayo ko sumama? Don’t tell me may gusto ka sakin?” biro ko “Crush lang.” diretsong sagot niya O.o Crush? Crush niya ko?? Awkward… “Pfft… eh bakit ba parang ayaw mo kay Jirou, Nayumi? Gwapo naman si Jirou ah…” sabi ni Tricia na alam kong natatawa dahil sa pag-amin ni Jirou. “Cute lang, di ka naman gwapo.” Sabi ko sa kay Jirou “Di ka rin naman maganda.” Ganti niya “Crush mo si Nayumi pero di ka nagagandahan sa kanya?” -Tricia Napatingin ako kay Jirou na nakatingin din sakin… “Maputi ka lang…” sabi niya “…saka maganda lang ang mata mo… pati yung ilong mo… pati lips…” O///O Blush naman ako bigla. At syempre speechless din. “Ayieeh… di ka pa nagagandahan kay Nayumi sa lagay na yan ha…” biro ni Tricia Di na rin sumagot pa si Jirou. Chapter 9.1 – Tiffany Espia “ I feel so free, it’s like a fantasy, heaven you next to me, suddenly it’s magic… ” [lyrics of Suddenly It’s Magic] Nakirinig ko kanina itong song sa tv at dahil maganda, paulit-ulit ko tuloy kinakanta. “Wag ka na ngang kumanta.” Biglang sabi ni Jirou “Bakit ba?” “Ang panget mo kumanta eh.” “Hmmf…”marami kaya nagsasabi sakin na maganda raw ang voice ko at may talent ako sa singing. “Nagsalita, akala mo naman kung sinong talented.” “Hinahamon mo ba ko?” “Go.” “ HAWAKAN MOOO~ ANG AHH-KING KAMAY~~ AT TAYONG DALA- ” [lyrics of Kay Tagal Kitang Hinitay] “Stop!” My gosh! May sarili siyang tono.. “Hahaha… Ang yabang mo, eh ikaw nga wala sa tono kumanta…” “Wala ka lang kasing alam sa music.” Proud pa niyang sabi “Ang yabang talaga.” “Ay nako tama na yan…” saway ni Tricia “Kaya kayo nagkaka-developan eh.” Si Tricia talaga pinaalala na naman yung kahapon… Ang awkward na nga eh. “Oh paano guys, hanggang dito na lang ako. Basta Nayumi once napansin mong nakikilala ka na nila umalis ka na agad ha…” bilin ni Tricia “Don’t worry mag-iingat ako.” “Jirou ikaw na bahala sa bestfriend ko ha…” Then nagpaalam na nga si Tricia, at dumeretso naman kami sa school ni Tifa… St. Fatima University… Mabuti na lang at summer kaya hindi nakauniform ang mga students dito… konti lang din ang pumapasok… Mabilis lang din kaming nakalampas sa guard. “Okay… saan natin hahanapin si Tifa?” “Diba sabi mo kahapon Accountancy ang course niya… Hanapin muna natin yung building ng accountancy.” Sabi ni Jirou “Right.” Halos inikot na namin ang buong university sa paghahanap. Hindi rin naman namin makita yung map ng campus nila. At ito namang si Jirou, ang bagal bagal pang maglakad, parang nananadya lang eh. Hindi rin naman ako makapagtanong kasi baka may makakilala sakin and I don’t want to take the risk. Kaya naman we end up sa cafeteria nila… “My gosh… I’m exhausted na. Paikot-ikot tayo pero wala naman tayong nakita.” sabi ko. “Pffft.” “Bakit?” anong kaya nakakatawa? “Wala lang… para kasing mas interesado ka pang makita si Tifa kesa sakin eh.” “Ang sabihin mo tamad ka lang. Masyado ka ng umaasa sakin.” “Siguro nga…” Huh? Ano yun, nag-agree siya? Pinaglalaruan niya ba ko? “Nayumi…” seryoso siyang nakatingin sakin “…pag ba natapos na to at wala nako… mamimiss mo ba ko?” “Ha?” bakit ba bigla siyang nagtanong ng tungkol dun? Pagwala na siya… mamimiss ko nga ba siya? Naalala ko bigla yung naging panaginip ko dati. “Paano kung ayoko pa…” dugtong niya “…paano kung gusto pa kitang makasama…” HA???? Eto na naman. This feeling again. Nararamdaman ko yung pagtibok ng puso ko, MALAKAS AT MABILIS. Bakit ba kasi siya nagsasalita ng ganyan… pati yung tingin niya sakin… Bigla akong tumayo… “Hahaha… ano ba yang sinasabi mo, tara na nga.” Tapos ay lumabas nako ng cafeteria, sumunod din naman siya sakin. Pero pag labas namin… O.o Anong meron??? Bakit ang daming tao? Tapos nakarinig ako ng bulungan… “Siya ba yun sinasabi mo?” “Oo siya nga, diba kamukha niya…” “Kamukha ni Nayumi Anderson.” “Oo nga…” “Hindi naman, hawig lang.” “Diba yung Nayumi Anderson yung ex ni Chace Padilla?” “Oo… kawawa nga si papa Chace eh.” Uh-oh!… namumukaan na nila ko. At dumadami na rin ang nakapalibot sa amin. Bigla akong hinila ni Jirou sa kamay… tulad ng ginawa sakin dati ni Ace. Pero hindi pa man kami nakakalayo napatigil agad ako, nakasalubong ko kasi si TIFA. Pati si Jirou napatigil din. “Tifa?” Sabi ni Jirou (pero syempre di niya nakikita at naririnig si Jirou) Napatingin sakin si Tifa na parang surprised siya, tapos bigla niya nalang akong hinila at tumakbo. Syempre sumunod sa amin si Jirou. Pumasok kami sa isang vacant na room. “Anong ginagawa mo dito?” biglang tanong sakin ni Tifa Nagulat naman ako sa kanya. “Wait… Nakilala mo ko agad?” “Umm… yeah… nanonood naman ako ng tv eh.” Bigla kaming may narinig na sumigaw sa malapit. “Guys! May artista daw ngayon dito sa campus!” “Pwede bang magpunta tayo sa ibang place?” request ko kay Tifa “Tingin ko rin.” Sa Resaurant na malapit sa campus nila… … Awkward silence… Si Jirou nakatingin lang kay Tifa, hindi ko alam kung may naaalala niya ba si Tifa o ano. Si Tifa naman tahimik lang. Napansin ko lang… she’s pretty, saka mukha ring mabait. “Pasensya na sa ginawa ko kanina ha…” sabi niya. Nginitian ko lang siya. “Ikaw si Nayumi Anderson diba?” Nag-nod ako. “Anong ginagawa mo dito? Alam mo bang pwede kang mapahamak… Lalo na sa issue mo ngayon. Karamihan pa naman ng students samin, fan ni Chace Padilla.” “Yeah… I’m actually in trouble. Kaya salamat at tinulungan mo ko kanina. Pero bakit mo ko tinulungan?” Nag-shrug lang siya ng shoulders. “Dahil kailangan mo ng tulong?” Natahimik na naman kami… Pareho kaming hindi comfortable. Kahit pag-uusap namin ang awkward. “Sabihin mo na kaya sa kanya ang totoo.” Sabi sakin ni Jirou. “Maiintindihan ka niya.” Ano bang sinasabi ni Jirou? Mukha ba siyang maniniwala pag sinabi ko na nakikita ko yung ghost ng kaibigan niya… “Tifa… I mean Tiffany...” “Huh? Alam mo ang name ko?” “The truth is… ikaw talaga ang pinuntahan ko dito.” “Ako? Bakit? Teka, pinapunta ka ba dito ni Ace para kausapin ako?” “No.” tanggi ko agad. Si Ace? Bakit naman niya naisip si Ace? “Hindi si Ace ang dahilan?” ulit niya Bakit parang nadisappoint siya? “No. Bakit si Ace?” “Wala lang. Akala ko kasi tungkol dun sa issue mo na involve siya.” Teka naguguluhan ako… may something ba between Ace at Tifa? “Then anong kailangan mo sakin?” tanong niya ulit “Gusto ko kasing malaman yung tungkol kay… kay Jirou.” Nakita ko kung paano siya nagulat. “Kay Ji… kay Jirou? Magkakilala kayo ni Jirou?” “Nayumi sabihin mo na…” si Jirou Sasabihin ko ba talaga yung totoo? What if di siya maniwala? Pero I feel bad naman kung magsisinungaling ako kay Tifa tulad ng ginawa ko kay Ace. Oh my… What to do? What to do?? “The truth is…” Chapter 9.2 9.2 – Awkward meetings and Secrets Sasabihin ko ba talaga yung totoo? What if di siya maniwala? Pero I feel bad naman kung magsisinungaling ako kay Tifa tulad ng ginawa ko kay Ace. Oh my… What to do? What to do?? “The truth is…” “Teka si Ace yun diba.” Biglang sabi ni Jirou. Napatingin naman ako sa labas at… “Wha-” What is he doing here? Hindi niya kami pwedeng makitang magkasama ni Tifa. Malayo pa siya but I think he’s heading this way… No!!! I gotta get out of here. “Nayumi kailangan na nating umalis.” –Jirou “Okay ka lang Nayumi?” –Tifa “I’m really really sorry Tiffany pero kailangan ko ng umalis, may emergency kasi eh. Sorry talaga.” Bigla kong paalam sa kanya “Ha? Ah… Okay…” nagtataka naman siya “And… itong pagkikita natin, pwede bang sa ating tatlo, I mean, sa ating dalawa na lang?” “Yeah. Sure. I understand.” “Thanks again and sorry na rin.” Pagkatapos ay mabilis akong lumabas ng pinto. Pero dahil makakasalubong ko si Ace, lumiko muna ako at nagtago sa may gilid sa labas ng restaurant. “Ano bang ginagawa ni Ace dito?” Sabi ni Jirou “Hindi ko rin alam pero buti na lang hindi niya ko nakita. Sana lang hindi sila magkita ni Tiffany.” “ACE?” –Tifa “Tifa.” –Ace Napasilip kami ni Jirou bigla dahil sa narinig namin. “Tsss. Nagkita na sila.” Sabi ni Jirou “Kasasabi ko lang diba? Ang bilis naman.” Nagkasalubong kasi sila sa may pinto, palabas na si Tifa at papasok naman si Ace. Lumapit si Tifa kay Ace, pagkatapos ay naupo sila sa may bench na malapit lang sa pwesto namin. At kami naman ni Jirou, na-stuck dito sa may gilid ng restaurant habang pinanonood sila. Kinareer ko na talaga ang pagiging stalker. Crossfingers. “Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Tifa kay Ace Bakit parang may problema sila? “Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?” tanong naman ni Ace “Yun lang ang pinunta mo dito?” –Tifa “Tifa naman.” si Ace. Sinubukan niyang hawakan ang hand ni Tifa pero iniwas ni Tifa ang hand niya. “Jirou hindi dapat tayo nakikinig sa usapan nila… masyado ng private yan.” Of course bilang isang celebrity, alam ko ang feeling ng naiinvade na ang privacy. “Wala naman tayong choice. Once na lumabas ka, makikita ka nila.” Sagot ni Jirou “Galit ka ba dahil dun sa issue? Magkaibigan lang kami ni Nayumi. In fact, kakikilala-” –Ace Wait, kasama na ko sa usapan?… Uh oh, this is not good. “Seryoso ka ba Ace? Iniisip mo na galit ako dahil dun? Iniisip mo na nagseselos ako?” –Tifa Ano daw? Wait… are they… “I’m screwed.” Mahina kong sabi. “Kaya naman pala iniisip ni Tifa na si Ace ang dahilan kung bakit ko siya hinahanap. Ano ba tong pinasok ko Jirou.” Hindi ako sinagot ni Jirou, serious lang siyang nakatingin kina Ace. “Ace… di ba ikaw naman ang nagsabi sakin na mas okay kung hindi tayo magkikita. At hindi rin pwedeng maging tayo.” Sabi ni Tifa at nagsimula na ring pumatak ang mga luha niya. They have feelings for each other pero… bakit… ano kayang naghihinder sa kanila? “Ano bang pinaggagagawa ni Ace. Sinasaktan niya lang si Tifa.” ramdam ko ang galit ni Jirou sa sinabi niya. “Alam mo naman ang dahilan diba…” –Ace “Sinisisi mo pa rin ang sarili mo sa nangyari kay Jirou.” –Tifa “Ako ang may kasalanan kung bakit si Jirou…” umiwas ng tingin si Ace kay Tifa “Akala mo ba ikaw lang Ace? I chose you over Jirou. He’s like my bestfriend pero sinaktan ko siya… kasi pinili kita. Akala mo ba hindi ko sinisisi ang sarili ko sa nangyari kay Jirou? Nahihirapan din ako Ace… At ngayon kita mas kailangan…” lalo pang umiyak si Tifa “Tifa… mahal ka ni Jirou… Ikaw na lang ang meron siya. Hindi ko kayang…” –Ace “Pero paano tayo Ace?” putol ni Tifa “Paano ako?... Paano ka?” “Tiffany… I’m sorry…” Hindi sumagot si Tifa. Pinunasan ni Ace ang tears sa pisngi ni Tifa. “No.” pinatigil niya si Ace “Umalis ka na. Ayaw muna kitang makita.” Pagtapos ay tumayo agad si Tifa at umalis. “Tifa. Sandali lang Tifa! Tiffany!” Pigil ni Ace pero hindi siya pinansin. “Arrg!” pagtapos ay umalis na rin siya. . . . Kami na lang ni Jirou ang naiwan dun at naupo kami sa bench na inupuan nila Ace. Pareho kaming tahimik. Based dun mga narinig ko, medyo nabubuo ko na ang puzzle ng relationship ni Jirou kay Ace at Tifa. And I guess… pati si Jirou ganun din. “Jirou… naalala mo na ba lahat?” “Naalala ko na yung iba. Yung kinuwento ni Ace noong mga bata pa kami. Yung mga kalokohan ko pati yung samahan naming tatlo nila Tifa. Pati yung oras na binasted ako ni Tifa at mas pinili niya si Ace kesa sakin.” Mahal niya si Tifa… pero Tifa, si Ace ang mahal niya. Si Ace, I can feel na mahal din niya si Tifa… Why is it so complicated? Is it the reason kung bakit galit si Jirou kay Ace? Nagpatuloy si Jirou… “Pero may ilang memories ang hindi pa malinaw. Naalala kong nagtatalo kami ni Ace pero hindi malinaw kung anong pinagtatalunan namin. At hindi ko pa talaga alam kung paano ako naaksidente. Wala pa rin akong idea kung sino ako, saan ako nakatira, at kung sino ang pamilya ko…” “Mind if I ask… si Ace and Tifa… sila ba?” “Di ko rin alam. Ang alam ko lang, pinapaiyak niya si Tifa.” Si Jirou… he really cares for Tifa. “Sa tingin mo pa rin ba, mabait si Ace?” bigla niyang tanong sakin “Yes. Sacrifice ang ginagawa niya… and he’s doing it for you.” “Tss. Para saan pa? Huli na ang lahat. Sinasaktan lang niya si Tifa.” Natahimik ako bigla. Hindi ko talaga alam ang sagot. But I don’t want to judge Ace. Nag-fake smile ako. “Talagang mahal mo si Tifa noh?” “Oo…” diretso niyang sagot. Bakit ganun? Bakit ako nakakaramdam ng inggit kay Tifa? No… I can’t be jealous. Kailangan ko ng tumigil sa pagtatanong. “Pero wag kang mag-alala…” dugtong niya bigla “…mas mahal kita.” “Huh?” “Mas mahal kita.” Ulit pa niya habang nakatingin sakin ng sincere. Mas mahal kita. Tama ba yung narinig ko? Dugdug. Dugdug. Dugdug. Eto na naman… Ang lakas at ang bilis ng heartbeat ko! And I can’t stop blushing! I-I don’t know what to say… How should I react? Hindi nga ako makakilos sa pagtitig niya sakin eh. ANO BANG NANGYAYARI SAKIN?!! “Nayumi…” “Ta-tara ng umuwi.” Sabi ko tapos ay tumayo agad ako para pumunta kay Manong Fred. Sigh. Bakit ba ko nagstutter kanina? Ano ba tong nangyayari sakin? I’M GOING CRAZY. Chapter 10 - Bestfriend “Tricia I need your help. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.” “Why? What happened?” Kung may lugar man na maraming ordinaryong tao na pwede akong puntahan ng hindi ako nagtatago or nagdi-disguise… yun ay ang school na pinapasukan namin ni Tricia. May ilang celebrities rin kasi ang pumapasok dito at normal na lang yun sa mga students dito. At hindi rin sila masyadong naniniwala sa mga showbiz issues. “So Nayumi… ano bang nangyari? Bakit napasugod ka dito?” tanong ni Tricia “I think I’m going crazy. Si Jirou kasi-” “Wait!” putol niya sakin “Oh gosh!” “Wha-what?” nagulat naman ako kay Tricia “Nayumi! Hindi ko na siya nakikita! Hindi ko rin siya nararamdaman!” “Wait, ano ba yun? Ba’t ka nagpapanic?” “Si Jirou, hindi ko na siya nakikita!” “Relax ka nga lang Tricia. Hindi mo talaga siya makikita kasi hindi ko kasama.” “Eh?” bigla naman siyang napatigil “Well that’s better. Akala ko kasi hindi ko na siya nakikita, then naisip ko makakalimutan ko na siya.” “Makakalimutan?" “Oo parang si manong Fred, nakakalimutan niya rin si Jirou agad.” Napaisip naman ako bigla sa sinabi ni Tricia. “Teka ba’t hindi mo nga pala kasama si Jirou?” “Ha? Eh… Naiwan siya sa hotel.” “Pumayag siyang magpaiwan?” “Tinakasan ko siya.” “What? Bakit?” “Yun nga eh… kasi pag kasama ko siya para kong mababaliw.” “Ha?” “Pagkasama ko siya hindi ko macontrol yung feelings ko. Ang bilis kong madala sa mga paglalambing niya. Nagseselos ako when he cares too much for Tifa. Pati sa pagtulog ko nasa dreams ko siya. Tapos bigla na lang bumibilis ang heartbeat ko pag naiisip ko siya. Feeling ko lagi niya kong pinagmamasdan o kaya pinapanood niya ko habang natutulog. Para na kong paranoid.” “Base sa sinasabi mo, does it mean… nagkakagusto ka na kay Jirou?” “Hindi.” I said firmly. Huminga ako ng malalim. “…I mean… oo pero, hindi pwede. Alam natin pareho yun.” “Eh ano ng balak mo?” “Hindi ko alam. Hindi ko nga rin alam kung paano ko magrereact noong sinabi niya sakin na mahal niya ko.” Biglang na-excite si Tricia. “Sinabi ni Jirou na mahal ka niya?!” “Ewan. Yun ang narinig kong sinabi niya pero… I’m not really sure. Naguguluhan na ako. Tell me Trish, possible ba na magkagusto pa ang tao sa multo?” “Umm… ilang beses pa lang naman akong nakakita ng ghosts eh. And wala pa kong na-encounter na ganyan.” Napahinga na lang ako ng malalim. “Pero Nayumi tandaan mo, ang mga ghost ay nandito lang dahil meron pa silang unfinished business. Pero once na nagawa na nila ang dapat nilang gawin, kailangan na nilang pumunta sa dapat nilang puntahan. In Jirou’s case, wala siyang memory sa kanyang past pero pag naalala na niya yun lahat……” “…kakailanganin niya ring umalis.” Dugtong ko sa sinabi ni Tricia. “Kung talagang mahal mo na si Jirou, wala na tayong magagawa. Basta maging handa sa lahat ng possible na mangyari sa huli.” Right. After all, iiwan niya rin naman kami in the end. “Tricia… ayako pang bumalik sa Laguna. Pwede bang dito muna ko?” “Syempre naman. Tara sa condo, doon tayo magbonding.” “What about your classes?” “What is college kung walang cutting classes. Hahaha. Di ko naman ikamamatay ang pagabsent paminsan-minsan. And bestfriend ko ang humiling kaya dapat i-grant ko.” “Aww. Thanks talaga Tricia. Salamat lagi kang nasa tabi ko.” So ayun, nagpunta kami ni Tricia sa condo niya at doon nagpalipas ng oras. . . . Pagbalik ko sa hotel, tahimik akong pumasok sa room ko. Nasaan kaya siya? Sana hindi siya galit… Baka pag nakita niya ko ngayon pagalitan agad ako nun. Biglang bumulaga sakin si Jirou at… MAHIGPIT niya kong niyakap. “Nayumi!” Nagulat ako pero may napansin ako. Tumatagos siya sa pader at sa iba pang bagay, pati sa ibang tao pero… ako, nagagawa niya kong hawakan at yakapin. Habang yakap niya ko ramdam kong malamig siya. It feels weird, but I like it. Humiwalay siya sa pagyakap sakin “Saan ka ba nagpunta? Bakit hindi ka man lang ba nagsabi sakin na aalis ka? Alam mo bang alalang-alala ko sayo… Akala ko…” “Akala mo tinakasan na kita?” biro ko pero serious pa rin siya “Akala ko hindi na ulit kita makikita.” Sabi niya Kita kong nag-alala talaga siya sakin. He really cares for me. Ibig sabihin totoo din kayang… mahal niya ko? “Wag mo na ulit gagawin yun.” “Ang pagpunta kay Tricia?” “Ang pag-alis ng hindi man lang nagpapaalam.” “Uh… okay. I’m sorry pinag-alala kita.” “Hindi kita pipigilan kung gusto mo ng umalis pero… at least magpaalam ka sakin.” “Okay.” Pagkatapos nun ay hindi na ulit kami ng usap hanggang gumabi. Chapter 11 – Special Someone Kinabukasan dumeretso agad ako sa Manila for an interview para linawin na ang issue tungkol sa amin ni Chace. Syempre kasama ko rin si Jirou pero tahimik pa rin siya at hindi pa rin kami masyadong naguusap. Backstage… “15 minutes na lang magla-live na… ready ka na ba Nayumi?” tanong ng manager ko. Nag-nod naman ako. But the truth is kinakabahan talaga ako. What if may mali akong masabi? What if ma-missinterpret nila ko? Isang mali lang masisira ang career ko. Gosh.. sino ba naman ang hindi kakabahan. “Wag kang kabahan, magiging okay ka lang.” sabi ni Jirou Nginitian ko lang siya. “Nayumi!” napatingin naman ako sa tumawag sakin na nakatayo sa likuran ni Jirou “Nash!” tapos ay tumakbo ako sa kanya at hinug ko siya “Akala ko di ka pupunta eh.” “Kamusta ka?” tanong niya “I’m nervous.” pag-amin ko “Maging totoo ka lang.” sabi ni Nash “Basta kahit anong mangyari, nandito naman ako eh.” Thankful talaga ko at dumating si Nash. Kahit papaano nawala ng konti yung kaba ko. “Miss Nayumi standby nalang po kayo.” sabi sakin ng isang staff tapos saka ko lang napansin na nakatingin pala sakin si Jirou. “Tara na.” sabay alok sakin ni Nash ng kamay niya. Humawak naman ako kay Nash, comfortable kasi ako pag nasa tabi ko siya. Tapos ay naglakad siya ng diretso, akala ko lalapitan niya si Jirou pero tumagos lang si Jirou kay Nash. So hindi pala nakikita ni Nash si Jirou… Gusto ko mang kausapin muna si Jirou, ayoko naman basta bumitaw kay Nash lalo’t magsisimula na ang program. “Ngayon ay may makakasama tayong isang pretty lady, let’s welcome her… ang model na si Nayumi Anderson!” sabi ng host Nagpalakpakan naman ang studio audience at nagpunta na ako sa stage. “Hello.” bati ko sa host “Hello po sa inyo.” bati ko naman sa camera habang nakasmile “Welcome sayo Nayumi.” bati niya sakin “…and congratulations pala, nakakuha ka ng award international diba?” “Yes. Isa ako sa napili na representative ng country sa international modeling competition. And thankfully nakakuha ako ng award.” sagot ko “So aside sa pagsali sa competitions, model ka rin ng isang brand ng clothing line…” sabi niya. Of course hindi niya pwedeng sabihin mismo ang Elise apparel. “…and kasama mo si Chace Padilla.” Okay, ito na… nagstart na niyang banggitin si Chace. “Yes. Image model ako ng isang apparel, pero lately lang kami nagkasama ni Chace.” sagot ko “Kamusta ang makatrabaho ang isang Chace Padilla? Marami ang nagsasabi na suplado daw si Chace.” “Okay naman. For me hindi naman siya suplado, tahimik lang siya at mukhang serious pero mabait siya and palabiro din.” sagot ko “Yieeh.” Biglang nagreact ang audience. Wow. Para naman kaming loveteam nito. “Ayan kinilig ang audience natin.” sabi niya “Alam mo marami kasi talaga ang nagtatanong, ano kayo ni Chace?” “Friends kami ni Chace.” sagot ko “Magkaibigan din kasi yung managers namin kaya madalas nagdi-dinner kami sa labas.” “So parang group date.” paglilinaw niya “So malinaw na po ang lahat. Friends lang sila ni Chace.” sabi niya sa camera At last nasabi ko na. Makakahinga na ko. “Friends lang kayo ngayon, pero may chance ba na…” biro niya “Yieeh.” nagreact na naman ang studio audience. Natawa nalang ako. Ano ba naman sila… hindi kami pwede ni Chace. “Oh bakit? May magagalit ba? O may special someone ka na?” biro niya ulit Special someone? Wala namang magagalit, pero… Napatingin ako kay Nash. Nakatingin lang siya sakin, pati si Jirou na nakatayo sa tabi niya ganun din. Tama… kailangan ko lang maging totoo, magiging okay din ang lahat. Isa pa nandyan sila Nash at Jirou. Huminga muna ako ng malalim… “Actually, YES. There is.” sagot ko at syempre nagreact na naman sila “So meron nga. Nandito ba siya? Parang may titignan ka sa backstage eh.” tapos lahat sila nagtinginan sa may gilid ng stage “But anyways salamat sa pagbisita mo dito Nayumi and sana po ay nalinawan na tayo. Sa susunod po ay si Chace Padilla naman ang bibisita satin. Salamat ulit Nayumi.” sabi ng host “Thank you din po.” sagot ko After ng interview, umalis na din si Nash at si Tricia naman ang dumating. “Nayumi! Sorry hindi ako umabot.” sabi ni Tricia habang papalapit siya samin. “Okay lang. Dumating naman si Nash.” “Si Nash? Nasaan siya?” tanong ni Tricia “Kaalis niya lang eh. Sayang di mo inabutan.” “Anong sabi niya kay Jirou?” curious niyang tanong. Napatingin kami pareho kay Jirou na nakatingin lang din samin “Hindi niya nakikita si Jirou eh.” sagot ko “Ah… so tara ng umuwi. Sa amin muna tayo tumuloy. Okay lang?” tanong ni Tricia “Sayo Jirou okay lang?” “Ha? Okay lang.” sagot niya Hindi muna kami umuwi sa hotel, instead dun kami matutulog sa bahay nila Tricia pero sa Sta. Rosa lang din naman, malapit lang din sa hotel. Kaya ako pumayag kasi ayokong maiwan na naman kami ni Jirou ng magkasama. Hindi ko kasi alam kung galit siya sakin o ano. Ako naman naiilang pa rin sa kanya. Eh kasi naman eh… nakakabaliw talaga! Bahay nila Tricia… Lumapit sakin si Tricia. “Nasan si Jirou?” “Nasa loob nanonood ng tv.” sagot niya “Iniiwasan mo pa rin ba siya hanggang ngayon?” Napayuko lang ako sa tanong niya. “Eh diba inamin mo na…” sabi ni Tricia “…napanood ko yung interview mo kanina. Sinabi mo na may special someone ka, diba siya yon? Bat naiilang ka pa rin?” “Siya kasi eh…” sagot ko na parang nagmamaktol na bata “…ang serious niya bigla tapos parang galit lagi kung tumingin.” “Kasi nga iniiwasan mo. Alam mo matulog tayo, gabi na eh.” sabi niya Habang paakyat kami ng kwarto nakasalubong namin si Jirou. “Magpapalipas ba tayo dito ng gabi?” seryoso niyang tanong “Oo.” si Tricia ang sumagot “Magkasama kami sa room ni Nayumi tapos ikaw Jirou dun sa guest room sa tabi ng room namin.” Hindi na siya sumagot. “Good night Jirou.” sabi ni Tricia “Good night.” sabi ko tapos ay iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya . . . Saan pupunta si Jirou? Bakit ayaw niyang tumingin kahit tinatawag ko na siya? Saan siya pupunta? Ang layo na niya… Jirou? Hindi ko na siya makita. Iniwan niya na ba ko? Hindi pwede! Hindi ko pa nasasabing… Bigla akong nagising. Gosh. Bad dreams na naman. Napatingin ako sa orasan, 12:10am na pala. Tumayo ako sumilip ako sa guest room kung saan natutulog si Jirou, pero… bakit wala siya sa kwarto? Tinignan ko rin yung isa pang guest room pero wala rin siya dun. Bumaba ako sa may living room pero wala rin siya. Bigla ako kinabahan. “Tricia… Tricia wake up.” “Bakit? Madilim pa Nayumi.” “Nawawala si Jirou.” nagpapanick kong sabi “What?!” nagising na rin siya ng todo Hinanap namin siya sa lahat ng rooms pero wala siya. Wala rin siya sa labas ng bahay. Nasaan na ba siya?? “Nasaan na ba siya?” I just hope na hindi totoo yung nasa dreams ko “Wala naman siyang ibang mapupuntahan.” sabi ni Tricia Bigla kong naisip… “Sa hotel.” “Oo nga, malapit lang yung hotel niyo dito. Wait, tatawag ako sa hotel.” tapos ay umakyat siya para kunin yung phone niya Ako naman ay tumakbo agad palabas ng bahay. “Nayumi? Saan ka pupunta?! Delikado nang lumabas ngayon! Nayumi!” sigaw sakin ni Tricia pero diretso pa rin ako Please Jirou… wag kang mawawala. Chapter 12 – Jirou is missing! “Nayumi? Saan ka pupunta?! Delikado nang lumabas ngayon! Nayumi!” sigaw sakin ni Tricia pero diretso pa rin ako Hindi ko kayang mag-antay lang… hahanapin ko siya. Walang dumadaan na taxi o kahit anong sasakyan kaya diretso lang ako sa pagtakbo. Please. Please… Hindi pa naman nabalik lahat ng memories niya ah… Sabi niya pag bumalik ang memories niya, saka lang siya makakaalis ng tuluyan. Hindi kaya may limit lang nag pagstay niya dito sa mundo? O kaya ginusto niya talagang umalis? Dahil ba nagalit siya sakin? Dahil iniiwasan ko siya? No. Hindi pwede… HINDI PA SIYA PWEDENG MAWALA. Dahil sa kung ano-anong naiisip ko. Hindi ko na napigilang umiyak. Para na kong baliw dito sa daan na nagtatatakbo habang umiiyak. Ang sakit na din ng mga paa ko. *sniff* Jirou. *sniff* Jirou… Bakit ba kasi umiwas pa ko? Bakit ba kasi itinago ko pa? Sana… Sana sinabi ko sa kanyang… “Nayumi?” Napatingin ako sa nagsalita na papalapit sakin. “Ji-Jirou?” sabi ko Tumigil siya sa harapan ko. “Bakit nandi-” may sinasabi pa siya pero tumakbo agad ako at niyakap siya. “Akala ko nawala ka na…” sniff “…akala ko iniwan mo na ko… akala ko…” sniff “akala ko… hindi na kita makikita ulit.” sabi ko habang umiiyak “Ibig sabihin hinahanap mo pala ako?” Bumitaw ako sa pagyakap sa kanya pero di ko pa rin mapigil na umiyak. “Nagalala ko na iniwan mo ko dahil galit ka sakin. Sorry kung lately iniiwasan kita, naguguluhan pa kasi ako eh. Promise hindi ko ulit gagawin yon. Basta i-promise mo rin na hindi ka na ulit biglang mawawala… hindi ko kasi kakayanin.” “Sorry kung pinagalala kita. Hindi ko naman kasi alam na mapapansin mong wala ako eh.” sabi niya . . . Noong medyo okay na ko bumalik na kami sa bahay nila Tricia. And of course sinermonan niya kami ni Jirou. “Nayumi! Jirou!” sabi niya makita niya kami “Nag-alala ko sa inyo. Lalo ka na Nayumi, anong naisipan mo ang lumabas ng bahay?? Hating gabi na tapos mag-isa ka pa. What if may mangyari sayo?? Pati ikaw Jirou. Bakit ba kasi bigla ka na lang nawawala?? Tinataranta mo kami eh. Hayy… nakakaloka kayong dalawa. Pati ako magkaka-eyebags sa inyo. Matulog na nga tayo.” Grabe hindi man lang kami nakapagsalita. “Matulog ka na rin. Kaya ang putla mo na eh, kulang ka sa tulog.” sabi niya “Hindi ako maputla, maputi talaga ako…” sagot ko. Talagang inasar pa ako eh. “Tsaka… nawala na yung antok ko eh.” sabi ko tapos ay naupo muna kami sa labas “Saan ka ba nagpunta? Bakit bigla kang umalis?” serious kong tanong “Sa hotel.” Sa hotel? “Bakit?” “Umm… di ko rin alam eh. Basta kahit saan ako magpunta, bumabalik at bumabalik pa rin ako dun hotel. Kahit nasaan pa ako, pagpatak ng alasdose ng hating gabi, bigla nalang akong napupunta sa hotel… at nakatayo sa harap ng kwarto mo. Laging ganun.” explain niya “You mean… kaninang 12:00 bigla kang napunta sa hotel?” Tumango siya “Pabalik nako dito kina Tricia noong makasalubong kita.” “Bakit hindi mo agad sinabi?” Kaya pala tinatanong niya kung dito kami magpapalipas ng gabi. “Akala ko wala lang sayo eh.” biro niya Wala lang sakin?! Eh para na nga akong baliw kanina sa daan na natakbo habang umiiyak. Ayan, naiiyak na naman ako. Napansin niya siguro na hindi ko sinasakyan yung biro niya kaya nagseryoso na rin siya. “Ayoko kasing mapilitan kang bumalik ng hotel.” sabi niya “Alam kong hindi ka komportableng kasama ako.” Ibig sabihin napansin niya ngang iniiwasan ko siya. “Ang weird diba?” bigla niyang sabi “Pag patay ka na, hindi mo na makontrol ang mga bagay bagay, kahit ang sarili ko mismo.” “Kahit naman buhay pa, hindi mo pa rin makokontrol ang lahat… tulad ko. Hindi ko naman nakokontrol ang mga nangyayari sakin… tulad ng pagdating mo. Mula ng makilala kita ang daming nagbago. I’m afraid of ghosts pero may kasama akong isa. Ang dami kong ginawa na never ko pang nagawa, like stalking, trespassing and made up stories. Yung nangyari sayo, pati yung nangyari sakin… pareho nating hindi kontrolado pero nangyari. Kahit nga ang nararamdaman ko… weird nga siguro pero… gusto na kita eh.” Medyo nagulat siya sa huli kong sinabi. “Ang totoo naguguluhan pa rin ako… pero, basta! Special ka na sakin.” dugtong ko Napangiti naman siya. “Gusto mo ko? Kahit multo lang ako?” tanong niya “Oo.” “Kahit hindi ako nakikita ng ibang tao? Kahit kaya kong tumagos sa pader?” “Oo.” “Kahit kaya kong pumasok sa kwarto mo at panoorin kang matulog?” “Oo. Teka, ginagawa mo yun?” “Kahit mahal ko si Tifa…” “Ha?” Akala ko ba-“…dati.” dugtong niya “Selos ka naman agad. Mas mahal kita.” “Kainis ka.” “Kahit naiinis ka sakin?” tanong niya ulit “Ang kulit mo.” “Kahit nakukulitan ka sakin?” “Oo nga.” nakukulitan na talaga ko sa kanya “Kahit…” bigla siyang naging serious “…nagtataksil ka kay Nash?” “Nagtataksil? Kay Nash??” nagulat ako sa sinabi niya “Wa-wait, mali ka yata ng intindi Jirou… Hindi ko boyfriend si Nash.” “Hindi?” “Younger brother ko siya.” natatawa tuloy ako kay Jirou “Kapatid mo? Akala ko ba patay na yung kapatid mo…” nagtatakang tanong niya Yeah, sinabi ko nga yun sa kanya noong nagpicnic kami [Chapter 4] “Oo nga, tapos adopted naman si Nash. Death anniversary ng kapatid ko ng makita namin si Nash(original name niya is Marco) sa isang ampunan. Malaki ang resemblance niya sa brother ko kaya napagdesisyunan nila ma at dad na i-adopt siya, then pinalitan namin ang name niya ng Nash.” Napatango na lang si Jirou. Nakakatawa lang talaga na napagkamalan niyang bf ko si Nash. “Teka don’t tell me nagseselos ka kay Nash?” pangaasar ko naman sa kanya “Ha? Hinde ah. Bakit ako magseselos eh kapatid mo yon.” sagot niya “Liar.” sabay dila ko sa kanya “O sige. Kahit seloso ako?” dagdag niya pang tanong “Kahit seloso ka, kahit makulit ka, kahit lagi mo kong iniinis, kahit minsan iniiwan mo ko, kahit pumapasok ka sa kwarto ko ng hindi ko alam…” sagot ko “…Kahit kakaiba ka. Kaya ka nga special eh.” Bigla niya kong niyakap. Kahit hindi siya nakikita ng ibang tao at kahit tumatagos siya sa ibang bagay… Masaya ako kasi nagagawa ko pa rin siyang yakapin. Sa mga nangyayaring hindi ko maipaliwanag… sana possible rin na mabigyan ng chance si Jirou… at ako. Sana… Chapter 13 – The Date Today… kami ni Jirou… ay may DATE. And I’m excited about it. Yay! Ganito pala yung feeling… Yung makakasama ko siya tapos yung time na yun ay para sa amin lang dalawa at hindi ko muna iisipin ang iba. Sweet~ “Saan kayo pupunta?” nagtatakang tanong ni Tricia “Hindi pa namin sure pero dyan lang sa malapit.” Confused pa rin si Tricia… “Alam niyo may kakaiba sa inyong dalawa. May namiss ba ako kagabi?” “Kagabi? Wala naman. Kaninang madaling araw siguro may konti.” pabirong sagot ni Jirou “Teka nga-” “Wag kang mag-alala Tricia, mag-iingat naman ako eh. Hindi ako pupunta sa mga crowded places. Ikaw muna ang bahala kay Naru ha?” putol ko kay Tricia “Naru magpakabait ka…” sabi ko naman kay Naru sabay pat ko sa head niya “Bye bestie.” “Okay, fine. Jirou ingatan mo ang bestfriend ko ha…” paalam ni Tricia “Lagi naman eh.” sagot ni Jirou Tapos ay naglakad na kami paalis para di na makapagtanong pa si Tricia. Pag nagtanong kasi siya, daig pa ang nasa talkshow. “Alam mo nagseselos na talaga ako dyan sa pusang yon.” bigla niyang sabi “Bakit? Dahil si Ace ang nagbigay kay Naru?” “Oo.” diretso niyang sagot “At saka…” “May other reason pa?” “Masyado mo kasing inaalagaan yung pusang yon. Pag umaalis ka, lagi mong ipinagbibilin. Samantalang ako, iniiwan mo lang basta. Mas maraming attention pa ang binibigay mo sa pusang yon eh.” sagot niya “Wag mo siyang tawaging ‘pusang yon’… may name siya… NARU.” “Ang weird kaya ng name… Naru? Ano yun?” pang-aasar niya Napatigil ako sa paglalakad tapos sumimangot ako. “Oh bakit?” tanong niya “Galing kaya sa pinagsamang names natin yung name ni Naru…” sabi ko “… NAyumi plus JiRoU… kaya Na-Ru.” “Ha? Ah… ganun ba…” Biglang hinwakan ni Jirou yung kamay ko… tapos ay naglakad na ulit kami “Eh di para palang… anak natin siya.” sabi niya “Huh?” “Pinagsama mo yung names natin eh… edi parang baby pala natin siya.” “Pfft.” natatawa tuloy ako sa kanya… “Oh bakit ka natatawa?” “Wala lang.” … bigla nalang siyang naging sweet kay Naru. Tapos naisipan namin na pumunta sa isang ‘lakeside park’ dito… Minsan na kaming nagpunta nila Tricia at Nash dito, at nagustuhan ko talaga yung place. Eco-friendly kasi, maganda ang view, tahimik at pwedeng mag-unwind. Naglakadlakad kami tapos may nakita kaming mga cosplayers na parang nagfufund raising. Nakakatuwa nga sila eh, ang cute tapos in character talaga sila. Pati si Jirou natuwa ring panoorin sila. Pagkatapos ay pinanood namin yung mga nakasakay sa boat, tapos ay nagpakain din kami ng mga isda. Simple lang ang mga ginawa namin pero mas gusto ko talaga yung ganitong type ng relaxation. Naupo kami ni Jirou sa grass sa tabi ng lake at saka ulit nagkwentuhan. “Curious lang ako. Di ba dati gusto mo si Tifa? Eh bakit hindi mo siya niligawan?” tanong ko sa kanya “Bakit mo gustong malaman, nagseselos ka pa rin?” pangungulit na naman niya “Hindi noh.” sabay dila ko sa kanya “Serious na… bakit nga?” “Eh kasi gusto rin ni Ace si Tifa.” “Kung iniisip mo si Ace, eh bakit galit ka sa kanya?” “Ewan ko… wala pa akong naaalala sa kung bakit ako galit sa kanya. Basta naiinis ako pag nakikita ko siya at pag pinapaiyak niya si Tifa.” “Ang complicated naman… May gusto ka kay Tifa, ganun din si Ace. Si Tifa may gusto din kay Ace, pero hindi sila pwede… ayaw ni Ace dahil alam niyang may gusto ka rin kay Tifa. Pero kahit nagsasacrifice si Ace, galit ka pa rin sa kanya.” Ang gulo diba? Kahit ako nahihirapang i-analyze ang situation nila “Bakit ka kaya galit kay Ace? And bakit kaya sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari sayo? Pati si Tifa ganun din, she’s also blaming her self. Ano kayang nagyari?” “Siguro kasi may kulang pa… may hindi pa ako naaalala. Silang mga kaibigan ko pa lang ang naaalala ko, sa pamilya ko wala pa.” sabi niya Oo nga pala… Paano kaya namin makikita ang parents ni Jirou… Hinigpitan ni Jirou ang hawak niya sa kamay ko. . . . Silence… “Bakit ang tahimik mo?” tanong niya “Wala naman… napaisip lang ako…” “Hmm?” “Nahahawakan kita, nayayakap kita… kahit hindi ka nakikita ng iba at kahit tumatagos ka sa mga bagay, pag hawak kita… nararamdaman kong totoo ka. Iniisip ko lang kung anong pakiramdam kapag…” “Kapag?” ulit niya “…kapag…” napatingin ako sa lips niya tapos bigla akong nagblush “…WALA.” Napahawak ako sa pisngi ko “Ano ba naman tong mga naiisip ko. Ano ba yan Nayumi! Gumising ka nga!” sabay tinapik-tapik ko pa yung pisngi ko “…kapag hinalikan kita?” pilyo niyang sabi sabay lapit niya sakin “Lumayo ka nga, naiinitan ako sayo.” sabi ko habang pinapaypay ko yung kamay ko sa sarili ko “Bakit hindi mo alam? Di mo na ba naaalala yung dati?” sabi niya “DATI??” napatingin naman ako sa kanya “Don’t tell me… ninakawan mo ko ng halik habang natutulog ako?!” “Oo. Pero sa forehead mo lang naman.” sagot niya “Ang cute mo kasing matulog eh… kaya ayun.” Huh? Ah parang naaalala ko na… (Chapter 3) …noong nahuli kong pinapanood niya kong matulog. So ibig sabihin pala, first meeting palang namin crush na niya ko. “Pero gusto mo talagang malaman?” Bigla niyang binalik yung usapan about sa kiss. Well, YES. Pero nahihiya ako. Hindi ako nag-answer…. …kasi hindi ko alam ang i-aanswer. Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sakin… I closed my eyes… . . Ang lakas ng tibok ng puso ko!! . . Gosh… Nararamdaman kong… ..malapit na siya sakin. . . . “Nayumi?” Napamulat ako bigla at napatingin sa tumawag sakin. Si… “Tiffany.” “Tifa?” nagulat din si Jirou. “Anong ginagawa mo?” tanong ni Tifa “Ha?” bigla ako natauhan “Ah… ako?” Napatingin ako kay Jirou. “Ah, wala naman.” Pumikit ulit ako at nag-inhale-exhale “Nagpapahangin lang. Fresh air dito eh… hehe.. Alam mo na.” Mabuti na lang at hindi nakikita ni Tifa si Jirou, kundi nakakahiya. >_< “Ikaw?” tanong ko sa kanya “May project kami ng mga classmates ko. Dito kami magme-meet. Medyo napaaga ako eh.” “Ah…” “Pwede bang tumabi?” tanong niya “Yeah, sure.” sagot ko naman “Sorry nga pala last meeting kung bigla na lang akong umalis. Emergency kasi talaga eh.” Nagsmile siya sakin, ang amo talaga ng mukha niya “Okay lang yun.” sabi niya tapos tumungo siya “Tungkol nga pala sa sinabi mo dati…” Dati? May nasabi ba ko sa kanya noong huli naming meeting? “…Kilala mo si Jirou?” “Sabihin mo kaibigan mo ko.” sabi sakin ni Jirou “Magkaibigan kami.” sagot ko “Ang dami ko na pala talagang hindi alam kay Jirou.” malungkot niyang sabi “Paano pala kayo nag kakilala?” “Sabihin mo nagkakilala tayo dun sa hotel.” sabi sakin ni Jirou “Umm… Last year nagpunta rin akong Laguna, tapos magkatabi yung rooms namin sa hotel. Doon kami nagmeet. ” sagot ko. Medyo modified na yung kwento pero based pa rin naman sa first meeting namin eh. “Huhulaan ko… siguro noong makita ka niya, nagandahan siya sayo tapos kinulit ka niya at sinundan ka niya na parang stalker.” biro ni Tifa Tama yung hula niya “Right! I mean, medyo parang ganun nga.” “Teka hindi kita sinundan dahil nagandahan ako sayo.” singit ni Jirou “Nagandahan ako sayo pero hindi yung ang dahilan.” Hindi ko muna pinansin si Jirou. “Ganun kasi talaga si Jirou. Makulit saka ayaw magpatalo, pero masayang kasama.” sabi ni Tifa “Sayang nga lang…” bigla na naman siyang natahimik “Teka... alam mo na ba yung nangyari kay Jirou?” tanong niya Napatingin lang ako sa kanya. Hindi ko naman alam ang isasagot ko eh… “Ang totoo hindi ko masyadong alam ang details.” “Naaksidente siya last year and-” biglang nagring yung phone niya “Excuse lang Nayumi.” tapos sinagot niya yung tawag “Hello. Nandito na ko, nasan na kayo?” tapos napatingin siya sa malayo “Okay. Okay. Pupunta na lang ako sa inyo. Bye.” tapos ay humarap ulit siya sakin “Sorry Nayumi nandito na kasi yung mga classmates ko eh. Uuna na ako kasi baka pag nakita ka nila maistorbo ka pa nila eh. Ibibigay ko nalang sayo yung address ng parents ni Jirou para pag may gusto kang malaman sa kanya.” Pumunit si Tifa ng papel sa notebook niya then isinulat niya dun yung address at binigay niya sakin. “Here.” “Uh… Thanks.” “Salamat din sayo. Bye.” tapos ay iniwan na niya kami ni Jirou “Tama ba ang narinig ko? Address daw to ng bahay ng parents mo.” Napatingin din si Jirou sa hawak kong paper “Yun din ang dinig ko eh… address daw ng parents ko.” Chapter 14 – The Intruders “Gusto ko sanang sumama kaso may classes ako today. Sorry talaga Jirou kasi wala akong masyadong nahe-help.” sabi ni Tricia “Okay lang yon.” si Jirou “Malaki na natulong mo sakin. Basta alagaan mo ang baby namin ha…” “Baby?” ulit ni Tricia tapos tinignan niya ko ng nakakaloko “Okay, ako na ang bahala sa ‘Baby Naru’ niyo.” emphasizing ‘Baby Naru’ Kahit di ko iexplain kay Tricia, alam kong gets na niya yung samin ni Jirou. “Don’t worry after class babalik ako dito para malaman ang updates. Kwentuhan mo ko Nayumi ha.” “Okay. Wish me luck.” . . . . . “Sigurado ka ba Jirou?” tanong ko “Oo. Pumasok ka na tayo.” Gosh talaga. Bakit ba hindi ko binibigyan ng second thought ang mga pinasok ko?? We’re here na kasi sa harap ng bahay nila Jirou. Base ito address na binigay sakin ni Tifa kahapon. “What if makita tayo ng guard? Baka akalain niya magnanakaw tayo.. I mean, ako. Hindi ka naman nila nakikita eh.” “Cool ka lang. Wala ngang bantay oh…” sabi niya tapos ay binuksan niya yung gate at pumasok siya sa loob. Syempre sumunod naman ako. Tapos ay dumaan kami sa may gilid ng bahay hanggang nakarating kami sa garden. “Oh my God! I can’t believe I’m doing this. This is trespassing.” sabi ko Ano nang mangyayari sa sakin pag napabalita na nagtrespass ako bahay ng iba?! What will happen to my career? Pano na ang dreams ko? Hayy… Di ko kasi talaga kayang tiisin itong si Jirou… love ko eh. “Shhh… Wag kang maingay. Ikaw din… pag natunugan nila tayo, ikaw lang ang mahuhuli. Hindi nila ako nakikita tandaan mo?” saway niya sakin “Hahayaan mo lang na mahuli nila ko?” “Syempre hindi noh. Tatakutin ko sila… Multo yata ako.” Bigla kaming nakarinig ng nag-uusap kaya nagtago kami sa mga halaman. May nakikita akong dalawang tao sa loob na naguusap… Parang may problem sila… “Babalik na ko sa Manila. Hindi ko pwedeng pabayaan ang business natin dun. Sasama ka ba?” sabi nung lalaki. “No. Dadalawin ko si Jirou.” sagot naman nung babae Sila kaya ang… “Ma…” narinig kong sabi ni Jirou habang nakatingin lang siya sa kanila So, sila nga ang parents ni Jirou… “You’re just wasting your time Isabel. Kahit araw-araw mo siyang puntahan, wala ka ng magagawa.” sabi ng dad niya “Andrew anak ko siya, anak natin. How can you say those words?” galit na sagot ng mom niya “I’m just telling the truth. Tanggapin na natin ang nangyari sa kanya. Wala na tayong magagawa. Hindi na natin siya maibabalik pa.” Isang malakas na slap ang binigay ng mom ni Jirou sa dad niya. Nagsimula na rin siyang umiyak. MALI SIYA!! Dahil bumalik si Jirou… at kasama ko siya ngayon. Kahit ako naiiyak na rin.. Totoo ang sinabi ng dad ni Jirou, wala na kaming magagawa sa nangyari kay Jirou, pero… Pero.. Tulad ng mom ni Jirou, kahit ako nahihirapan din tanggapin. Wala na si Jirou sa kanila… and anytime, pwede rin siyang mawala sakin. “Bakit Ganyan ka?” sabi ng mom niya while crying “Ikaw ang dahilan kung bakit siya naaksidente. Masyado mo siyang pine-pressure. Ang dami mong hinihingi sa kanya. Kung nakita mo lang, he’s trying! Pero ano? Puro mali na lang niya ang nakikita mo. Lagi mo pa siyang kinocompare kay Ace. Kaya naman wag ka ng magtaka kung bakit hindi na siya nag-eeffort na ma-please ka pa! Ikaw ang dahilan kung bakit nangyari ito sa kanya. Ikaw Andrew!” Umiiyak pa rin ang mom ni Jirou. Tumalikod siya at aalis na sana… “Alam ko yon. At walang oras o araw na hindi ko sinisisi ang sarili ko sa nangyari sa anak ko. I’m sorry Isabel… sorry.” Tumakbo yung mom ni Jirou sa dad niya at niyakap ito. “Andrew. I miss boy. I miss Jirou.” “I know. I miss my son too.” Aaww… Pinunasan ko yung namumuong tears sa eyes ko. Napatingin ako kay Jirou… “Jirou?” parang natulala siya. “Jirou… Jirou!” “Ha?” “Are you okay?” tanong ko “Okay lang. Halika na, lumabas na tayo.” . . “Pupuntahan ka daw ng mom mo ah. Hindi ba natin siya susundan?” “Wag na… ayokong makita ang puntod ko.” sagot ni Jirou Nagmamadali kaming lumabas sa gate pero ng makalabas kami bigla na lang napatigil si Jirou. “Aggh!” sigaw niya tapos ay napahawak siya sa ulo niya “Jirou, are you okay?” tanong ko agad Hindi ko alam ang nangyayari sa kanya, parang sumasakit ang ulo niya. “Aggh-ARGGH!” sigaw niya lalo at napaluhod na siya “What’s happening? Jirou?! JIROU! Magsalita ka naman Jirou!” [ Jirou’s POV ] “Oh my God! I can’t believe I’m doing this. This is trespassing.” sabi ni Nayumi Ang kulit talaga niya… pero ang cute niya kapag natataranta. Langya, lalo lang akong naiin-love sa kanya. Kahit yan ang sinasabi niya at kahit natataranta siya, alam kong ginagawa niya to para sakin. “Shhh… Wag kang maingay. Ikaw din… pag natunugan nila tayo, ikaw lang ang mahuhuli. Hindi nila ako nakikita tandaan mo?” seryoso kong sabi, pero ang totoo binibiro ko lang siya “Hahayaan mo lang na mahuli nila ko?” Naks. Natuwa naman ako na kahit multo lang ako, kino-consider pa rin niya ko na mag-alaga sa kanya. “Syempre hindi noh. Tatakutin ko sila… Multo yata ako.” Nakarinig kami ng nag-uusap kaya hinila ko si Nayumi sa may mga halaman para magtago. Teka… parang… “Babalik na ko sa Manila. Hindi ko pwedeng pabayaan ang business natin dun. Sasama ka ba?” “No. Dadalawin ko si Jirou.” “Ma…” sabi ko. Wala akong maalala pero alam ko.. siya ang ina ko. At ang lalaking kausap niya… si dad. Pareho ang nararamdaman ko sa kanya kay Ace… GALIT. …pero bakit? Bakit ganito ang galit na nararamdaman ko sa kanya… sa kanila ni Ace? “Bakit Ganyan ka?” umiiyak na si Ma… Dahil ba pareho nilang pinapaiyak ang mga mahal ko? “…Kung nakita mo lang, he’s trying! Pero ano? PURO MALI NA LANG NIYA ANG NAKIKITA MO. LAGI MO PA SIYANG KINOCOMPARE KAY ACE…” Tumatak sakin yung mga huling sinabi ni Ma… Mali lang ang nakikita sakin.. Kinukumpara ako kay Ace.. “Alam ko yon. At walang oras o araw na hindi ko sinisisi ang sarili ko sa nangyari sa anak ko. I’m sorry Isabel… sorry.” sabi ni dad Dad… Ang labo naman oh!… Nagsorry lang siya, unti-unti na ring nawawala ang nararamdaman kong galit. “…Jirou!” “Ha?” nagulat ako sa tawag ni Nayumi “Are you okay?” “Okay lang. Halika na, lumabas na tayo.” . . “Pupuntahan ka daw ng mom mo ah. Hindi ba natin siya susundan?” tanong niya “Wag na… ayokong makita ang puntod ko.” Kahit naman makita ko ang puntod ko wala na rin naming magbabago. Hindi naman ako mabubuhay eh. Tss.. Hindi ko alam kung bakit pero pagkalabas namin, bigla na lang sumakit ang ulo ko at para akong nahihilo… “Aggh!” “Jirou, are you okay?” narinig kong tanong ni Nayumi “Aggh-ARGGH!” ang sakit. Ang daming imahe ang nakikita ko. Parang bigla silang pumasok sa isip ko ng sabay sabay at sa sobrang dami parang nahihilo nako. Pumikit ako. Naririnig ko pa rin si Nayumi… “What’s happening? Jirou?! JIROU! Magsalita ka naman Jirou!” Chapter 15 – Lost Memories [ Jirou’s POV ] Ang daming imahe ang nakikita ko. Parang bigla silang pumasok sa isip ko ng sabay sabay at sa sobrang dami parang nahihilo nako. Pumikit ako. Naririnig ko pa rin si Nayumi… “What’s happening? Jirou?! JIROU! Magsalita ka naman Jirou!” Ang mga alaala ko, bumabalik na… Mula pagkabata hanggang sa… flashback: 1 year ago… . . . “Ano ba naman tong mga libro mo puro manga.” sabi ni Ace habang naghahanap ng babasahin “Bro hanggang kelan ba tayo magstay dito sa hotel? Ba’t di na lang tayo umuwi sa bahay niyo?” “Baliw ka ba? Alam mo naman na nandoon si dad eh…” At pag nandoon si dad, siguradong mag-aaway lang kami “Kaya nga sila pumunta dito sa Laguna eh, para bisitahin ang anak nila. Tapos umalis ka naman.” “Babalik lang ako doon pag umuwi na sila sa Manila.” Ba’t ba kasi sila nagpunta dito? Binuksan ko ang wallet ko… wala na pala kong pera. Picture na lang naming tatlo ang laman nito. “Badtrip, wala na kong pera! Naiwan ko pa naman ang mga cards ko sa bahay.” sabi ko… “Jirou, bro… Makipagbati ka na kasi kay tito para hindi tayo ganito. Para di ka na rin nahihirapan.” Di ko iniintindi ang mga walang kwetang sinasabi ni Ace. Kinuha ko yung susi ng motor ko sa drawer at lumabas ako. “Oy oy… san ka pupunta? Bro!” tanong ni Ace pero di ko siya sinagot Bahay namin.. Papunta ako sa kwarto ko para kunin ang mga credit cards ko. Sana lang di pa to kina-cut ni dad. Kapapasok ko pa lang sa living room ng… “Jirou, anak!” Malas. Nakita ako ni Ma. “Ma.” sabi ko tapos ay nilapitan niya ko at niyakap “How are you anak? Miss na kita..” “Okay lang ako Ma..” “Kasama mo ba si Ace? Ba’t di mo sinabi nandito ka?” tanong niya pero di ko na sinagot. Alam naman niyang si dad ang dahilan. “Dito ka na maglunch, magpapahanda nako.” “Ma wag na.” pigil ko sa kanya “May kukunin lang ako. Aalis na rin po ako.” “Kadarating mo lang ah. Saka hindi ka ba-” “Mabuti naman at naisipan mong pumunta dito.” putol samin ni dad Badtrip! Ba’t ba nakita niya pa ko. Asar talaga! Makaalis na nga lang. “Ma, next time na lang.” paalam ko kay Ma tapos ay lalabas na sana ako pero… “Nakausap ko ang dean mo!” humarap ako kay dad “Akala mo ba hindi ko malalaman na halos lahat ng subjects ay binagsak mo?” “Sabi ko na nga ba eh, kaya ka nagpunta dito ay para mag-espiya sakin.” sabi ko “Sa malaman mo, wala ka rin namang magagawa. HAYAAN MO NA LANG AKO!” “JIROU!” saway sakin ni Ma “Hindi kita pinapag-aral sa isang private university para lang magsayang ng pera.” sabi ni dad “Kelan ka ba magseseryoso? Ba’t di mo gayahin ang pinsan mo. Mabuti pa si Ace, wala siyang bagsak. Buti pa ang tito mo, maipagmamalaki siya… Kabaliktaran mo! Sana lang hindi mo siya iniimpluwensyahan.” Si Ace na naman. Lagi na lang si ACE!! “Si Ace lang naman talaga ang magaling sayo eh! Siguro nga iniisip mo na sana siya na lang ang anak mo. Pero pasensya ka, hindi ikaw ang ama niya.” Nakita kong galit na galit siya sakin. “WALA KA NG GALANG!” sasaktan na sana niya ko pero pinigilan siya ni Ma “ANDREW TAMA NA!” “ANO?! SIGE SAKTAN MO KO! TOTOO NAMAN DIBA?! WALA KA NG IBANG NAKITA KUNDI ANG KAMALIAN KO AT ANG KAGALINGAN NI ACE!” Totoo naman talaga eh “KUNG AYAW MO SA ANAK NA TULAD KO, AYOKO RIN NAMAN SA AMANG TULAD MO!” tapos ay tinalikuran ko sila “Jirou, anak!” Iniwan ko sila at nagmotor ako pabalik sa hotel. . . Pagdating ko sa hotel, naabutan kong may kausap si Ace sa cellphone. Naupo ako sa couch at hinagis sa center table ang susi ng motor ko. “Jirou nandyan ka na pala.” binaba niya ang cp niya “Tarang uminom.” yaya ko kay Ace “Jirou tumawag sakin si dad. Pinapauwi na niya ko.” sagot niya “Pati ikaw.” “Bakit? Natatakot din ba si tito na maimpluwensyahan kita?” Tss… pareho lang sila ni dad. Si Ace lang ang iniisip nila. “Sinabi rin ni dad na kung di tayo uuwi, puputulin niya ang allowance ko. Wala tayong ipambabayad sa hotel.” paliwanag niya “Langya! Magkapatid talaga ang mga tatay natin. Pareho nilang pinapanakot satin ang mga pera nila.” “Ayaw lang ni dad na konsintehin ka sa ginagawa mo.” sabi ni Ace “Makipag-ayos ka na kasi kay tito Andrew. Wag ka ng magmatigas…” “Ace kilala mo naman si dad!” putol ko sa kanya “Puro mali lang ang nakikita niya sakin.” “Dahil sinusuway mo siya!” pakikipagtalo niya sakin “Gusto lang naman niyang makitang nagseseryoso ka.” “O sige kampihan mo si dad! Tutal mas gusto ka naman niya eh, kesa sa sarili niyang anak..” “Jirou ano bang nangyayari sayo?” galit na rin si Ace “Wala ka ng ibang pinakikinggan.” “At sinong pakikinggan ko? Ikaw?” “Alam kong mali si tito Andrew. Pero may mali ka rin naman eh!” Pati ba naman si Ace? Sige magsama-sama sila. “Akala ko pa naman kakampi kita.” sabi ko kay Ace tapos ay tumayo ako kinuha ulit ang susi ng motor ko Pati si Ace tinalikuran na ko. Isa na lang ang natitira sakin… “Tifa.” Napaharap siya sakin ng tinawag ko siya. “Jirou? Anong ginagawa-” Bigla ko siyang niyakap. “Teka Jirou. Bakit?” “Hayaan mo muna ako please…” sabi ko habang yakap ko siya ng mahigpit “…kahit saglit lang.” . . . “May problema ba?” tanong ni Tifa “Kung papipiliin ka samin ni Ace, sinong pipiliin mo?” “Teka, magkaaway ba kayo ni Ace?” “Ha? Ah… di naman. Naisip ko lang.” Matagal na kaming magkakaibigang tatlo ni Ace at Tifa. At pareho kami ni Ace na may gusto kay Tifa, pero hindi alam niya alam yon. Nangako kasi kaming dalawa na hindi namin siya liligawan. Maliban na lang kung… …si Tifa ang magsasabi na gusto niya ang isa sa amin. “Pero sino sa amin ang mas gusto mo?” Bigla siyang nagblush. “Gusto?” “Ibig sabihin ko, diba matagal na tayong magkakaibigan tatlo. Pero sino yung mas bestfriend mo sa aming dalawa?” “Parang mas bestfriend? Eh di ikaw. Mas gusto kita.” sabi niya tapos ay ngumiti siya… …Ang maamo niyang ngiti. “Gusto din kita.” “Haha… Oo nga, kaya bestfriends tayo.” sabi niya “HINDE.” madiin kong sabi “GUSTO KITA.” ulit ko Natigilan siya sa sinabi ko. “Gusto kita. Higit pa sa isang kaibigan. Higit pa sa besfriend. Mahal kita… Matagal na.” pag-amin ko “Pero… Jirou… hindi pwede.” “Gusto kita. Di ba gusto mo rin naman ako? Sinabi mo kanina diba?” “Jirou gusto kita, oo! Pero bilang bestfriend lang. Hanggang dun lang. Sorry.” Shet. Ang sakit lang. “Hanggang dun lang. Hhhh!” napangiti ako “Bakit? BAKIT TIFA?!” sigaw ko sa kanya. Gusto ko ng maiyak, langya! Nakita niya sigurong puno ng galit ang mga mata ko… Umiwas siya ng tingin sakin tapos ay napansin kong mahigpit niyang hinawakan ang necklace na suot niya. Yun ang necklace na binigay sa kanya ni Ace noong birthday niya. “Si Ace?” tanong ko “SI ACE BA?!” galit kong sigaw “Jirou wag ka namang magalit.” “Pati ba naman ikaw? LAHAT SILA! Lahat si Ace ang pinili! Ikaw na lang ang natitira sakin.” tumulo na ang luhang kanina ko pa pinipigil “Pero pati ikaw…” “Jirou…” Hinawakan ni Tifa ang kamay ko pero tinanggal ko ito agad Sumakay ako sa motorsiklo ko at pinatakbo ko ito ng mabilis. Si Tifa… PATI SI TIFA SI ACE ANG PINILI! Lalo ko pang binilisan ang takbo ng motor ko. WALANGYA TALAGA YANG SI ACE. Nagtiwala ako sa kanya, akala ko kakampi ko siya, pero tinalikuran niya lang ako. Kinuha na niya ang lahat sakin. Mula kay dad… at pati si Tifa nasa kanya na. Laging siya ang nauuna sakin. Lahat siya ang gusto. Wala ng natira sa akin… Ayoko na… Gusto ko ng umalis… Pwede bang mawala na lang ako… Bigla na lang may lumitaw na container truck sa harapan ko. Nag-preno ako pero masyadong mabilis ang takbo ko para tumigil agad ako. SHIT! Bubunggo ako! Sumuot ako sa ilalim ng truck at… *BLACK* flashback ends… “Aggh!” ang sakit sa ulo “JIROU! JIROU!” si… si Nayumi… Naririnig ko ang boses ni Nayumi. Pagmulat ko, nakita ko agad si Nayumi na umiiyak at alalang-alala sakin. “Nayumi…” “Anong nangyayari sayo Jirou?” nagaalalang tanong niya “Naaalala ko na…” “Ha?” “Naalala ko na ang lahat.” sabi ko “Lahat ng nangyari bago ako maaksidente.” Bigla niya kong niyakap ng mahigpit. “Nag-alala ako sayo. Akala ko kung ano ng nangyayari sayo.” sabi niya habang umiiyak “Wag ka ng matakot…” niyakap ko rin siya “…okay na ko.” Chapter 16.1 16.1 - Reversal [ Nayumi’s POV ] Naaalala na nga ni Jirou ang lahat sa kanyang past. At kinuweto niya sakin ang nangyari sa kanya bago ang kanyang accident. Kaya pala ganun siya kay Ace… I didn’t know na may mabigat palang problem si Jirou dati. And mag-isa niya lang dindala yon. I wish I was there… para may karamay siya, para may magcocomfort sa kanya. Para maramdaman niyang hindi siya nag-iisa. Kung sana mas maaga pa kaming nagkakilala… Si Ace, si Tifa, at ang parents ni Jirou. Sila ang mga taong important kay Jirou… na susi din para maalala niya ang kanyang pagkatao. But now na naremember na niya ang lahat… what will happen next? Hapon na rin at malapit ng dumilim kaya nagpasundo na kami kay manong Fred. “Babalik na po ba tayo sa hotel miss Nayumi?” “Opo mang Fred.” sagot ko Then pinabukas niya ko ng pinto ng car. Pagsakay ko ay sinara na agad niya yung pinto. Teka, hindi pa nakakapasok si Jirou… ang kulit talaga ni manong Fred. “Wait lang po manong, pabukas po ulit.” sabi ko Binuksan naman ulit ni mang Fred yung pinto na parang nagtataka. Pumasok na si Jirou sa loob at tumabi sakin. “Okay na po mang Fred… salamat.” sabi ko pero parang nagtataka pa rin siya. Si manong Fred talaga… Habang nasa byahe, tahimik lang si Jirou. “Okay ka lang?” tanong ko “Ha? Ah okay lang… medyo napagod lang ako sa mga nangyari.” Hinawakan ko ng mahigpit yung hand niya. “Wag mo munang isipin yun Jirou, magpahinga ka muna.” “Ano po yun miss Nayumi?” biglang tanong ni mang Fred habang nagda-drive. “Wala po manong.” Siguro akala ni mang Fred siya ang kinakausap ko. Weird. Pagdating sa hotel… “Nandito na po tayo…” tapos ay pinabukas ulit ako ni manong ng pinto, at ang binuksan niya ay yung pinto sa tabi ko. Pagkababa ko, susunod na sanang bumaba si Jirou pero sinarado agad ni manong Fred yung pinto ng car. “Manong Fred ba’t sinara niyo agad?” “May kukunin pa bo kayo miss Nayumi?” tanong ni manong sabay bukas niya ng pinto “Si manong talaga… di pa po nakakababa si Jirou.” “Sino po?” tanong ni manong “Si Jirou po.” Bumaba na si Jirou ng kotse. “Mang Fred may galit ba kayo sakin?” biro ni Jirou “Oo nga mang Fred, kanina ginanyan niyo rin si Jirou?” biro ko din “Sino po bang Jirou? Wala naman po kayo kasama kanina ah.” tanong ni manong na parang nagtataka “Binibiro niyo na naman ako manong-” bigla akong natigilan Teka… Pagsakay ko ng car, sinarado agad ni manong yung pinto. Ganun din sa pagbaba ko. “Wag mo munang isipin yun Jirou, magpahinga ka muna.” “Ano po yun miss Nayumi?” “Wala po manong.” Akala rin ni manong Fred siya nag kinakausap ko kanina sa car. “Manong Fred ba’t sinara niyo agad?” “May kukunin pa bo kayo miss Nayumi?” “Si manong talaga… di pa po nakakababa si Jirou.” “Sino po?” Don’t tell me… “Sino po bang Jirou? Wala naman po kayo kasama kanina ah.” …hindi na nakikita ni manong Fred si Jirou?! “Manong, si Jirou po yung kasama ko noong sinundo niyo ko kanina. Pinabukas ko pa nga po yung pinto ng car diba? Diba po nag-uusap pa nga kami… Tinanong niyo pa nga po ako eh. Tapos-” Bigla hinawakan ni Jirou ang kamay ko. “Nayumi tama na…” “Mang Fred naman…” “Hindi niya ko nakikita Nayumi.” sabi sakin ni Jirou Bakit hindi na nakikita ni mang Fred si Jirou? Dati naman nakikita niya eh… Oo nakakalimutan niya agad si Jirou pero, nakikipagbiruan pa nga siya dati. I don’t get it! Bakit bigla na lang ngayon, hindi na. “Nayumi! San ka galing?” tanong sakin ni Tricia “Tricia bakit ganun? Hindi na nakikita ni mang Fred si Jirou.” salubong ko agad kay Tricia “Ha?” “Di ko nga rin maintindihan kung bakit eh. Pero hindi na talaga siya nakikita ni manong!” “Wait bestie, anong sinasabi mo? San ka ba galing?” “Sa bahay namin. Di ba nagpaalam kami sayo kanina.” sagot ni Jirou Napatingin si Tricia kay Jirou at tititigan siya from head to toe. Bigla niya kong hinila sa may tabi… “Anong sinasabi ng guy na yon? Ba’t ka nagpunta sa kanila? Ikaw ha may tinatago ka na sakin.” “What are you saying? Diba nagpaalam ako sayo na pupunta kami sa parents niya.” explain ko. Ano bang sinasabi ni Tricia? “Nayumi, wala kang sinasabi sakin. Teka, sino ba siya?” Natigilan ako bigla. “Sino? Si Jirou siya, ano ka ba…” “Jirou?” ulit ni Tricia tapos ay tumingin ulit siya kay Jirou “Tricia di mo ba ko tanda?” tanong ni Jirou “Hindi eh… sorry. Pero nice to meet you Jirou.” casual na sabi ni Tricia sabay alok pa niya ng handshake Napatingin sakin si Jirou. Gosh… What is happening? Naguguluhan na rin ako. Inabot din ni Jirou ang kamay niya kay Tricia… pero noong maghahawakan na sila ng kamay, tumagos lang ang hand ni Tricia sa hand ni Jirou. “Ohmygod.” biglang natigilan si Tricia “You’re… a ghost.” di makapaniwalang sabi niya “Tricia ano ba… Pati ba naman ikaw?” Ano ba talagang nangyayari? . . . . . Kanina pa kami nageexplain kay Tricia pero wala talaga siyang maalala about kay Jirou. I’m not sure pero parang napalitan lahat ng memories niya mula ng mameet niya si Jirou. “Okay. So you’re saying… na IKAW…” pinoit niya si Jirou “…ay isang GHOST. And wala kang naaalala sa past mo that’s why my friend, Nayumi, is helping you. Uh… WEIRD.” reaction ni Tricia “So ano naman ang kinalalaman ko dito?” tanong niya “Tricia naman… diba ikaw pa nga ang nagpursue sakin na tulungan si Jirou kasi ayaw ko pa noong una.” explanation ko “Tsaka tinulungan mo rin kami sa paghanap kay Ace.” dagdag ni Jirou “Right! Don’t you remember Ace?” “Ace? As in Ace Corrales?” “Oo!” Sabay pa kami ni Jirou. Sana naaalala na nga ni Tricia… “Ofcourse kilala ko siya. Diba siya yung nameet mo Nayumi dito sa Laguna… Yung nagbigay sayo ng pet mong si Naru. Diba na-issue pa nga kayo.” sagot ni Tricia “Exactly. Cousin siya ni Jirou at ikaw pa nga Tricia ang nagresearch kung saan namin siya makikita.” “Ha? Ang sabi mo sakin nakilala mo siya sa cemetery…” sagot ni Tricia “Tricia naman… hindi mo ba talaga maalala?” nahihirapan na kong magexplain… gusto ko ng maiyak… Ano ba kasi talagang nangyayari?? Gabi na… Umuwi na rin si Tricia. Lumabas ako sa may veranda ng room ko at doon na-upo. Bakit kaya? Bakit hindi na naaalala ni Tricia si Jirou? Tumatagos na rin si Jirou sa kanya… Si manong Fred naman hindi na siya makita. Bakit biglang nagkaganito? Before kami nagpunta sa bahay nila Jirou, everything’s okay pa naman eh… Ano bang nangyari?? flashback… Tricia: “So, naisip mo na kung malalaman mo ang pagkatao mo… baka makatawid ka na sa kabilang buhay?” Jirou: “Ganun naman diba, kaya hindi maka-alis ang isang kaluluwa dito sa mundo kasi may kulang sa kanya. Pwedeng kailangan niya ng hustisya, o kaya may hindi pa siya natatapos na mission, o kaya tulad ko na nakalimot sa pagkatao. Pero hindi ko yun magagawa ng ako lang. Kailangan ko ng kasama, ng makakatulong…” Tricia: “Nayumi tandaan mo, ang mga ghost ay nandito lang dahil meron pa silang unfinished business. Pero once na nagawa na nila ang dapat nilang gawin, kailangan na nilang pumunta sa dapat nilang puntahan. In Jirou’s case, wala siyang memory sa kanyang past pero pag naalala na niya yun lahat……” Ako: “…kakailanganin niya ring umalis.” Jirou: “Siguro kasi may kulang pa… may hindi pa ako naaalala. Silang mga kaibigan ko pa lang ang naaalala ko, sa pamilya ko wala pa.” Jirou: “Naalala ko na ang lahat. Lahat ng nangyari bago ako maaksidente.” flashback ends… Wait… Naaalala na nga ni Jirou ang lahat. Ibig sabihin ba… Kaya ba hindi na siya nakikita ni mang Fred… Kaya ba hindi na siya nareremember ni Tricia… …kasi hindi na niya kailangan ng help. …kasi tapos na ang business niya dito sa lupa. If naaalala na niya ang lahat, does it mean kailangan na niyang umalis? Iiwan na ba niya ko? Hindi ko na siya makikita… What makalimutan ko na siya… What if hindi ko na rin siya maalala?? NO! Dahil sa mga naiisip ko hindi ko mapigilang umiyak. Bigla ko na lang naramdamang may naghug sakin mula sa likod. “Payakap nga. Mamimiss ko to eh.” sabi ni Jirou Agad ko namang pinunasan ang tears ko. “Teka umiiyak ka ba?” tanong niya “Hinde noh.” sagot ko habang pinupunas ang luha ko “Nayumi … ba’t ka umiiyak?” “Alam mo na rin diba? Kung bakit hindi ka na nakikita ni mang Fred. Kung bakit hindi ka na naalala at nahahawakan ni Tricia. Alam mo na rin kung bakit nangyayari ang lahat…” Hindi sumagot si Jirou… Alam nga niya. “Bakit hindi mo sinabi sakin? Mawawala ka na ba? Iiwan mo na ba ko?” tapos naiyak na naman ako Hindi sumagot si Jirou at niyakap niya lang ako. Chapter 16.2 - Goodbye [A/N: Itong next na chapter pala ay ina-narrate ko na lang. Continuation pa rin to ng naunang scene, pero magiging 3rd person’s point of view itong part na to.] [ Third Person’s POV ] Mga na-9:00 na ng gabi. Naka-upo pa rin sila sa may bench sa veranda. Nakasandal sila sa isa’t isa habang nakatingin sa labas. “Alam mo, hindi ko alam kung matutuwa ba akong namatay ako o maiinis eh.” Sabi ni Jirou. “Ano ka ba naman, syempre hindi nakakatuwa na namatay ka…” sagot ni Nayumi “…na patay ka na.” mahina niyang dugtong. “Hindi rin.” Masaya sabi ni Jirou “Kasi kung hindi nangyari sakin to, eh di hindi kita nakilala.” “Right.” sang-ayon ni Nayumi, nakangiti siya pero namumuo na ang luha sa kanyang mga mata “Kung hindi kita nakilala, eh di sana hindi ko maeexperience yung happiness na nararanasan ko ngayon.” “Hindi mo rin sana ma-eexperience ang sakit at lungkot.” Bulong ni Jirou. Narinig ito ni Nayumi, hindi niya alam kung ano ang sasabihin “Jirou.” Napayakap na lang siya dito at pinipigil ang kanyang paghikbi. “Gusto ko pang magtagal dito sa mundo.” Mababakas sa tono ni Jirou ang lungkot “Gusto pa kitang makasama. Gusto pa kitang makilala. Gusto ko pang pasayahin ka… mahalin ka...” Namumuo na rin ang luha sa mga mata niya “…Gusto kong mabuhay.” Di na napigilan ni Nayumi ang mga luha at tuluyan na siyang umiyak. Niyakap niya ng mahigpit si Jirou. Nagpatuloy si Jirou sa pagsasalita “Alam mo maswerte pa yung mga may sakit eh, yung may mga taning na ang buhay. At least pwedeng magkaroon ng milagro, pwedeng magkahimala na gumaling sila at mabuhay pa. Eh ako…” Tumulo na rin ang mga luha niya pero agad niyang pinunasan ang mga ito “…wala na kong pag-asa. Kaluluwa na lang ako eh. Isa na lang akong multo na naggugulo sa buhay mo.” “That’s not true.” “I’m sorry Nayumi kung nasasaktan kita.” “Tama na Jirou. Hindi yan totoo.” Ini-angat na ni Nayumi ang mukha niya at hinarap si Jirou. Nag-smile sa kanya si Jirou “Sana makakita ka ng iba na magmamahal sayo, at syempre yung mamahalin mo rin. Dapat yung katulad ko ha… o hihigit pa.” nagbiro pa siya “Teka, wala na palang hihigit sakin.” Pagyayabang na biro niya. Medyo natawa si Nayumi habang umiiyak “Jirou naman eh.” “Alam ko na, hanapin mo na lang yung reincarnation ko. Siguro medyo mag-iiba lang yung itsura ko, o kaya yung ugali ko… o kaya…” “Ayoko!” natigilan si Jirou sa sinabi ni Nayumi “Ayoko ng iba… Hindi ko kailangan ng katulad mo… o ng hihigit sayo. O kahit pa ng reincarnation mo…” umiiyak pa rin siya “Ikaw lang ang gusto ko. Ikaw mismo, walang mababago.” “Sorry.” Niyakap ni Jirou si Nayumi na patuloy ang pag-iyak. Mahigit alas-onse na ng gabi… Nakatulog na rin si Nayumi sa pag-iyak. Ini-ayos siya ni Jirou ng pwesto… kukuha sana siya ng kumot dahil medyo malamig na. Tumayo si Jirou ng hinawakan siya sa kamay ni Nayumi. “Don’t leave.” sabi ni Nayumi sa inaantok na boses. “Kukuha lang ako ng blanket, baka kasi…” “Dito ka lang please…” putol ni Nayumi sa sinasabi niya. Bumalik si Jirou sa dating pwesto. “Natatakot ako…” si Nayumi “…natatakot ako na baka pag-umalis ka, tuluyan ka nang mawala sa akin.” “Sige. Dito na lang ako sa tabi mo.” Sagot ni Jirou. Nasasaktan siya sa nakikita niya kay Nayumi. Kita niyang pagod na pagod na si Nayumi sa pag-iyak at na nilalabanan na lang niya ang antok. SILENCE…. “Pwede bang wag ka ng umalis…” “Hindi na nga diba. Yayakapin na lang kita para hindi ka lamigin.” biro ni Jirou tapos ay niyakap niya si Nayumi “Wag ka nang umalis please…” nagsimula sa namang lumuha si Nayumi “dito ka na lang kasama ko.” Gusto sana ni Jirou na alisin sa isip ni Nayumi na mawawala na siya, pero mukhang imposible… “Pasensya na, kakailanganin kong umalis pag dating ng oras.” Napatingin si Nayumi sa wrist watch niya, 11:17 pm na. Hinubad niya iyon at itinapon sa sahig. “Nayumi?” “Sana tumigil ang oras. O kahit bumagal lang.” sabi ni Nayumi Tumigil na sa pagtulo ang kanyang mga luha. Mukhang ano mang oras, babagsak na siya sa pagod. Talagang nilalabanan niya lang ito. Isinandal ni Jirou ang ulo ni Nayumi sa dibdib niya. “Matulog ka na…” paki-usap niya kay Nayumi “Sa ganoong paraan, hindi mo makikita… o mararamdaman ang pagkawala ko.” “No… Ayoko.” Pilit nilalabanan ni Nayumi ang pagod. “Matulog ka na, please. Isipin mo na lang… pag dumating ang alas-dose, mawawala ako sa tabi mo… pero paggising mo, buksan mo lang ang pintuan ng kwarto mo…” tumingala si Jirou sa kalangitan “…nakatayo lang ako sa tapat nun.” “Promise?” nakapikit na si Nayumi habang nakasandal kay Jirou “I love you Nayumi.” sagot ni Jirou at hinalikan niya si Nayumi sa ulo. [ Nayumi’s POV ] I love you Nayumi. Jirou… Goodbye. Jirou… “JIROU?!” Bigla akong napabangon. Teka… nasa bedroom ko na ako? Paano… Napatingin ako sa oras. 6:00 na ng umaga. Naalala ko bigla si Jirou. “Jirou? JIROU!” Nasaan na siya? Hinanap ko siya sa lahat ng rooms pero wala siya. Napatigil ako sa harap ng veranda. Nandito lang kami kagabi… flashback… “Isipin mo na lang… pag dumating ang alas-dose, mawawala ako sa tabi mo. Pero paggising mo, buksan mo lang ang pintuan ng kwarto mo… nakatayo lang ako sa tapat nun.” flashback ends… Nagpunta agad ako sa may harap ng door ko. Jirou… di ba hindi mo naman ako iiwan? Hinawakan ko yung handle ng door. Bat ba ko naiiyak? Binuksan ko yung pintuan… …pero wala si Jirou. Wala na nga siya. Wala na talaga siya. He’s gone. Napaupo nalang ako sa sahig at umiyak. “Nayumi? Ba’t ka umiiyak? What’s wrong?” Nilapitan niya ko “Tricia wala siya. Wala na si Jirou.” tapos ay niyakap ko nalang si Tricia at sa kanya ko umiyak. “Sino? Sinong Jirou?” “Iniwan na niya ko. Hindi ko na siya makikita kahit kelan.” “Nayumi… Ano bang nangyayari sayo?” “Wala na si Jirou…” Chapter 17 - Doppelgänger Pagkatapos noon hindi ko na nga ulit nakita si Jirou. Although minsan umaasa pa rin ako na magpaparamdam siya sakin, pero wala eh. Si Tricia… hindi na talaga niya nareremember si Jirou, but still lagi pa rin siyang nandyan sa tabi ko. Siya rin ang nagaalaga kay Naru since kailangan ko ng bumalik sa work. Ganun din si Nash, kinuwento ko sa kanya yung tungkol kay Jirou. Sabi niya naniniwala siya na possible mangyari ang mga yon. Kahit hindi niya nakikita si Jirou dati, naniniwala siya sakin… kaya naman medyo gumaan din ang loob ko. Naextend pa ang vacation ko dahil medyo matagal din bago ako nakamoved on sa nangyari. Pero after 2 months bumalik na din ako sa work. Ilang beses ko rin nakita sina Ace at Tifa, pero iniwasan ko sila. Tinatawagan rin ako ni Ace pero di ko pinapansin. Minsan nga hinabol niya pa ko na parang may gusto siyang sabihin. Ang sama ko ba? Di ko kasi kayang humarap sa kanila eh. Pag kasi nakikita ko sila, naaalala ko si Jirou… at nasasaktan at nalulungkot lang ulit ako. Ayoko namang maapektuhan pati ang pagmomodelo ko. Itong trabaho ko nalang kasi ang way para hindi ko masyadong maisip si Jirou. Hindi ko na rin plinano na hanapin ang puntod ni Jirou, lalo lang akong mahihirapan eh. “Nasa Laguna ako ngayon. Punta ka dito. Miss na kita eh…” sabi ni Tricia sa phone “Hindi ako pwede Tricia.” sagot ko “Bakit full ba ang sched mo ngayon?” “Hindi naman, actually free nga ako today eh… pero…” “Pero? Ano? Bilis na… Pretty please.” “Baka kasi makita ko lang si Ace or si Tifa dyan eh.” Hindi pa rin ako handang humarap at makipagusap sa kanila eh. “Hindi naman siguro… shades and cap lang ang solution dyan. Basta sa mall tayo magkita.” “Kaso…” “Kita nalang tayo. Bye Nayumi.” sabay baba ni Tricia ng phone Dahil wala rin naman akong magawa, nagpunta na rin akong Laguna. Miss ko na rin naman si Tricia. Pagdating sa mall… Napatingin ako sa wrist watch ko. Napaaga ako ng konti and I’m sure mayamaya pa yung si Tricia so I decided na maglakad-lakad muna. Okay naman yung outfit ko eh, hindi agaw attention. Teka, si Tifa ba yon? OMG. I thought so! Malaki talaga ang possibility na makikita ko sila dito. I need to go na—WAIT!… Sino yung kasama niya? Si Ace ba yon? Parang hinde… Nakatalikod siya pero… I’m sure hindi si Ace yon. Para ngang familiar yung pagtayo niya eh, pati yung hair niya at yung way ng pananamit niya. Parang siyang si… BIGLA SILANG NAGHIWALAY at naglakad sa magkaibang direction. Sinundan ko yung nakatalikod na guy. I CAN’T HELP IT EH… Kasi pati yung paglakad niya, parang si… Parang si JIROU! Sinundan ko lang siya… Mabilis siyang maglakad kaya medyo nahihirapan akong humabol… Pati yung pagkilos niya katulad na katulad talaga. Bigla siyang tumigil, tapos ay LUMINGON SIYA SA LIKOD. Medyo malayo ako sa kanya pero… I can’t be wrong, KAMUKHA NIYA SI JIROU. Pero paano? Wala na siya diba? Pero kung si Jirou nga siya, paano niya nakakausap si Tifa?? Dapat hindi siya nakikita ni Tifa!! TUMALIKOD ULIT SIYA at dumiretso sa paglakad. Nakita niya ba ko? Ba’t hindi niya ko pinansin? Hindi niya ba ko nakilala? Si Jirou ba talaga siya? Iba yung feeling ko eh. Gusto ko siyang makita up close. Sumakay siya sa escalator. Sumunod din ako. Pinipilit kong ulit makita ang face niya pero malayo siya sakin. Marami ring mga taong nakaharang… Pagdating ng second floor, tumigil ulit siya at tumingin sa paligid. Kainis, ang layo ko pa. Sana hindi siya umalis sa position niya. Kaso bigla siyang naglakad at sumakay ulit ako sa escalator papunta naman ng 3rd floor. Pagtungtong kong 2nd floor sumakay din agad akong ng escalator. . . . Pagdating ko sa third floor, malayo na agad siya. Grabe… ang bilis niya talagang maglakad. Bigla siyang lumiko sa left, kaya lumiko rin ako. Tapos lumiko naman siya sa right, then turn left, then left ulit. I’m tired na… Hindi ba siya titigil? Saan ba siya pupunta? Tapos pumasok siya sa may arcade. What?! Ang daming tao, paano ko pa siya makikita? Nasaan na siya? Sino ba talaga siya? Bakit kamukha niya si Jirou? Si Jirou ba siya? Pero imposible, wala na si Jirou eh… Naguguluhan na ko. Sino ba kasi talaga siya?? Habang hinahanap ko siya sa crowd, nagulat ako dahil iba ang nakita ko. Oh my gosh, si Ace! Lumingon si Ace sa direction ko kaya tumalikod agad ako at nagmadaling lumabas ng arcade. Muntik na niya kong nakita! Nakita ko ring lumabas yung kamukha ni Jirou sa arcade. Nagpunta siya sa may apparel kaya sumunod agad ako. Bigla siyang lumingon kaya nagtago ako sa may poste. Sumilip ako… “Nasaan na siya?” Bigla siyang nawala. Tinanggal ko yung shades ko at umalis ako sa posteng pinagtataguan ko. Natakasan agad ako? Napansin niya sigurong sinusundan ko siya. Tumingin ako sa paligid pero wala siya. Pagikot ko, may biglang bumulaga sakin… “HULI KA! Sinusundan mo ko noh!” “Ji-Jirou?” yun lang ang nasabi ko sa sobrang gulat “Uy si Nayumi Anderson yon diba?” sabi ng isang mall shopper “Oo siya nga.” sagot ng isa pang shopper Bigla naman niya akong hiniwakan sa kamay at hinila palayo sa mga tao. This time hindi ko na maitatanggi… KAMUKHANG KAMUKHA NIYA TALAGA SI JIROU. Yung voice and the way he speaks, kung paano niya ko tingnan, kung paano niya ko hawakan… Katulad ng kay Jirou. Isa lang ang naiba… ang mainit niyang kamay. Habang hawak niya ko, nararamdaman kong buhay siya. Ang guy na to… Sino ba siya? Bakit kamukha niya si Jirou? Tumigil kami noong nandoon na kami sa part ng mall na hindi crowded. “Sikat ka ba?” tanong niya “Ha?” Pareho talaga sila ni Jirou, yan din ang tanong niya sakin dati eh. “Alam mo pamilyar ka eh…” sabi niya Pero hindi niya nga ako kilala… Ano ba yan! Bakit ba ko umaasa pa… madidisappoint lang ako! “…ahh, ikaw yung model sa t.v. diba?” Siguro nga marami silang similarities. Pero si Jirou, wala na… samantalang ang guy na to, buhay na buhay pa. “Tama, nagpunta ka pa nga dati dito sa Laguna. Diba kaibigan mo sina Ace at Tifa?” “How did you know?” tanong ko tapos nginitian niya ko “Diba tinulungan mo pa nga yung kaibigan nila.” nagsmile siya “Wala kasi siyang maalala sa pagkatao niya kaya humingi siya ng tulong sayo…” Bigla akong natigilan. PAANO NIYA NALAMAN YUN? “Natakot ka pa nga noong una kasi nalaman mo na kakaiba pala siya… pero tinulungan mo pa rin siya.” Si Jirou ang tinutukoy niya diba? Si Jirou. “Kahit makulit siya, kahit inaasar ka niya, kahit bossy siya… pinagtiyagaan mo pa rin siya, sinamahan mo siya, initindi, pinasaya, minahal. Mahal na mahal ka rin naman niya eh… kaso iniwan ka niya.” “Paano mo…” “Ang sama niya no? Sana mapatawad mo siya… Miss mo na ba siya? Kasi ikaw…” Lumapit siya sakin “…miss na miss ko na eh. Miss na kita Nayumi.” Kaya ba niya alam lahat yon? Siya nga ba si… Final Chapter “Ang sama niya no? Sana mapatawad mo siya… Miss mo na ba siya? Kasi ikaw…” Lumapit siya sakin “…miss na miss ko na eh. Miss na kita Nayumi.” Kaya ba niya alam lahat yon? Siya nga ba si… “Jirou?” “Nayumi…” nakasmile na sabi niya sakin Hinawakan ko siya sa face niya. “Jirou ikaw ba talaga yan?” mangiyak-ngiyak kong sabi “May iba pa ba?” pabiro niyang sagot Ibinaba ko yung kamay ko. Siya nga si Jirou… *sniff* “Jirou…” *sniff* “Hmmm?” “JIROU!” sabay hug ko ng mahigpit sa kanya “Ikaw nga Jirou. Huhuhu… Akala ko hindi na kita makikita. Jirou… Jirou…” sabi ko habang nakayakap sa kanya at umiiyak “Teka Nayumi, baka akala ng mga tao pinapa-iyak kita.” biro niya Humiwalay naman ako sa kanya, pinilit kong kumalma at pinunasan ang mga luha ko. Tapos PINALO KO SIYA SA DIBDIB. “Aray. Bakit?” nagtatakang tanong niya “Ikaw kasi eh.” nagtatampo kong sabi “Pinaglaruan mo pa ko… pinasunodsunod mo pa ko sayo. Para kong stalker kanina. Nakakainis ka.” “Hindi ka ba masaya na nakita mo ulit ako?” “Masaya… masayang masaya, pero… paano ka ba nakabalik? Bakit ngayon ka lang nagpakita sakin? Paano ka nakikita at nakakausap ni Tifa? Hindi ba siya natakot kahit multo ka na?” Umiling si Jirou. “Buhay ako Nayumi.” sabi niya “Buhay na buhay.” “Ha? Pero Jirou, that’s impossible. Yung… yung… Diba hindi naman pwede na-” Bigla niya kong hinalikan sa lips. Yung mabilis na kiss. Yung smack. “Oh yan naniniwala ka na?” Nagulat ako kaya hindi ako makapagsalita. Hinawakan niya yung hand ko tapos ay idinikit niya sa dibdib niya. Teka… nararamdaman ko… ang kanyang HEARTBEAT. “Jirou… tumitibok ang puso mo.” gulat na sabi ko “Diba sabi ko naman sayo.” “Buhay ka nga Jirou.” sabi ko sabay yakap ko sa kanya. Buhay nga si Jirou. Ang init ng yakap niya. At habang yakap ko siya, nararamdaman ko pa rin ang heart beat niya. Buhay nga siya… buhay si Jirou! “Eh nagkita na pala kayo eh.” Napatingin kami sa nagsalita, si Ace… Kasama niya si Tifa, at holding hands pa sila. “Ace? Tifa?” Okay na pala silang dalawa?? “Isusurprise ka sana namin kaso naunahan mo na kami” si Tricia “Kasama ka rin Tricia?” So magkakasabwat pala sila? “Siguro guys sa ibang place nalang tayo magkwentuhan.” sabi ni Tifa Napatingin naman kami sa paligid… may ilan na pala kasing nakikinood samin. Fast Food Restaurant… “I still don’t get it. Paano nangyaring buhay ka Jirou?” I mean… I’m happy na buhay siya pero paano nangyari yon? Eh ghost na siya dati eh. “…After maaksidente ni Jirou, na-coma siya.” explanation ni Tifa “Sabi ng mga doctor napakaliit na daw ang chance na maka-recover pa si Jirou… possible na ganun na lang daw siya habang buhay. Several months na rin siyang nasa ganung condition kaya naman nawalan kami ng pag-asa at sinisisi namin ang mga sarili namin.” “Ang akala ko namatay na ko… pero nasa coma state lang pala ang body ko. Yun din yung panahon na nagkakilala tayo Nayumi.” dagdag ni Jirou “Ang totoo hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari sa inyo eh. Habang nasa hospital yung katawan ni Jirou, yung kaluluwa naman niya eh kasama mo Nayumi. Posible ba yon?” tanong ni Ace “Well, I’ve seen other ghosts before… pero I’m not sure kung maniniwala ako kasi wala talaga akong maalala kay Jirou.” sabi rin ni Tricia “Alam niyo mahirap talagang paniwalaan pero, ang mas mahalaga ay ngayon na okay na ang lahat at makakasama ko na ulit si Nayumi.” sabi ni Jirou Tama si Jirou… ang mas mahalaga ay yung ngayon. “Teka nga pala Tricia, so kasabwat ka talaga nila… Kaya pala pinilit mo kong pumunta dito eh.” sabi ko “Haha… nagulat nga rin ako noong pumunta silang tatlo sa bahay. Hindi ko nga sure kung maniniwala ako… pero pareho talaga kayo ni Jirou ng STORY na sinasabi, and since friend mo naman si Ace at Tiffany, kaya tumulong na rin ako.” explain ni Tricia “Dati ka pa namin gustong makausap kaso parang busy ka yata eh…” dagdag ni Ace. Oops. Yun yata yung mga pagkakataong iniiwasan ko siya. Sorry Ace… “…kaya naisip ni Jirou na humingi ng tulong sa bestfriend mo.” “Ang totoo dapat isusurprise namin si Jirou sayo Nayumi.” si Tifa “Kaso naunahan mo na kami eh, nakita mo na agad si Jirou.” “Alam mo ba Nayumi, habang sinusundan mo si Jirou, sinusundan ka rin namin. Utos ni Tricia eh…” biro ni Ace Kaya pala nakita ko kanina si Ace. “Syempre noh! Concerned ako sa safety ni Nayumi.” defense ni Tricia Si Tricia talaga… she really thinks of everything. “Excuse lang bestie, pupunta lang akong washroom.” paalam niya sakin na parang nagpaparinig “Okay.” Tapos nakita kong nag-wink siya kina Ace and Tifa Biglang tumayo si Ace “Alam niyo gutom na ko. Oorder na ko ng pagkain natin.” sabi naman ni Ace “Wait Ace, Sasama na rin ko.” tapos ay sumama sa kanya si Tifa Nakakatawa sila… I know naman na gusto lang nilang bigyan kami ni Jirou ng time for each other eh. Kami na lang ni Jirou ang naiwan sa talbe… “Okay na pala si Ace at Tifa?” tanong ko kay Jirou “Oo. Bago ako maaksidente, galit na galit ako sa kanila, lalo na kay Ace. Pero habang habang natutuklasan ko ang nakaraan ko, nalalaman ko rin ang side nila, at narealize ko rin ang mga mali ko. Kaya naman noong nagising ako, humingi ako ng tawad sa kanila at sa mga pagkakamali ko.” “Pati kayo ng dad mo?” nginitian niya ko “Kaya pala mas masaya si Ace ngayon.” “Mahal naman talaga ni Ace si Tifa eh… matagal ko ng alam yun. Pero dahil sakin, sinacrifice niya yon. ” “Okay na pala kayong lahat eh.” “Oo nga…” sagot ni Jirou “…ikaw na nga lang ang kulang.” Hinawakan niya yung kamay ko. “Sorry talaga Nayumi kung iniwan kita. Alam kong nasaktan ka. Wala akong choice eh. Pero ngayon binigyan tayo ng isa pang chance… wala na tayong time limit, promise lagi lang akong nasa tabi mo. Wala na kong sasayangin na pagkakataon, ipaparamdam ko sayo lalo na mahal kita. I love you Nayumi.” Naiiyak na naman ako sa sinasabi niya eh. Hindi maexplain yung feeling… basta sobrang saya ko ngayon. “I love you too Jirou.” Unti-unti niyang inilapit ang face niya sakin… Konti na lang ang pagitan namin… …bigla kong hinarang yung hand ko sa pagitan namin… kaya yung kamay ko yung na-kiss niya. Napatingin siya sakin na parang nagtataka. Umiling naman ako. “Sure ka ba? Hindi ka ba mahihirapan?” sabi ko Hahaha… ang totoo gusto ko lang siyang kulitin. “Ngayon pang normal na tao na ulit ko? Syempre hinde noh.” sagot niya “Unlike dati noong hindi ka pa nakikita ng mga tao, ngayon hindi mo na ko pwedeng basta i-hug at i-kiss sa public. Mahihirapan na tayong magdate. And there will be times na magiging busy ako sa pagmomodel ko, baka hindi tayo madalas magkasama.” “Problema ba yon? Eh di titira din sa condo ako kasama mo.” Nagulat naman ako sa sinabi niya. “No! Hindi pwede.” sagot ko agad “Eh bakit dati, magkasama tayo sa room mo sa hotel?” “Eh kasi ghost ka pa noon.” defensive na sagot ko “So?” Ano ba naman tong si Jirou! Hindi niya ba talaga alam kung bakit?! Hindi kami pwedeng magkasama ng tinutuluyan… para na kaya yung live in. Bigla naman akong nag-blush dahil sa naisip ko. “Gusto mo bang ma-issue ako.” nahihiya ko pang sabi Bigla naman siyang napatawa. “Hahaha… Syempre kukuha ako ng ibang room sa condo, pero syempre yung malapit sa room mo.” lumapit siya sakin tapos ay ngumiti siya ng pilyo “Pero alam mo Nayumi… okay din yung naiisip mo eh, mas gusto ko yun.” Pinalo ko siya sa braso niya. “Kainis ka! Teaser ka talaga.” “Kaya mo nga ako mahal diba.” confident niyang sagot “Oo. Kainis ka… kaya kita mahal.” Bigla niya ulit akong kiniss ng mabilis. “Teka nakakadalawa ka na Jirou!” “Gawin na nating tatlo.” A/N: Okay, end na. Hi readers! Magulo ba yung ending? Haha… Ang totoo, hindi naman talaga namatay si Jirou. After niya maaksidente, na-coma lang siya. At dahil wala si Jirou sa body niya at wala siyang maalala… inassume niya na dead na siya, na inakala din nila Nayumi at Tricia. Pero kung babasahin nyo ulit yung story… walang sinabi si Ace at Tifa o ang parents ni Jirou na patay na siya. Yun lang… Salamat sa pagbabasa ☺
© Copyright 2024